‘Bolivia Te Espera’ (Inaantay Ka Ng Bolivia) ang tawag sa bagong kampanyang inilunsad ng pamahalaan ng bansang Bolivia. Layon ng kampanyang ito na isulong ang turismo sa lugar sa pamamagitan ng pagpapalabas ng nasabing patalastas [es] sa mga telebisyon sa ibang bansa sa Hilaga at Timog Amerika at Europa. Nais din nilang mahikayat ang mga mamamayan na tangkilikin ang sariling turismo sa pamamagitan ng programang Pagkakaisa sa Turismo [es].
Inanunsyo ng gobyerno ng Bolivia ang pagpopondo ng 20 milyong dolyares sa susunod na limang taon upang mapalawig at mapalawak ang tinawag nilang community-based tourism [es] kung saan makikinabang ang mga katutubong pamayanan. Bahagi ng kampanya ang website na www.bolivia.travel [es]. Laman nito ang maraming impormasyon gaya ng mga interesanteng pasyalan sa bansa.
Agad namang pinuna ng mga netizen sa mga social media platform ang nasabing kampanya.
Ayon kay Juan Pablo Apaza [es] sa Facebook page ng Bise Ministeryo ng Turismo [es]:
excelente, me dieron ganas de viajar!!
Komento naman ni YouTube user hx939 sa opisyal na YouTube channel ng bagong kampanya [en]:
Realmente nuestro país es hermoso muchas felicidades por el esfuerzo para promosionarlo y mostrar nuestros bellos paisajes y cultura. Dejemos de ver lo negativo en nuestras producciones y apoyemos el esfuerzo que hacen los demás en representación de todos los bolivianos.