See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Morocco: Reporma sa Edukasyon, Iginiit ng mga Mag-aaral

Nitong Hulyo, sinimulan ng isang pangkat ng mga mag-aaral sa Morocco ang Facebook page [fr] na “Unyon ng mga Mag-aaral sa Morocco para sa Pagbabago ng Sistemang Pang-edukasyon” (o UECSE, batay sa pinaikling pangalan sa wikang Pranses). Ang grupo ay pagtitipon ng mga kabataang taga-Morocco na naglalayong “kumilos at talakayin ang mga konkretong solusyon upang mapabuti ang sistemang pang-edukasyon”.

Sa loob lamang ng isang buwan, nakalikom na ng higit 10,000 miyembro ang nasabing Facebook page at nakakuha ng masidhing suporta mula sa social media.

Naging maugong ang kilusan dahil sa napapabalitang paghihigpit [en] ng gobyerno sa matrikula at iba pang bayarin sa mga pampublikong unibersidad.

Nanawagan ang grupo para sa malawakang demonstrasyon [fr] noong ika-6 ng Agosto, 2012, upang “hikayatin ang mga grupong sibilyan at mga elitistang pulitiko na pag-usapan at pagdebatihan ang mga panukalang reporma ng sistema.”

Naging maugong ang apela sa social media.

Sa isang bidyong nilagay ng pangkat sa YouTube bago pa man isinagawa ang protesta, iginiit ng mga mag-aaral ang mga radikal na pagbabago sa sistemang pang-edukasyon doon. “Kailangan nang baguhin ang buong sistema,” ayon sa isang estudyante na humarap sa kamera. “Marapat na ibasura ang kasalukuyang sistema at simulan ng panibago,” sabi naman nung isa. Partikular na tinukoy ng mga estudyante sa bidyo ang mga “pamamaraang bawas-insentibo” na pinapatupad ng prestihiyosong Grandes Ecoles, lalo na sa mga napakataas na requirement upang kumuha ng eksaminasyon at makapasok ang mga estudyante sa kolehiyo.

Sa mismong araw ng protesta, daan-daang estudyante at kanilang mga magulang ang lumahok, at kumuha ng mga litrato at bidyo upang mailagay sa internet.

Ang susunod na bidyo ay mula sa demonstrasyong ginanap sa pinakamalaking siyudad sa Morocco, ang Casablanca (mula Sa YouTube post ni The7Gladiator [ar]):

Mula naman sa mga litrato sa Flickr ni Hassan Ouazzani [en], makikita ang samu't saring karatula at panawagan laban sa korapsiyon, pagpapabor sa iilan, kakulangan sa imprastraktura, at mahirap na kalagayan ng mga mag-aaral upang makamit ang edukasyon sa kolehiyo:

Mga estudyante sa Morocco, nanawagan para sa reporma ng sistemang pang-edukasyon – Litrato mula kay Hassan Ouazzani – May permiso sa paggamit

Mga estudyante sa Morocco, nanawagan para sa reporma ng sistemang pang-edukasyon – May permiso sa paggamit mula kay Hassan Ouazzani

Mga estudyante sa Morocco, nanawagan para sa reporma ng sistemang pang-edukasyon – May permiso sa paggamit mula kay Hassan Ouazzani

Umusad ang mga demonstrasyon nang walang aberya. Nangako naman ang grupo [fr] na maglulunsad sila ng mas marami pang mga sit-in at roundtable sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Sa kanilang Tumblr account, sinabi ng UECSE [en]:

Young STUDENTS are asking for a good education system they are the MOROCCAN STUDENTS, tired of the current situation they are willing to change their futur(e) and to achieve their dreams, (an) ambitious wave is showing up

Mga kabataang mag-aaral na humihingi ng matinong sistemang pang-edukasyon, sila ang mga mag-aaral ng Morocco, sawa na sa kasalukuyang kalakaran, nagnanais na mabago ang kanilang kinabukasan at maabot ang kanilang mga pangarap, isang matayog na hangarin ang nabubuo

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.