[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]
Idinaos noong isang taon ang Ikaanim na Pagtitipon ng Katawang Sining sa lungsod ng Caracas, at ilan sa mga nakamamanghang pagpapahayag gamit ang katawan ng tao ay ibinihagi sa internet sa tulong ng citizen media. Kabilang dito ang mga likhang sining ng mga katutubo ng bansang Venezuela.
Ito ang masasabi ng litratistang si Camilo Delgado Castilla sa website ng Demotix:
From 17 to November 20 the Sixth Meeting of Body Art [was held] in the city of Caracas, with the participation of 18 countries: Australia, Austria, Bolivia, Brazil, Chile, Colombia, Cuba, Ecuador, USA, Spain, Japan, Luxembourg, Italy, Mexico, Poland, South Africa, New Zealand and Venezuela.
Body painting, tattoos, body modifications, lectures, movies, piercing, Indian painting, dance, ritual suspension, origami dresses were at the meeting with the human body as its centerpiece.
Tampok sa pagtitipon ang pagpipinta ng katawan, mga tatu, pag-iiba ng hugis ng katawan, mga pagtuturo, pelikula, paglalagay ng hikaw, mga istilong Indiyan, sayaw, ritwal, at origami, kung saan nakasentro ang lahat sa katawan ng tao.
Sa Flickr photostream naman ni Manuel Enrique makikita ang mga nakamamanghang tanawin sa pagdiriwang at ang mga likha ng mga alagad ng sining:
Sa pamamagitan ng mga citizen bidyo gaya ng isang ito mula kay Luar Aleman, mapapanood natin ang samu't saring anyong sining na itinanghal sa piyesta:
Mula naman sa Caracas Musical, narito ang ilan sa mga eksibit:
Mahahanap mo naman sa koleksyon ng Demotix ang iba pang mga litratong kuha ni Camilo Delgado Castilla ng mga nagdaang pagtitipon ng katawang sining sa Caracas noong Setyembre 2008, Oktubre 15, 16 at 17, 2010, at ang mga litratong kuha ni Nelson González Leal noong Oktubre 2010.