Mga tampok na kwento noong Hunyo 2012
Mga kwento noong Hunyo, 2012
Ehipto: Ipinakikilala ang MorsiMeter
Matapos ang 32 taon ng rehimeng Hosni Mubarak, may bagong pangulo na ang bansang Egpyt. May bagong app naman ang inimbento upang subaybayan ang panunungkulan ng bagong halal na presidente na si Mohamed Morsi. Susundan nito ang pagpapatupad sa 64 na mga pangakong kanyang inilahad noong panahon ng kampanya.
Ehipto: Mohamed Morsi, Bagong Pangulo ng Bansa
Si Mohamed Morsi ang bagong pangulo ng bansang Egypt. Inantabayan ng mga netizen sa Egypt ang ginawang pag-anunsyo hinggil sa kanilang susunod na presidente.
Bangladesh: Palabas na Cartoon, Nagtuturo sa mga Bata ng Dayuhang Wika at Pagsisinungaling
Isang sikat na palabas sa Disney Channel India, na isinalin sa wikang Hindi, ang pinag-uusapan ngayon sa Bangladesh. Sinasabing ang Japanese anime na Doraemon ay nagtuturo sa kabataan ng dayuhang lenggwahe at ng pagsisinungaling.
Timog Korea: Kaguluhan sa Pagpapatayo ng Base Militar sa Jeju, Lalong Uminit
Ilang buwang naging sentro ng mga balita ang maliit na bayan ng GangJeong sa Isla ng Jeju. Iyon ay dahil sa matinding iringan sa pagitan ng gobyerno na nais magpatayo ng base militar sa lugar at ng mga raliyistang ipinaglalaban ang kalikasan at mga likas yaman na matatagpuan doon. Sa...
Iran: ‘Dapat tugunan ni Zuckerberg ang pang-iinsulto sa Islam’
Ayon sa isinapublikong liham [fa] ng pangkat na “Lupon ng Rebolusyong Islamiko ng mga Aktibista sa IT at Digital Media”, na sinasabing pinopondohan ng pamahalaang Iran, dapat pagtuunan ng pansin ni Mark Zuckerberg ang mga tao sa Facebook na “nang-iinsulto sa Islam” at parusahan ang mga ito. Inihambing nila ang...
Pilipinas: Mga Programang Elektronik ng Gobyerno
Siniyasat ni Clarice Africa ang ilang inisiyatibong elektronik ng gobyerno ng Pilipinas [en], o ang e-governance na tinatawag, na inaasahang tutulong sa pagpapabilis at pagpapaganda ng takbo ng mga serbisyo publiko at magsusulong ng transparency o ang pagiging bukas nito.
Indiya: Dalawang Petsa ng Kaarawan ng Iisang Tao
Malaking porsiyento ng mga taong nakatira sa subkontinenteng Indiyan ay nagdiriwang ng kani-kanilang kaarawan sa dalawang magkaibang petsa bawat taon – ang una ay ang opisyal na petsa, samantalang ang pangalawa ay ang mismong araw ng kapanganakan. Bakit nga ba? Narito ang paliwanag ni Binayak Ghosh [en].
Chile: Chileno.co.uk, Blog Patungkol sa Chile mula sa UK
Ang Chileno.co.uk [en] ay isang Chilean blog sa wikang Ingles. Laman ng blog ang mga orihinal na artikulo, gaya ng pakikipagpanayam sa mga kilalang personalidad na nagmula sa bansang Chile tulad ni Andres Wood [en], direktor ng mga pelikula, at sa mga grupong The Ganjas [en] at Inti-Illimani [en]. Maaari...
Mga Mapa ng Baidu, Sumasalamin sa Tsina
Patok ngayon sa website na China Beat ang mga larawan ng mapa ng Tsina [en] na nilapatan ng mga resulta ng paghahanap ng ilang salita sa search engine ng Baidu. Kapansin-pansin ang kuwento sa likod ng mga larawan, na sinasabing sumasalamin sa kalagayan ng bansa – matatag na pamahalaan, matatag...
Afghanistan: Mga Batang Babae, Nilason Dahil sa Pagpasok sa Eskwelahan
Bagamat matagal nang napatalsik ang Taliban noong 2001 at malaya nang makakapag-aral ang mga kababaihan sa bansang Afghanistan, patuloy na pinaparusahan ng mga grupong fundamentalist ang mga batang babaeng pumapasok sa mga paaralan. Naibalita kamakailan ang serye ng pag-atake sa mga eskwelahan sa hilagang-silangang lalawigan ng Takhar, kung saan daan-daang kababaihan ang naging biktima ng panglalason.
Edukasyon sa Pilipinas Noong Bago at Matapos Dumating ang mga Kastila
Mula sa blog na Red-ayglasses [en], balikan at alamin ang naging kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas noong unang panahon bago pa man dumating ang mga dayuhan at ang sistemang umiiral noong panahon ng mga Kastila.
Pilipinas: Talakayan Hinggil sa K-12 Bilang Repormang Pang-edukasyon
Matiyagang inipon at inilista ni Angel de Dios ang iba't ibang artikulo at mga komentaryo tungkol sa ipinapatupad na programang K-12 [en] bilang mahalagang reporma sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Nais ng gobyerno na dagdagan ng dalawang taon ang nakagaiwang bilang ng panimulang edukasyon, bukod pa sa pagrerepaso ng kurikulum.
Myanmar: Pagpoprotesta sa Kakapusan ng Koryente, Lumaganap
Dahil sa paulit-ulit at matagalang brownout sa ilang mga bayan sa Myanmar, mapayapang idinaos ng taumbayan ang mga kilos-protesta sa iba't ibang bahagi ng bansa. Dinakip at idinitine ang ilan sa mga lumahok sa pagtitipon, ngunit hindi pa rin nagpapigil ang mga residente at mga konsumer sa kanilang nararamdamang galit tungkol sa matinding kakapusan ng koryente. Humihingi sila ng paliwanag mula sa gobyerno kung bakit patuloy itong nagluluwas ng supply ng koryente sa Tsina sa kabila ng kakulangan ng elektrisidad sa loob ng bansa.
Pakistan: Isyu ng Pagpatay sa 5 Kababaihan sa Kohistan, Naging Masalimuot
Hatid ni Omair Alavi [en] ang panibagong ulat tungkol sa tahasang pagpatay o ang tinatawag na honor killing sa 5 kababaihan sa distrito ng Kohistan. Kinuwestiyon niya ang ginampanang papel ng media sa buong kontrobersiya.
Nepal: Mga Partido ng Oposisyon, Nagdaos ng Protesta sa Kathmandu
Ibinahagi ng isang taga-Nepal sa kanyang blog [en] ang mga kuhang litrato at bidyo sa ginanap na demonstrasyon noong ika-9 ng Hunyo sa siyudad ng Kathmandu. Dinaluhan ito ng mga kasapi ng 22 partido ng oposisyon.