Mga kwento tungkol sa Citizen Media noong Hulyo, 2012
Puerto Rico: Ang Buhay, Isang Litrato Bawat Araw
Hatid ni Jose Marti ang isang sulyap sa pamumuhay sa San Juan sa pamamagitan ng kanyang proyekto sa internet na "Mga Litrato sa Araw na Ito".
Mali: Ang Ilog Niger sa Mga Larawan
Nilibot ni Boukary Konaté, miyembro ng samahang Global Voices sa bansang Mali, ang mga paaralang rural sakay ng isang tradisyonal na bangkang Malian, bilang bahagi ng isang proyektong literasiya patungkol sa internet. Nagbigay naman ito ng oportunidad sa kanya na malibot ang sariling bansa at ipakita sa ibang tao ang maraming aspeto ng 2,600-milyang haba ng Ilog Niger. Narito ang ilang mga litrato mula sa kakaibang paglalayag.
Madagascar: Pinsala ng Bagyong Giovanna, Inilarawan sa mga Bidyo at Litrato
Dumating sa bansang Madagascar ang bagyong Giovanna noong ika-13 ng Pebrero, sa ganap na 20h00, lokal na oras. Nasa ika-4 na kategorya ang nasabing bagyo, na taglay ang malalakas na hanging umaabot sa 194kph (120mph) at pinatumba ang mga punong-kahoy at malalaking poste ng koryente. Ayon sa mga opisyal na ulat, hindi bababa sa 10 ang bilang ng mga nasawi.
Puerto Rico: 365 Na Mga Litrato
Pawang sa mga kaibigan lang ibinahagi ni José Rodrigo Madera ang mga litrato sa Facebook, bilang bahagi ng kanyang proyektong "365", hanggang sa mapansin ito ng magasing Revista Cruce at inilathala ang 20 sa mga ito. Narito ang piling larawan mula sa koleksyon ng kanyang magagandang litrato.
Deklarasyon ng Kalayaan ng Internet
Kamakailan nagsama-sama ang ilang pangkat at binuo ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Internet. Sa kasalukuyan, higit sa 1300 mga organisasyon at kompanya ang lumagda sa nasabing kasunduan at patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga lumalahok.
Puerto Rico: Pagtutol sa Pagpapacaesarean nang Hindi Kailangan, Ikinampanya sa Internet
Unnecessary Caesarean (Hindi Kailangan ng Caesarean) ang tawag sa kampanyang inilunsad sa Puerto Rico noong Marso. Hangad ng proyekto na bumaba ang lumulobong bilang ng mga nanganganak sa pamamagitan ng caesarean: karamihan sa mga C-section ng bansa ay hindi tumutugma sa mga tunay na pangangailangang medikal.
Espanya: Sining, Kasabay na Sumibol sa Pandaigdigang Kilusan
Muling umusbong ang sining sa kilusang 15M. Upang ipagdiwang ang unang anibersaryo ng 15M, ang mga kaganapan ng 12M--15M, at nang mahikayat ang lahat na dumalo at muling lumahok sa mga aktibidades sa lansangan, ibinahagi ng blog na # Acampadasol ang mga kahanga-hangang paskil at patalastas na ipinagmamalaki ang tunay na damdamin ng kilos-protesta.
Puerto Rico: “Revuelo,” Isang Kaaya-ayang Pagkaligalig
"Revuelo" (Ligalig) ang tawag sa kabigha-bighaning proyektong pangsining at arkitektura sa Pambansang Galeriya sa Lumang San Juan. Ibinahagi ng litratista at arkitektong si Raquel Pérez-Puig dito sa Global Voices ang ilang magagandang litrato ng naturang sining.
Uganda: Nodding Disease, Hadlang sa Kinabukasan ng mga Kabataan
Hatid ni James Propa ang mga litrato at bidyo sa YouTube ng kalagayan ng mga biktima ng nodding disease sa bansang Uganda. Ang nodding disease ay isang sakit na nakakapinsala sa utak at katawan na madalas nakikita sa mga bata. Matatagpuan ang karamdamang ito sa ilang bahagi ng Timog Sudan, Tanzania at hilagang Uganda.
Russia: Mga Pamamaraan sa Internet upang Makatulong sa mga Sinalanta ng Baha
Sa rehiyon ng Kuban sa bansang Russia, 640 kabahayan ang winasak ng matinding pagbaha, samantalang mahigit 5,000 naman ang nakalubog sa tubig-baha. Ayon sa datos ng Crisis Center ng Ministry of Internal Affairs ng Russia, umabot na sa 150 katao ang bilang ng mga nasawi batay sa tala noong Hulyo 8.
Ehipto: Huling Yugto ng Halalan sa Pagkapangulo, Ibinida sa mga Litrato
Idinaos ng mga mamamayan ng bansang Egypt ang pangalawang salang ng halalan sa pagkapangulo, sa kabila ng mga hakbang ng pamunuang Supreme Council for the Armed Forces (SCAF) na manatili sa pinanghahawakang puwesto. Ibinahagi ni Ammoun ang mga litratong kuha ng mga netizen sa makasaysayang araw ng eleksyon.
Estados Unidos: “Shooting Blind” – Ang Pagtingin Gamit ang Naiibang Mata
Isang pangkat ng mga litratistang may kapansanan sa paningin ang nagtitipon-tipon sa Manhattan, New York kada Martes; sila ang Seeing with Photography Collective. Narito ang ilan sa mga kamangha-manghang larawang kuha ng mga kasapi ng grupo.
Myanmar: Netizens Ipagdiwang ang Kaarawan Ni Aung San Suu Kyi
Gamit ang internet, ipinadala ng mga netizen ng Myanmar ang kanilang pagbati sa kaarawan ni Aung San Suu Kyi, ang lider ng oposisyon, na kasalukuyang bumisita sa Europa sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang dekada. Ipinagtaka ng mga netizen kung bakit hindi ibinalita ng midya na kontrolado ng gobyerno ang talumpati ni Suu Kyi sa kanyang Nobel Peace Prize lecture doon.
Chile: Mga Taong Lansangan sa Santiago
Sa lungsod ng Santiago, Chile, at maging sa ibang siyudad sa ibang bansa, lubos na mapanganib ang panahon ng taglamig para sa taong lansangan. Sa pamamagitan ng mga litrato, isinalarawan ni Alejandro Rustom bilang kontribusyon sa Demotix ang tunay na kalagayan ng mga taong walang matuluyan sa kabisera ng Chile, at ipinakita ang kabutihang-loob ng ilang nagmamalasakit sa kanila.
Ehipto: Pagtutol sa Pambabastos, Idinaan sa Protesta
Buhat nang sumiklab ang rebolusyon sa bansang Egypt, dumarami ang mga nananawagan sa paggalang ng mga karapatang pantao, kabilang na ang karapatan ng mga kababaihan. Mula sa mga litrato masasaksihan natin ang isang protestang ginanap kamakailan sa siyudad ng Cairo laban sa pambabastos.