Mga diary tungkol sa COVID-19 mula sa Wuhan: ‘Makalalabas ka nang dalawang oras ang tagal’

Mga tao sa tabing-ilog. (Larawang kuha ni Guo Jing. Ginamit nang may pahintulot.)

Ang sumusunod na post ay ang ika-15 sa serye ng mga diary na isinulat ng malayang filmmaker at peministang iskolar na si Ai Xiaoming at ng peministang aktibista na si Guo Jing. Pareho silang nakatira sa Wuhan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Narito ang mga link sa unaikalawaikatloikaapatikalimaikaanimikapitoikawaloikasiyamikasampuika-11ika-12, ika-13, at ika-14 bahagi ng serye.

Tunghayan ang special coverage ng Global Voices ukol sa pandaigdigang epekto ng COVID-19.

Isinulat itong yugto mula ika-28 hanggang ika-31 ng Marso, 2020. Inilathala sa Matter News ang mga orihinal na diary sa Tsino.

Guo Jing: ika-28 ng Marso, 2020

武汉的地铁在停运了两个多月后,今天重新开始运营了。我的小区对面就是地铁口,不过少有人出入。
我和大家一样都在期盼着出小区。下午,我买的大麦茶到了。取快递的时候,我问了一下保安什么时候可以出去,他让我问网格员。他给我指了指小区墙上的公示牌,有一个上面有网格员的电话。
我打电话给网格员,她说,无疫情社区的居民每天可以凭绿码(健康码)去超市买东西,一次出门的时间为两个小时。可是,现在有很多超市依然不对个人开放。
我们社区是无疫情社区,离我们最近的对个人开放的超市所在的社区不是无疫情社区。而且,现在超市严格控制进入的人数,一次只能进5个人,要排很久的队。所以,网格员建议现在还是不要出小区。
我今天终于厌烦了胡萝卜。可惜我家里还有几根胡萝卜,我还是得把它们吃完。不过,胡萝卜正式成为第一种我未来一段时间不想再吃的食物。

Matapos ang dalawang buwang tigil-operasyon, sinimulang paandarin muli ngayong araw ang subway sa Wuhan. May pasukan ng subway sa harap mismo ng pamayanan ko, ngunit kaunting tao ang naglalabas-masok.
Tulad ng karamihan, gusto kong makalabas sa residential district namin. Nang ihatid sa pamayanan ko nitong hapon ang tsaang gawa sa barley na inorder ko, kinuha ko ito at tinanong ko ang guwardiya kung kailan kami makalalabas. Sinabi niya na dapat kong tanungin ang grid controller, at itinuro niya ang isang numero ng telepono na nakapaskil sa bulletin board.
Tinawagan ko ang grid controller. Sinabi niya sa akin na makapamimili sa mga supermarket nang dalawang oras ang tagal ang mga residenteng may “green” health code sa mga pamayanang walang mga bagong kumpirmadong kaso. Gayunpaman, hindi bukas sa mga indibidwal na mamimili ang maraming supermarket.

Walang mga bagong kumpirmadong kaso ang pamayanan namin, ngunit matatagpuan sa distrito na may mga kumpirmadong kaso ang pinakamalapit na supermarket. Bukod dito, laging may mahabang pila sa labas ng mga supermarket dahil pinapayagan lamang nila ang hindi hihigit sa limang tao upang mamili sa loob. Samakatuwid, iminungkahi ng grid controller na iwasan ko ang paglisan ng distrito namin sa ngayon.
Sobrang sawa na akong kumain ng mga carrot, ngunit kailangan ko pa ring ubusin ang ilang carrot na naka-imbak sa bahay. Opisyal na nasa listahan ko ng pinakaayaw na pagkain sa nalalapit na hinaharap ang carrot.

Guo Jing: ika-29 ng Marso, 2020

最近几天我多次被问到:“武汉封城后,人与人之间的关系有什么样的变化?”我没有一个简单绝对的答案。封城后,人们自觉地和他人保持一定的距离,很多人不再出门,但也有人带着恐惧和担忧做志愿者,为需要的人送物资。一些在外的湖北人被拒绝住酒店,但也有人主动为湖北人提供住处。有的城市拒绝复工的湖北人进入,但也有城市欢迎复工的湖北人。
中午,有住户艾特物业主任,“请问,现在可以出小区,去超市买东西吗?”
物业主任回答说:“你如果有健康码和复工证明就可以出小区。”
有人问:“请问现在住汉口,可以回小区吗?”
物业主任说:“只要有健康码,可以。”
两个住户都表示感谢。

