Mga kwento tungkol sa Iran

Ang Mga Hindi Nakikitang Kabataan ng Iran

“Kung isasaalang-alang ang kasaysayan ng diskriminasyon laban sa mga etniko at relihiyosong minorya ng Republika ng Islam, ang sabi ni Pourzand, “gayundin ang mga nagawang pang-uusig sa mga grupong ito, ang kawalan ng imprastraktura, kapabayaan sa ekonomiya, ang tindi ng kahirapan ay masasabing sinadya…"

23 Setyembre 2019

Iran: Mga Makasaysayang Medalya Ipinagbunyi, Referee Binatikos

Nagdiwang ang mga taga-Iran sa pinakamasayang sandali sa kasaysayan ng Olympics nang manalo ng dalawang medalyang ginto at dalawang medalyang pilak ang kanilang mga atleta. Ngunit naudlot ang pagdiriwang dahil sa isang kontrobersiya: libu-libong mga taga-Iran ang umalma sa pagkatalo ni Saeid Morad Abdvali' sa wrestling at tinawag itong pakikipagsabwatan ng referee laban sa World Champion ng Iran.

20 Agosto 2012

Dahil sa Paratang ng Pangmomolestiya sa mga Bata, Diplomatikong Iranian Umalis ng Brazil

Inakusahan ang isang Iranian diplomat na nakabase sa bayan ng Brasilia, kabisera ng bansang Brazil, sa salang pangmomolestiya ng mga babaeng menor-de-edad sa isang palanguyan noong ika-14 ng Abril, 2012. Bagamat pinasinungalingan ng embahada ng Iran ang naturang paratang, at sinabing nangyari ang lahat dahil sa "hindi-pagkakaunawaan ng magkaibang kultura", hindi napigilan ng mga netizen sa Iran at Brazil na paulanan ng batikos ang insidente.

3 Mayo 2012

Iran: Linggo ng Masidhing Graffiti para sa Mga Bilanggong Pulitikal

Noong ika-1 hanggang ika-7 ng Abril 2012, hinikayat sa Facebook ng grupong Mad Graffiti Week Iran ang buong mundo na lumahok sa paglalapat ng mga guhit para sa daan-daang bilanggong pulitikal sa bansang Iran. Ang gawaing ito ay batay sa at sinuportahan ng kilusang “Mad Graffiti Week” ng bansang Ehipto kung saan libu-libo ang hinimok na magprotesta laban sa kasalukuyang rehimeng militar.

20 Abril 2012