See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Iran: Mga Makasaysayang Medalya Ipinagbunyi, Referee Binatikos

Ang artikulong ito ay bahagi ng aming espesyal na pag-uulat para sa London 2012 Olympics. 

Nagdiwang ang mga taga-Iran sa pinakahindi-malilimutang araw sa kasaysayan ng London 2012 Olympics. Nagwagi ng dalawang ginto at dalawang pilak na medalya ang mga atleta mula Iran noong ika-7 ng Agosto, 2012.

Dinagdagan naman ito ng pangatlong ginto [en] mula sa sa wrestling sa -96kg Greco-Roman final na pinagtagumpayan ni Ghasem Rezaei, kung kaya't tinanghal na pinakamagaling na kupunan ang mga delegado ng Iran sa kategoryang Greco-Roman sa kauna-unahang pagkakataon.

Nanalo naman ng medalyang pilak ang discus thrower na si Ehsan Hadadi [en]. Ito ang kauna-unahang medalya ng Iran sa kasaysayan ng Olympics na hindi nanggaling sa wrestling, weightlifting, at taekwondo. Sa patimpalak na weightlifting, nakakuha ang Iran [en] ng isang medalyang ginto at isang medalyang pilak, na ikinagalak ng mga taga-Iran na nakahakot ng apat na ginto at walong medalya sa kabuuan.

Ngunit naudlot ang selebrasyon dahil sa isang kontrobersiya: libu-libong mga taga-Iran ang umalma sa pagkatalo ni Saeid Morad Abdvali sa wrestling, at tinawag nila itong sabwatan ng referee laban sa World Champion ng Iran.

Katunayan isang Facebook page [fa] ang inilunsad para suportahan si Abdalvali, at nakalikom naman ito ng higit sa 27,000 likes sa loob lamang ng 24 oras. Sa Facebook page inanyayahan ang lahat ng mga taga-Iran na pagaanin ang loob ni Abdavali. Isang bidyo ang kanilang inilagay [en] sa nasabing Facebook page:

Ayon sa blog ni Persiss [fa]:

Naging biktima si Abdvali ng kawalang hustiya…sa kabila ng kakapusan ng pera ginawa niya ang lahat upang magbigay karangalan para sa Iran…Punasan mo ang iyong luha, para sa amin ikaw ang kampyeon.

Ayon naman kay Irane Man (My Iran):

Dating naglalako ng mga prutas si Abdavali na sinakripisyo ang apat na taon para sa Olympics…madalas pinapalakpan lang ng mga tao ang mga nananalo ng gintong medalya…Huwag nating iwan ang ating kampyeon at suportahan natin siya.

Ang artikulong ito ay bahagi ng aming espesyal na pag-uulat para sa London 2012 Olympics.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.