Mga tampok na kwento noong Agosto 2012
Mga kwento noong Agosto, 2012
Niger: Libu-libo ang Nawalan ng Tirahan sa Pagbaha sa Niamey
Humihingi ng tulong si Barmou Salifou mula sa bansang Niger, sa pamamagitan ng Twitter, nang salantahin ng mga pagbaha ang bayan ng Niamey noong Agosto 19.
Puerto Rico: Panlilinlang sa Patalastas, Inilantad ng Isang Blogger
Pinagbigay-alam ng Puerto Rican blogger na si Ed Morales ang kanyang nasaksihan sa shooting ng isang patalastas ng Fiat kung saan pinapakitang nagmamaneho sa mga kalye ng Bronx, New York ang sikat na aktres at mang-aawit na si Jennifer López. Ang totoo, paliwanag ni Morales sa tulong ng mga aktwal na litrato, hindi naman talaga nagpunta si López doon.
Iran: Mga Makasaysayang Medalya Ipinagbunyi, Referee Binatikos
Nagdiwang ang mga taga-Iran sa pinakamasayang sandali sa kasaysayan ng Olympics nang manalo ng dalawang medalyang ginto at dalawang medalyang pilak ang kanilang mga atleta. Ngunit naudlot ang pagdiriwang dahil sa isang kontrobersiya: libu-libong mga taga-Iran ang umalma sa pagkatalo ni Saeid Morad Abdvali' sa wrestling at tinawag itong pakikipagsabwatan ng referee laban sa World Champion ng Iran.
Kirani James, Tinupad ang Pangarap ng Grenada sa Olympics
Nagwagi ng gintong medalya si Kirani James sa Men's 400 Metres race sa London Olympics na nagtala ng 43.94 segundo. Siya ang kauna-unahang atleta mula sa bansang Grenada at sa rehiyon ng Organization of Eastern Caribbean States na nagkamit ng medalya sa Olympics. Agad na nagdiwang ang buong sambayanan.
Bolivia: Kampanya sa Turismo, Ibinida sa Bagong Bidyo
'Bolivia Te Espera' (Inaantay Ka Ng Bolivia) ang tawag sa bagong kampanyang inilunsad ng pamahalaan ng bansang Bolivia. Layon ng kampanyang ito na mapalawig ang turismo sa bansa sa tulong ng puhunang aabot sa 20 milyong dolyares sa loob ng limang taon, kung saan karamihan nito ay mapupunta sa mga katutubong pamayanan.
Bidyo: Walang Palanguyan? Walang Problema! Mga Malikhaing Sagot sa Tag-init
Dahil sa matinding tag-init na nararanasan ng mga taga-hilagang bahagi ng ating daigdig, kanya-kanyang pamamaraan ang karamihan doon upang matakasan ang umaakyat na temperatura at nang makaramdam ng kaunting pahinga. Pinapamalas ng mga susunod na litrato at mga bidyo ang pagiging malikhain at ang angking imahenasyon ng mga tao, mapabata man o matanda, upang maibsan ang epekto ng mainit na panahon.
Thailand: Mga Bidyong Nagsusulong ng Malusog na Pamumuhay
Isang ahensiyang pangkalusugan sa Thailand ang ikinakampanya ang malusog na pamumuhay sa mga Thai sa tulong ng mga malikhaing bidyo. Naging patok sa internet ang kanilang pinakabagong patalastas tungkol sa paninigarilyo, at maraming indibidwal ang nagsasabing ito ang pinakamabisang anti-smoking ad sa mundo.
Bidyo: Kampanyang ‘Karapatang Pantao, Ngayon Na!’, Inilunsad sa Costa Rica
Noong Biyernes, ika-3 ng Agosto, inilunsad ng grupong Citizens for Human Rights ang kampanyang "Human Rights Now!" (Karapatang Pantao, Ngayon Na!), kung saan nagsama-sama ang mga personalidad ng Costa Rica upang ipanawagan ang paggarantiya ng Pamahalaan sa mga karapatang pantao ng lahat. Sa nasabing bidyo tinalakay ang mga isyu gaya ng pagpapakasal ng mga magkaparehong kasarian at ang mga karapatang sekswal at ligtas na pagdadalangtao ng mga kababaihan.
Chile: Mga Larawan ng Protesta sa Aysén, Ibinahagi sa Twitter
Isang kilusang panlipunan ang umusbong sa rehiyon ng Aysén sa bahagi ng Patagonia sa Chile. Ibinahagi ng mga taga-Aysén sa Twitter ang samu't saring litrato ng mga pagmartsa, pagharang at mga sagupaan na naganap noong Pebrero.