See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Indonesia: Palabas ni Lady Gaga, Hindi Binigyan ng Permiso

[Lahat ng link na nakapaloob sa akdang ito ay magdadala sa'yo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lang kung nakasaad.]

Dahil sa mariing pagtutol ng mga konserbatibong pangkat at mga pulitiko, na tinawag si Lady Gaga bilang tagapaglingkod sa demonyo, ipinahayag ng pulisya sa bansang Indonesia na hindi nito bibigyan ng permiso ang inaabangang konserto ni Lady Gaga sa Jakarta. Hindi naman ito ikinatuwa ng 50,000 tagahanga.

@HeyPotterhead: Lady Gaga's concert better not be cancelled. I did NOT fell in line for 8 hours for nothing! Stupid FPI #IndonesiaSavesGaga #BTWBallGBK

@HeyPotterhead: Siguraduhin nilang hindi kinansela ang concert ni Lady Gaga. HINDI ako pumila ng 8 oras para sa wala! Tangang FPI #IndonesiaSavesGaga #BTWBallGBK

Malakas ang impluwensiya ng FPI o ang Islamic Defenders Front, isang relihiyosong grupo na madalas nagpapasimuno ng pagtutol sa mga kaisipan at kaganapang “labag sa Islam”. Sa pagkakataong ito, inakusahan nila si Lady Gaga na lumalason sa moralidad ng kabataang Indonesian.

Panghikayat para sa pagtatanghal ni Lady Gaga. Mula sa twitpic ng @youngdancers

Panghikayat na poster para sa pagtatanghal ni Lady Gaga. Mula sa twitpic ng @youngdancers

Umalma naman ang mga tagahanga ni Lady Gaga, na tinatawag ang kanilang sarili na ‘little monsters’, sa naging desisyon ng pamahalaan:

@ginaignasia: Apa hak nya. Gue yang nabung&cari calo susah2, nyekal2 seenaknya. #IndonesiaSavesGaga #GagaIsAmazing #monsterpower #BurnFPIdown

@ginaignasia: Ano ang karapatan nila. Ako ang nag-iipon noon; mahirap maghanap ng mga skalper, tapos biglang hindi matutuloy. #IndonesiaSavesGaga #GagaIsAmazing #monsterpower #BurnFPIdown

@akibaryou: Save Mother Monster! Save the freedom of expression! The cancellation is proof of how our country has lost its priority.#IndonesiaSavesGaga!

@akibaryou: Ipagtanggol si Mother Monster! Ipagtanggol ang kalayaan sa pagpapahayag! Pinatunayan lamang ng pagkakansela na hindi malinaw ang prayoridad ng ating bansa.#IndonesiaSavesGaga!

@Ray_owl: FPI is embarrassing Indonesia internationally! #IndonesiaSavesGaga RT @lanaaisya: FPI is being a hypocrite. #saveladygaga

@Ray_owl: Napapahiya ang Indonesia sa buong mundo dahil sa FPI! #IndonesiaSavesGaga RT @lanaaisya: Ipokrito ang FPI. #saveladygaga

@NickyYuventius: Yang bikin gue bingung adalah polisi yg beralasan gaga itu porno. APA KABAR KONSER DANGDUT? PREEEET!

@NickyYuventius: Nagtataka ako kung bakit tinawag ng pulisya na malaswa si Gaga. EH PANO NAMAN ANG MGA PALABAS NA DANGDUT?

Napakasikat sa Indonesia ang Dangdut, isang uri ng katutubong pagtatanghal na may hawig sa sayaw ng mga taga-Indiya. Kadalasang nagiging mapangahas at mapang-akit ang mga galaw ng nagtatanghal ng Dangdut.

Samantala, sumuporta naman ang PGI (Lupon ng Simbahang Kristiyano ng Indonesia) sa naturang palabas, dahil bahagi raw ito ng kalayaang makapagpahayag.

Hindi naman lahat ng pulitiko ay tutol sa pagtatanghal ni Lady Gaga. Sinabi ng mambabatas na si Ahmad Basarah, isang Muslim, sa pahayagang Jakarta Globe na dapat maging patas ang pulisya sa pagtatanggol ng mga kaugalian ng bansa, mapa-kapitalista at liberal man ito, o mapa-ideyolohiyang Gitnang Silangan man.

Narito naman ang iba pang reaksyon na lumabas sa Twitter:

@danielvk: Religious mafia manipulates democracy & freedom to rob the freedom of others. Don't tolerate intolerance! #saynotohate #indonesiasavesgaga

@danielvk: Hawak ng relihiyosong mafia ang ating demokrasya, at ang kalayaang agawin ang kalayaan ng ibang tao. Huwag hayaan ang panunupil ng kalayaan! #saynotohate #indonesiasavesgaga

@DanielZiv: It's not a matter of #IndonesiaSavesGaga, it's more like whether Gaga can save Indonesia.And really, Indonesia needs to save itself from this extremist nonsense, Gaga or no Gaga.

@DanielZiv: Hindi ito tungkol sa #IndonesiaSavesGaga, bagkus ito ay kung maliligtas ni Gaga ang Indonesia. At sa totoo lang, kailangan umahon ng Indonesia mula sa kalokohang ito, nandiyan man si Gaga o wala.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.