Sa kanyang naging mensahe sa mga taga-Iran kasabay ng Nowruz, ang Bagong Taon ng mga Iranian noong ika-20 ng Marso, 2012, kinundena ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang bansang Iran [en] dahil sa pagpapatupad ng isang “kurtinang electronic” na pumipigil sa malayang daloy ng impormasyon at mga ideya na papasok ng bansa.
Naglabas naman ngayon sa YouTube ang Kawanihan ng Pandaigdigang Programa sa Impormasyon [en], na bahagi ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, ng isang animasyon tungkol sa tinatawag na kurtinang electronic [en] at umaasa sa kapangyarihan ng Internet na maipapasa ang mensahe. Mungkahi nila na gumamit ng hashtag na #ConnectIran [en].
Mapapanood din ang bidyo sa mga wikang Espanyol, Pranses, Intsik, at Ruso.
Inanunsyo din ng Kagawaran ng Ingat-Yaman ng Estados Unidos noong ika-20 ng Marso na binawasan nila ang mga itinakdang parusa sa paggamit ng ilang serbisyo sa Internet. Basahin ang aming panayam sa mga taga-Iran: May Maitutulong Ba ang Bawas-Parusa sa Paggamit ng Internet? [en]