Tinanong ako nang ilang beses kamakailan, “Paano nagbago ang pakikipag-ugnayang panlipunan pagkatapos ng lockdown sa Wuhan?” Wala akong simpleng sagot. Pagkatapos ng lockdown, pinananatili namin nang sadya ang social distance. Hindi na lumalabas ng kanilang mga tahanan ang maraming tao. Gayunpaman, nalabanan ng ilan ang kanilang takot at pagkabalisa, at nagtrabaho sila bilang mga volunteer na naghahatid ng mga suplay sa mga taong nangangailangan. Tinanggihan ng mga hotel sa labas ng Hubei ang ilang taong mula sa lalawigan ng Hubei (ang lalawigan kung saan administrative capital ang Wuhan). Gayunpaman, naghahandog ng tulong ang ilan. Pinagbabawalan ng ilang lungsod ang mga taga-Hubei sa pagpasok at pagbalik sa trabaho. Tinatanggap sila ng ibang mga lungsod.
Ngayong araw bandang tanghali, nagpadala ng mensahe sa tagapamahala ng ari-arian ang isang residente: “Makalalabas at makabibili ba kami sa mga supermarket?”
Sinabi ng tagapamahala, “Kung may (green) health code ka at may sertipiko upang makabalik sa trabaho, makalalabas ka.”
May isang pang nagtanong, “Nananatili ako sa Hankou (isang pang bahagi ng lungsod ng Wuhan) ngayon. Makababalik ba ako sa pamayanan?”
Saad ng tagapamahala, “Kung may (green) health code ka, makababalik ka.”
Pinasalamatan nila ang tagapamahala.

Guo Jing: ika-30 ng Marso, 2020

这场疫情会对我有什么样的影响?我现在也无法说清楚。这场灾难会在我们很多人身上都留下不可磨灭的痕迹。
我们会走在某条路上的时候想起它2020年的样子,我们会在吃到某种菜的时候记起封城这段时间天天吃它的无奈,我们会偶尔梦到此时的人和事。
我对武汉这座城市依然不会有特殊的感情,但我会记得在这个地方经历了一场封锁,也无法忘记这段时间空荡荡的街道。
这几天武汉的外卖订单在增加。3月26日,奶茶订单3天增长近8倍。人们承受了太多的苦,一杯奶茶成为现在难得的甜。
路上多了一些拉着行李的人,不知这是他们的归途还是启程。

Hindi ko pa masabi kung paano ba ako naapektuhan nitong pandemya. Itong kalamidad ay mag-iiwan ng mga markang hindi mabubura sa marami sa amin.
Kapag maglalakad kami sa kalsada, iisipin namin kung anong nangyari noong 2020. Kapag kakain kami ng partikular na pagkain, ipaaalaala nito sa amin kung gaano kami nag-aalangang kumain habang may lockdown. Mapapanaginipan namin ang mga nakilala namin at ang mga nangyari habang may lockdown.
Malamang na hindi ako makabubuo ng espesyal na koneksyon sa lungsod na ito, ngunit lagi kong maaalaala na nakaranas ng lockdown itong lungsod. Hindi ko malilimutan iyong mga kalsadang walang katao-tao.
Tumaas ang bilang ng mga takeout order sa Wuhan nitong mga nakaraang araw. Noong ika-26 ng Marso, naiulat na lumobo nang walong beses ang bilang ng mga order na milk tea kumpara noong tatlong araw na ang nakararaan. Naranasan namin ang maraming kapaitan, at ang isang tasa ng milk tea ay naging isang pambihirang tamis sa buhay.
Nakita ko ang ilang taong dala ang kanilang mga bagahe sa mga kalsada. Hindi ko alam kung sila ay pabalik o paalis.

Guo Jing: ika-31 ng Marso, 2020

让人们保持“正常”的一个功能是社会的稳定。对那些在疫情期间失去亲人的人,有一些人觉得领完骨灰自己找个地方哭最好,不然就会乱。
本来,在亲人去世时办葬礼,当众哭再正常不过了,可是此时的正常却又被颠倒了,这是极端情况下被认定的“正常”。
社会连他们的哀悼痛哭都承载不了,那我们的社会是多么的不正常。社会如此地不正常,生活在其中的我们怎么做一个“正常人”呢?
社区志愿者昨晚在群里说:“各位好,今天我询问了门口的值守人员,现在凭健康码登记后就可以出去购买生活物品,药店也在慢慢放开,有需要的人可以自行购买”。
有人问:“你好!请问老年人也可以出去看病买东西吗?”
志愿者回复道:“你只要健康码是绿的就可以出去”,他又补充说,“凭绿码出去,限两个小时内。一次一户一人,现在还不是所有超市都对个人开放,如果不是非买不可的,最好还是不要频繁出门,外面还是不安全,特别是老人和小孩。出门请做好防护,注意排队距离,尽量不去拥挤的地方,如果不是必要尽量等到4月8日。”
看到这个消息,我激动地眼里泛起了泪花。我在支付宝上申请了健康码,准备今天出门。
我中午11点35分出小区,门口的保安问我出门做什么,我说:“买东西”。他让我用微信扫一个二维码,原来是要看微信上的健康码,我的微信没有绑定手机号,就还没有在微信上申请健康码。保安用体温枪给我量了体温,让我登记了一下信息,包括房间号、体温、出门的事由和时间,叮嘱我说:“出门时间是两个小时”。
我只有两个小时,要在13点35分回来。我骑了一辆共享单车,在熟悉的街道上骑着,却有种陌生感,我像是乱入地球的外星人,兴奋而紧张。我急于想要再次亲眼看看这外面的世界”
我骑车到江滩的入口,到江边走一走。江边的人比封小区前要多一些,有带着小孩玩的家长,有散步的情侣,有钓鱼的人。
前几天,有人问我:“解封后第一件事想做什么?”我说:到江边走一走,喊一喊。”吃跑了,我走到江边,稍微犹豫了一会儿,然后对着长江大喊:……”。接着,有两个人也跟着叫,其中一个人还连叫了三声。看来大家都被困得太久了。我又喊了几声,有点神清气爽的感觉。

