See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Kirani James, Tinupad ang Pangarap ng Grenada sa Olympics

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]

Noong Lunes, ika-6 ng Agosto, 2012, napanalunan ni Kirani James ang gintong medalya sa Men's 400 Metres race sa ginanap na London Olympics sa loob ng 43.94 segundo. Siya ang kauna-unahang atleta mula sa bansang Grenada at sa rehiyon ng Organization of Eastern Caribbean States na nagkamit ng medalya sa Olympics.

Pinangunahan ni James ang tagumpay ng Carribean sa naturang palakasan: nanalo ng medalyang pilak (44.46 segundo) si Luguelin Santos mula sa Dominican Republic at medalyang tanso (44.52 segundo) naman ang napunta kay Lalonde Gordon ng bansang Trinidad at Tobago.

Binati ng brodkaster na si George Grant ang tagumpay ni Kirani at sinabing ang pangyayaring ito ay hudyat para sa mga taga-Grenadang nasa ibang-bansa na magbigay-tulong sa mga kababayan:

But, Grenadians abroad can help through other means without any fanfare. Dr. Kenrick Lewis is a vivid example. Over the years, Dr. Lewis, a catalyst chemist and famous for his contributions in the development of silicons, has given scholarships to students at primary schools in the Parish of St. John's to attend one of Grenada's secondary schools.

Kirani James, a student at the St. John's Anglican Primary School, won one of Dr. Lewis’ scholarships. That scholarship afforded Kirani the opportunity to attend the Grenada Boys’ Secondary School (GBSS) where he excelled. Well, one can say the rest is history.

Maaaring tumulong ang mga taga-Grenada na nasa ibayong-dagat nang walang hinihinging pagpapapansin. Halimbawa nalang si Dr. Kenrick Lewis. Sa loob ng maraming taon, tumutulong si Dr. Lewis, isang dalubhasa sa kimika at kilala sa kanyang kontribusyon sa larangan ng silicon, sa mga estudyante ng mga paaralan ng Parish of St. John's upang makatungtong ang mga ito ng hayskul.

Isa sa mga nakakuha ng tulong mula kay Dr. Lewis si Kirani James, na nag-aral sa St. John's Anglican Primary School. Dahil doon, nakapasok si Kirani sa Grenada Boys’ Secondary School (GBSS) kung saan siya naging bihasa. Masasabi nating ang mga sumunod ay bahagi na ng kasaysayan.

Ikinatuwa naman ni Abeni, mula sa bansang St. Vincent and the Grenadines, ang tagumpay ni Kirani at ng kanyang mga kababayan:

In 2012, history was to be made when 19 yr old Kirani James of Grenada ran an impressive 43.94 to win gold. I think it is safe to say that not only is the American dominance over but Michael Johnson's record is under threat.

Sa taong 2012, naitala sa kasaysayan ang pagkapanalo ng 19 na taong gulang na si Kirani James ng bansang Grenada ng ginto sa loob ng 43.94 segundo. Mukhang matatapos na ang pamamayani ng mga Amerikano at mukhang nanganganib pa ang record ni Michael Johnson.

Dagdag pa niya:

Grenada, the tiny most southerly of the Windward Islands has always stood out from its neighbours. The Spice isle as it's affectionately called for its production of nutmeg and other spices has long been punching above its weight.

Now Kirani James has given the island its first Olympic medal-gold to boot complementing his 2011 Worlds gold. Additionally, Janelle Redhead has continued Grenada's tremendous run at the Olympics by qualifying for the female 200m semis.

Large up yourselves Grenada, 133 sq miles and 93,000 to the world.

Talaga namang nangingibabaw ang Grenada, ang pinakatimog sa mga Islang Windward. Higit pa sa inaasahan ang pinapamalas ng tinaguriang Spice Isle, na kilala sa nutmeg at iba pang pampalasa.

Ngayon, binigyan ni Kirani James ang isla ng kauna-unahang gintong medalya kalakip ang ginto mula sa 2011 Worlds. Nagbigay karangalan din para sa Grenada si Janelle Redhead na umabot sa female 200m semis.

Itaas ang inyong noo Grenada, 133 milya kwadrado at 93,000 katao, sa buong mundo.

Nakatanggap naman ng maraming papuri si James sa Facebook na tinawag ng mga netizen bilang “isa sa mga pinakamagandang sandali sa Olympics”. Ayon sa Caribbean Beat:

Grenada star Kirani James – after winning his 400m semis – swapped bibs with the heroic, talented double-amputee Oscar Pistorius at the end of the race. We have never been more proud to have such a sportsman on our cover.

Matapos manalo sa 400m semis, nakipagpalit ng numero si Kirani James sa manlalarong double-amputee na si Oscar Pistorius pagkatapos ng laro. Ipinagmamalaki na naging bahagi ng cover namin si James.

Nakatanggap ng 30 komento, 269 shares, at higit sa 275 likes ang naturang wall post.

Nagtipon-tipon ang sambayanan sa Cuthbert Peters Park sa bayan ng Gouyave upang panoorin ang karera sa malaking tabing:

Pagtitipon sa Morne Rouge, St. Georges:

Pinanood ng mga taga-Gouyave ang pangyayari nang may halong kaba:

Sa sandaling nanalo si Kirani, nagkagulo ang lahat:

Naging isang malaking piyesta sa lansangan ang pagdiriwang:

Matapos ang pagbibigay ng mga medalya, nagtalumpati ang Punong Ministro ng Grenada na si Tillman Thomas sa mga dumalo sa Gouyave:

Today, Kirani James rewrote the history of Grenada with his feet. No longer will Grenada be renowned just for nutmeg, revolution and invasion.

Sa araw na ito, binago ng mga paa ni Kirani James ang kasaysayan ng Grenada. Makikilala ang Grenada hindi na lamang dahil sa kanyang nutmeg, rebolusyon, at pag-aalsa.

“Lungsod ng Kirani” ng musikerong si Hollis Mapp aka Mr. Killa:

Bidyo ng bayang kinalakihan ni Kirani, ang Gouyave:

Ang thumbnail na ginamit sa akdang ito, na may pamagat na Kirani James, ay mula kay Sum_of_Marc, CC BY-NC-ND 2.0. Bisitahin ang kanyang flickr photostream.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.