Inakusahan ang isang Iranian diplomat na nakabase sa bayan ng Brasilia, kabisera ng bansang Brazil, sa salang pangmomolestiya ng mga babaeng menor-de-edad sa isang palanguyan noong ika-14 ng Abril, 2012. Dinakip ng mga pulis [en] ang nasturang opisyales ng bansang Iran matapos magsampa ng reklamo ang mga magulang ng mga bata, subalit pinalaya din ito dahil sa kalayaang diplomatiko o diplomatic immunity. Bagamat pinasinungalingan ng embahada ng Iran ang mga paratang at sinabing “hindi-pagkakaunawaan ng magkaibang kultura” lamang ang lahat, hindi napigilan ng mga netizen sa Iran at Brazil na batikusin ang insidente.
Ayon sa ulat na pinalabas [pt] sa telebisyon sa Brazil, nakita ng ilang testigo [en] ang naturang diplomat na naka-“langoy pato” sa palanguyan. Ayon sa mga pulis, hinawakan niya ang mga batang babae, na may edad siyam hanggang labinlimá, habang ito ay nasa ilalim ng tubig. Napasigaw naman ang mga dalaga at agad na sinugod ng mga magulang ang lalaki. Matapos tanungin ng mga pulis, agad namang umalis ng bansa [en] ang nasabing diplomat.
Nagulat naman ang mga Iranian sa balita at binatikos ang rehimeng Islamiko dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na paghihiwalay ng mga kasarian sa loob ng bansa habang hinahayaan nito ang mga diplomatiko na makihalubilo sa mga palanguyan sa ibang bansa. Kinutya din nito ang paliwanag ng gobyerno tungkol sa “hindi-pagkakaunawaan ng magkaibang kultura”.
Tinukoy ni Azarakan ang kabalintunaan ng “hindi-pagkakaunawaan ng magkaibang kultura” at sinabing [fa]:
I think the islamic republic is right about cultural difference because this regime has raped its own people for many years without shame… have you heard that one of the Islamic regime's representatives was caught for his dirty activities? Can the regime escape the pressure of international public opinion this time?
Dumagsa naman sa Twitter ang mga reaksyon mula sa mga taga-Brazil. Kinuwestiyon ni Magalhães A.S.:
@tovaga [pt]: Justiça e grande justiça, para que servem? É justo que o diplomata iraniano com “imunidade diplomática” abuse de crianças do DF? Só no Irã
Pinuna naman ng konserbatibong mamamahayag na si Reinaldo Azevedo sa kanyang blog [pt] ang alegasyon ng Embahada tungkol sa “pagkakaiba ng kultura” – nagtataka kung mabibigyang hustisya ba ang insidente sa loob ng Iran – at sinabing:
É muito atrevimento a embaixada de um país que vive sob uma ditadura religiosa, que trata a divergência na base da bala e do porrete, que discrimina as mulheres, que as condena ainda ao apedrejamento, criticar a imprensa de um país livre.
Ayon naman kay Jomhouriat mula Iran [fa]:
The Brazil scandal displays the fall of the Iranian regime's morality. This disaster is just a window for the world to learn about behaviour of representatives of the regime… in our prisons there are many cases of torture and rape.