Kailangang kumilos nang “normal” ng mga tao upang mapanatili ang katatagan ng lipunanNaniniwala ang ilang tao na iyong mga nawalan ng mga kamag-anak o mga kaibigan sa pandemyang ito ay dapat panatilihing pribado ang mga luha matapos matanggap ang abo ng mga kamag-anak o mga kaibigan upang hindi manghina ang lipunan.
Normal ang pag-iyak sa harap ng iba sa funeral ng kamag-anak. Gayunpaman, tinuligsa itong nakasanayang gawain sa ilalim nitong mga matitinding kalagayan. Hindi tinatanggap ng lipunan ang pighati. Sa ganitong abnormal na lipunan, paano kikilos nang normal ang mga indibidwal?
Nagpadala ng mensahe sa chatroom namin ang isang volunteer ng pamayanan: “Kamusta, tinanong ko ang isang tauhan ng pamayanan sa tarangkahan ngayong araw, at sinabi nila sa akin na makakapamili tayo kung may (green) health code. Bukas ang ilang botika ngayon at makabibili kayo ng mga kailangang bagay.”
May nagtanong, “Maaari bang magpatingin sa doktor at mamili ang mga senior citizen?”
Tugon ng volunteer, “Makalalabas kayo kung may green code.” Dagdag pa niya, “Makalalabas ang isang tao lamang kada pamilya at dalawang oras ang tagal kada labas. Sa kasalukuyan, hindi lahat ng supermarket ay bukas sa publiko. Kung wala kayong mga pangangailangang apurahan, mas mabuting huwag masyadong lumabas. Hindi ligtas sa labas, lalo na para sa mga senior citizen at mga bata. Kapag lalabas kayo, mangyaring magsuot ng protective gear at panatilihin ang social distance sa iba. Mas mabuting huwag pumunta sa mataong lugar. Kung hindi naman mahalaga, mangyaring maghintay hanggang ika-8 ng Abril.”
Sa sobra tuwa ko nang makita ang mensahe, tumulo ang luha sa mga mata ko. Nag-apply ako para sa health code sa Alipay at naghandang lumabas ngayong araw.
Lumabas ako ng 11.35 n.u. Tinanong ng guwardiya ang layunin ko sa paglabas. Sinabi ko, “Mamimili.” Sinabihan niya akong i-scan ang QR code gamit ang WeChat upang makita ang health code ko. Dahil hindi naka-link sa numero ng telepono ko ang WeChat account ko, hindi makita sa pamamagitan ng WeChat ang health code ko. Kinuha ng guwardiya ang temperatura ko at sinabihan akong punan ang isang form, kabilang ang numero ng silid, temperatura, layunin sa paglabas, at ang oras ng paglabas. Pinaalalahanan niya ako, “May dalawang oras ka lamang.”
May dalawang oras lamang ako. Kinailangan kong bumalik ng 1:35 n.h. Nagbisikleta ako at dumaan sa mga kalsadang dapat ay pamilyar, ngunit mukhang banyaga sa akin. Tila isa akong alien na dumating sa Daigdig, sabik at kinakabahan. Sabik akong makita ang “mundo sa labas.”
Pumunta ako sa pasukan ng river park at naglakad sa may tabing-ilog. Mas maraming tao ngayon kaysa bago ang lockdown—may mga magulang na nakikipaglaro sa mga anak nila, magkasintahang naglalakad-lakad sa tabi ng ilog, at mga taong nangingisda.
Ilang araw na ang nakalilipas, may nagtanong sa akin, “Anong una mong gustong gawin kapag inalis ang lockdown?” Sabi ko, “Gusto kong maglakad sa tabi ng ilog at sumigaw.” Matapos kong kumain, naglakad ako papunta sa ilog. Huminga ako at sumigaw nang malakas sa Ilog Yangtze, “Ah!!!” Pagkatapos ko, may sumigaw ring dalawa. Sumigaw nang tatlong beses ang isa sa kanila. Tila na-stranded kami nang masyadong matagal. Sumigaw ako nang paulit-ulit. Pakiramdam ko na sumigla ako pagkatapos niyon.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.