Sumikat ang hashtag na #شكرا [ar], o “salamat”, sa Twitter na ginamit ng mga taga-bansang Jordan tungkol sa pagpapatakbo ng monarkiya sa kanilang bansa.
Dumagsa ang mga pang-uuyam sa Twitter bilang reaksyon sa usad-pagong na pagpapatupad reporma sa Jordan.
Bagamat kinilala ni Haring Abdullah na kailangan ng kanyang bansa ang mga reporma, binabatikos ang kanyang gobyerno [en] dahil wala pang eksaktong petsa kung kailan nito ipapatupad ang isang pamahalaan na may mayoryang parliyamentaryo. Kamakailan lang, itinalaga ng Hari ang isang bagong pamahalaan [en], subalit marami ang nagsasabing napaka-konserbatibo ng naturang hakbang, at maraming MP ang umaalma dahil sa “paligoy-ligoy” na paraan tungo sa tunay na pagbabago.
Dumating si Haring Abdullah II ng Jordan upang paunlakan ang seremonya ng pagtatalaga ng 30 miyembro sa Gabinete na ginanap sa Royal Palace sa Amman, Jordan. Litrato mula kay Nader Daoud, © Demotix (2/5/2012).
Sinimulan ni Mahmoud Homsi ang hashtag gamit ang tweet na ito:
@Mahmoudhomsi: #شكرا على الاستقلال الاقتصادي
Dagdag ni Monther Hassouneh:
@mhassouneh: #شكرا على محاربة الفقر
Sabi naman ni Nabil Barqawi:
@Bani_2adam: #شكرا على بيع كل ما يمكن بيعه
@Bani_2adam [ar]: Salamat dahil ibinenta nila ang lahat ng maaaring ibenta
Nag-tweet naman si Hadeel Maaitah:
@girl_brainy: #شكرا على إختصار وجودنا بلقمة العيش
Ayon naman ni Saif Abuhazeem:
@Saif_Abuhazeem: #شكرا لالي حكا ماضون بالاصلاح وبعدنا ما شفنا اشي
@Saif_Abuhazeem [ar]: Salamat sa mga taong nagsabing, “Itutuloy natin ang mga reporma”, pero hanggang ngayon wala pa rin
Sinulat naman ni Mohammad Ziad:
@mohaziad: #شكرا لجهاز الدرك العام على جهوده في قمع المطالبين بالإصلاح
@mohaziad [ar]: Salamat sa pulisya na pinipigilan ang lahat ng humihingi ng pagbabago
Ganito naman ang pananaw ni Anas Elayyan:
@AnasElayyan:#شكرا لمجلس النواب انهم بدهم رواتب مدى الحياة و الناس ما معها تآكل
@AnasElayyan [ar]: Salamat sa mga miyembro ng parliyamento na may sapat na suweldo habambuhay, habang walang makain ang taumbayan