Iran: Linggo ng Masidhing Graffiti para sa Mga Bilanggong Pulitikal

Noong ika-1 hanggang ika-7 ng Abril 2012, hinikayat sa Facebook ng grupong Mad Graffiti Week Iran [fa] (Linggo ng Masidhing Graffiti ng Iran) ang buong mundo na lumahok sa paglalapat ng mga guhit para sa daan-daang bilanggong pulitikal sa bansang Iran.

Bilang tugon, naglagay ng mga naturang marka [en] ang mga mamamayan sa kani-kanilang kamiseta, bakuran, kabahayan, at pananamit.

Ang pagkilos na ito ay batay sa at sinuportahan ng kilusang “Mad Graffiti Week” (Linggo ng Masidhing Graffiti) sa bansang Ehipto [en], kung saan libu-libo ang hinimok na magprotesta laban sa kasalukuyang rehimeng militar.

Pagdudugtong ng birtwal na mundo sa tunay na buhay

Narito ang detalyadong gabay sa YouTube na nagpapaliwanag ng mga hakbang sa paggawa ng nasabing guhit at ang paggamit nito.

Maraming litrato galing sa bawat panig ng mundo ang makikita ngayon sa album ng Mad Graffiti Week sa Facebook [en] na nagpapatunay sa suportang ibinigay ng mga mamamayan mula sa iba't ibang bansa.

Amsterdam
Linggo ng Masidhing Graffiti sa Lungsod ng Amsterdam para sa bansang Iran

Oakland, California
Guhit para sa Pagpapalaya kay Bahareh sa ginanap na Linggo ng Masidhing Graffiti

Washington DC
Linggo ng Masidhing Graffiti sa Lungsod ng Washington DC para sa bansang Iran

Nagsulputan ang mga graffiti para sa mga bilanggong Iranian sa bansang Netherlands, New Zealand, Sweden, Ehipto, at sa maraming lungsod sa loob at labas ng Estados Unidos, nang sa gayon nabigyan ng mas malinaw na mukha sa totoong buhay ang mga bilanggong pulitikal na matagal na nating nababalitaan online.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.