[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lamang kung may nakasaad.]
Noong ika-24 ng Hunyo, opisyal na idineklara ang bagong pangulo ng bansang Egypt at iyon ay walang iba kundi si Mohammed Morsi. Si Morsi mula sa partidong Muslim Brotherhood ay ang kauna-unahang halal na presidente ng bansa, at gaya ng iba pang mga kandidato, may sariling itong plataporma at mga pangako noong panahon ng pangangampanya, bagay na inaasahang kanyang tutuparin.
Ngunit paano nga ba masisiguro ng mga taga-Egypt na tutuparin ni Morsi ang kanyang mga pangako at malaman ang progreso ng mga proyektong ito? May bagong app si Wael Ghonim para diyan. Mula sa kanyang tweet:
@Ghonim: Tracking the performance of #Morsi (Egypt's newly elected president): http://www.morsimeter.com (via @ezzatkamel)
Narito naman ang ilang mga kuro-kuro at opinyon sa Twitter tungkol sa MorsiMeter:
@MagedBk: Brilliant! http://Morsimeter.com
@omarkamel: MorsiMeter NOT a bad idea. But must also measure how good we think those ideas are to start with. Security plan SUCKS.
@AbdoRepublic: Brilliant idea to assess #morsi ‘s performance. Goodbye Dictatorship