Panukalang Unyon ng mga Bansa sa Golpo, Sinalubong ng mga Alinlangan

[Lahat ng link na nakapaloob sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lang kung nakasaad.]

Maugong ang talakayan sa pagitan ng mga pamahalaan ng mga bansa sa Golpo tungkol sa panukalang palitan ang kasalukuyang sistema ng Gulf Cooperation Council [Konsehong Pangkooperasyon para sa mga Golpong Estadong Arabo], at sa halip, magtatag ng unyon na katulad ng EU. Ito ay sa gitna ng tensyon at kawalang-katiyakan matapos ang Himagsikang Arabyano at ang lumalawak na impluwensiya ng bansang Iran. Bilang panimulang hakbang, pinag-uusapan ngayon ang pakikipag-anib ng Saudi Arabia sa Bahrain.

Pinagpaliban naman ng mga gobyernong Arabo ang pagtalakay sa isyu hanggang Disyembre.

Hinimok naman ng mga civil society group sa mga bansang GCC ang kani-kanilang gobyerno na ipagpaliban ang nasabing panukala at sa halip ay idulog sa taumbayan ang isyu sa pamamagitan ng isang reperendum o plebisito. Nanawagan naman ang ilang namumuno sa bansang Iran upang magsagawa ng protesta ang kanilang taumbayan laban sa pagkakaisa ng Saudi Arabia at Bahrain, na tinawag nitong pagpapasailalim ng Bahrain (na agad din namang binatikos ng Bahrain).

Nagpahayag naman ng pag-aalala ang mga mamamayan sa Golpo sa panukalang ito.

Mga bansang GCC. Litrato mula sa Wikimedia Commons.

Tinututulan ni Aiyah Saihati, isang blogger at negosyante sa Saudi, ang naturang balak:

Saudi’s attempt to create a union for the purpose of countering Iran, which is not a threat, is only to enhance the sectarian narrative. Shifting the narrative from democratization to a sectarian frame changes how potential protests in the country are handled. The smaller countries with denser resources are ahead of Saudi in some of aspects of development and already have partially and soon fully elected parliaments. Uniting with Saudi just means inheriting its dogmas and problems. It means diluting dense resources over a larger more problematic constituency as well as diluting power per square area if one considers the total area governed by Al-Saud. If I were Qatar, why would I dive in?

Ang balak ng Saudi na lumikha ng panibagong unyon upang pigilan ang paglaki ng Iran, na hindi naman isang banta, ay taktikang pampolitika lamang. Kapag binaling ang atensyon mula sa usaping demokrasya papunta sa ganitong usaping pulitika, nagbabago ang pananaw ng mga tao tungkol sa mga kilos-protesta sa hinaharap. Taglay ng mga bansang mas maliit sa Saudi ang mas maraming likas-yaman, mas mausbong na kaunlaran, at patungo na sa paghahalal ng kani-kanilang parliyamento. Magiging dagdag pasanin at problema lang ang pakikipag-anib sa Saudi. Nangangahulugan din ito na kailangang paghatian ng mas malawak na populasyon ang naturang likas-yaman, at liliit ang hawak nilang kapangyarihan sa kada pirasong lupa kung pagbabasehan ang ang kabuuang lupain na sakop ng Al-Saud. Kung ako ang nasa posisyon ng Qatar, bakit naman ako sasali?

Nag-tweet naman ang Kuwaiti na si Ghassan El-Wagayan:

@Ghassanw: Thank you but NOOOOOO thank you

@Ghassanw: Salamat pero hanggang salamat NA LANG

Tinanong naman ni Ali Al Saeed mula Bahrain:

@alialsaeed: Oh no, women drive in #Bahrain? How can there be a union with #saudi? Ban female drivers?! #GCCunion

@alialsaeed: Naku, maaaring magmaneho ang mga babae sa #Bahrain? Paano ito makikipagkasundo sa #saudi? Pagbawalan ang mga babaeng nagmamaneho?! #GCCunion

Ipinahiwatig naman ng Kuwaiti na si Mishal Al Mutire ang kanyang pag-aalinlangan:

@MishalALmutire: اكثر ما اخشاه من هذا الاتحاد كل صاحب راي بالمنامه .. يُحاكم بالرياض ! ‎‫#اتحاد_خليجي‬‏
@MishalALmutire [ar]: Ang lubos kong ikinakatakot sa Unyong ito ay [ang posibilidad] na maaari kang litisin sa Riyadh dahil sa sinabi mo sa Manama!

Ayon naman sa mamamahayag na taga-Bahrain na si Wafa Alamm:

@wafaalamm: من يعتقد أنني ضد قيام اتحاد خليجي فهو مخطأ/ الاتحاد الخليجي مهم ولكن ولادته بدولتين فقط لظرف معين يفقده قيمته لانه يصبح معاق ‎‪#bahrain‬‏ ‎‪#GCC‬‏
@wafaalamm [ar]: Kung sinuman ang naniniwalang tutol ako sa pagkakaroon ng unyon sa Golpo ay nagkakamali; mahalaga ang Gulf Union, subalit ang paglikha nito mula sa dalawang bansa upang tugunan ang isang isyu ay walang-saysay dahil sadyang kulang iyon #bahrain‬‏ ‎‪#GCC‬‏

Kinuwestiyon naman ng mamamahayag na si Mohammad Albaghli ang pag-usad ng nasabing panukala:

@albaghli74: دول الخليج صار لهم 9 سنوات مو عارفين يتفقون على مشروع بسيط مثل الاتحاد الجمركي ،، اليوم يبون اتحاد خليجي شامل بين دول الخليج !! تتغشمرون ؟!
@albaghli74 [ar]: Sa loob ng siyam na taon, hindi man lang magkasundo ang mga bansa sa Golpo sa mga simpleng bagay gaya ng pagtatatag ng unyon para sa kalakal… Tapos ngayon gagawa sila ng malaking Gulf Union!! Nagbibiro ba sila?

Nag-tweet naman si Madawi Al Rasheed, isang propesor ng antropolohiyang panlipunan:

@MadawiDr: الوحدة الخليجية ليست عملية مصاهرة بين البنين و البنات بل مستقبل شعوب تطمح لوحدة من نوع اخر ‎‫#اتحاد_خليجي‬
@MadawiDr [ar]: Ang pagkakaisa ng mga bansa sa Golpo ay hindi gaya ng pakikipag-alyansa sa pagitan ng mga lalaki at babae, kundi tungkol ito sa kinabukasan ng mga mamamayan na ang tanging hangad ay ang ibang uri ng pagkakaisa. #GulfUnion

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.