· Mayo, 2012

Mga kwento tungkol sa Citizen Media noong Mayo, 2012

WITNESS: Alamin ang Paggamit ng mga Bidyo para sa Pagbabago

Rising Voices

Layon ng grupong WITNESS na bigyang kakayahan ang taumbayan na ipagtanggol ang nararapat na hustisya at umahon mula sa samu't saring kwento ng pang-aabuso. Nakapagturo na ang grupo sa mga hands-on workshop ng mga indibidwal mula sa humigit 80 bansa. Upang mapalawak ang sakop ng kanilang proyekto, inilunsad ng WITNESS ang isang komprehensibong kurikulum sa pagsasanay sa paggamit ng bidyo para sa adbokasiya ng karapatang pantao. Libreng maida-download ang nasabing kurikulum.

31 Mayo 2012

Tampok na Kagamitan: Ang Mobiles In-A-Box

Rising Voices

Kahit sa mga pamayanang liblib at hindi gaanoong napapansin, malawakang ginagamit ang mga mobile phone. Napakahalaga na matutunan ng mga citizen journalist at aktibista ang maraming kakayahan at kagamitan ng teknolohiyang mobile. Ang mobiles in-a-box mula sa grupong Tactical Technology Collective ay koleksyon ng mga kasangkapan at gabay sa paggamit ng teknolohiyang mobile para sa mga samu't saring adbokasiya ng mga kilusan at organisasyon.

30 Mayo 2012

Panukalang Unyon ng mga Bansa sa Golpo, Sinalubong ng mga Alinlangan

Maugong ang balita tungkol sa panukalang palitan ang kasalukuyang GCC o ang Konsehong Pangkooperasyon para sa mga Golpong Estadong Arabo, at gawin itong unyon na gaya ng EU. Ito ay sa gitna ng tensyon at kawalang-katiyakan matapos ang Himagsikang Arabyano at ang lumalawak na impluwensiya ng Iran. Bilang panimulang hakbang, pinag-uusapan ngayon ang pakikipag-anib ng Saudi Arabia sa Bahrain.

22 Mayo 2012

Pilipinas: Mga Sakuna ng Kalikasan, Iniugnay sa Pagmimina at Pagtotroso

Nakaranas ng matitinding pagbaha at pagguho ng lupa ang maraming bahagi ng Pilipinas sa loob lamang ng tatlong linggo, na kumitil sa buhay ng 1,500 katao at sinalanta ang ilang daan-libung mahihirap na mamamayan. Tinukoy ng mga netizen ang mga dahilan ng mga nangyayaring sakuna, pati na ang mga pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno dahil sa pagbibigay permiso sa mga kompanyang nagsasagawa ng walang habas na pagtotroso at pagmimina.

20 Mayo 2012

Tsina: Mamamahayag ng Al Jazeera Sa Beijing, Pinalayas

Sa unang pagkakataon magmula noong 1998, isang lisensyadong dayuhang mamamahayag ang pinaalis ng Tsina ng gobyerno nito. Si Melissa Chan ay lubos na ginagalang ng kanyang mga katrabaho, at ang pagpapatalsik sa kanya ay umani ng samu't saring reaksyon pati na sa mga microblog.

18 Mayo 2012

Mayo Uno Ginunita sa Gitnang Silangan

Ipinagdiwang ang Mayo Uno, o ang Araw ng Paggawa, sa mga bansang Arabo. Narito ang mga kaganapan sa taong ito bilang paggunita sa mahalagang araw na ito: sa Libya, idineklara itong pambansang pampublikong holiday, sa Bahrain sinalubong ng pulisya ang mga kilos-protesta, at sa Lebanon na-hack ang website ng Kagawaran ng Paggawa.

16 Mayo 2012