Ang Mayo Uno, Araw ng Paggawa, o ang Pandaigdigang Araw ng mga Obrero [en], ay tinuturing na pampublikong holiday sa mga bansang Arabo. Nagdaos naman ng mga demonstrasyon at protesta ang ilang unyon at partidong pulitikal doon upang ipagbunyi ang mahalagang papel ng mga manggagawa at upang ipanawagan ang kanilang mga karapatan.
Idineklara kamakailan ng National Transitional Council ng bansang Libya ang Mayo Uno bilang isang pambansang pampublikong holiday [ar] simula sa taong ito. Ayon sa tweet ni Hamid mula sa bayan ng Tripoli:
@2011feb17 [en]: #Libya's first #MayDay (Worker's Day) holiday since 42 years ago! HAPPY HOLIDAY EVERYONE Yup #Libya has changed ;)
Ginunita naman ng aktibistang Bahraini na si Maryam Alkhawaja ang mga dayuhang manggagawa sa Gitnang Silangan:
@MARYAMALKHAWAJA [en]: On labor day we pay tribute to all the migrant workers who r treated like modern day slaves in #gulf countries
Idinaos naman ang mga kilos-protesta sa iba't ibang bayan sa Bahrain upang igiit ang pagbabalik-trabaho [en] ng daan-daang obrero na sinisante noong isang taon dahil sa pagwewelga. Sinalubong ng pulisya at tear gas ang karamihan sa mga kilos-protesta doon. Ayon sa ulat ng mamamahayag na si Mazen Mahdi mula sa isang souq (palengke) sa Manama:
@MazenMahdi [en]: Despite tear-gasing #Manama souq labor day protest still on-going #Bahrain
Nag-tweet naman si Imad Bazzi tungkol sa pangha-hack sa website ng Kagawaran ng Paggawa ng bansang Lebanon:
@TrellaLB [en]: special delivery for the Ministry of Labor in #Lebanon on Labor day, a total makeover :D loooool http://www.labor.gov.lb/ [ar] thanks to #RYV
Mula sa nasabing website [ar]:
We are RYV, short for Raise Your Voice, and we are simply a group of people who could not bare sitting in silence, watching all the crimes and injustice going on in Lebanon. We will not be silenced and brainwashed by your media. We will not stop until the Lebanese people mobilize, demand their rights, and earn them. We will not stop until the standards of living are raised to where they should be in Lebanon. We will not stop until this government's self-made problems are solved, like the power shortage, water shortage, rise in gas prices and rise in food product prices. We are RYV, expect us to break the silence, whether in the streets or on the Internet.
Silence is a crime
Ang pagmamaangmaangan ay isang krimen