Timog Korea: Suportado ang “Chemical Castration” Bilang Kaparusahan

Napagdesisyunan na ng sistemang panghukuman ng Timog Korea na ipatupad ang chemical castration bilang kaparusahan sa mga kriminal na ilang ulit na nanggahasa ng bata, ayon sa anunsyo ng isang opisyal noong Mayo 23, 2012.

Nagpahayag ng suporta ang karamihan sa mga Timog Koryanong aktibo sa internet ukol sa ipinatupad na bagong batas.

Ipinanukala rin ng publiko ang mas mabigat na parusa para sa mga krimeng may kaugnayan sa panggagahasa at pangmomolestiya. Samantala, may ilan ding nagpahayag ng pagkadismaya sa kasalukuyang pagpapatupad ng batas na may kaugnayan sa mga nasabing krimen na inilalarawan bilang  ‘maluwag sa mga kriminal na may mga palusot.’

Isang nagngangalang Park, pedopilyang nanggahasa ng mga batang hindi bababa sa 10-anyos, ang kauna-unahang kriminal sa nasabing bansa na makakatanggap ng kaparusahang chemical castration.

Batay sa ulat ng AFP, bibigyan si Park ng iniksyon kada tatlong buwan sa loob ng tatlong taon upang mabawasan ang kanyang libido.

Ayon sa Twitter  user na si @kbyeongchae [ko]:

딸 키우는 사람으로서 화학적 거세 아주 찬성입니다.

Bilang isang magulang na may babaeng anak, sinasang-ayunan ko po ang chemical castration.
Syringe sketch

'Freaky dream digital rework' by Lisa Yarost on Flickr (CC-BY 2.0)

May ilang mga taong nagbibiro sa kanilang tweet na mas boto sila sa ‘pisikal’ na castration sa halip na ‘kemikal’

Ayon sa tweet ng ni @addapapa22

화학적거세 돈도 많이 든다던데 물리적 거세에 한표 던집니다.

Napag-alamang kong malaki ang magagastos sa kemikal na castration kaya mas boto po ako sa pisikal na castration.

Ipinaliwanag ni Jung Kyoung-hee (@sophie_style) [ko] kung bakit dismayado siya sa nasabing batas.

[…] (화학적거세) 첫 대상사도 확정되었는데, 년간 1인당 500만원정도가 든다고 합니다. 본인이 경제적능력이 안될 시 국가에서 지원한다고 하네요. 인권은 둘째치고 그런 인간들한테 들어가는 국세가 아깝다는 생각이드네요.

Napagdesisyunan na raw po nila (kagawaran ng hustisya) kung sino ang papatawan ng parusang chemical castration. Ngunit napag-alaman ko pong 5 milyong Won (kulang-kulang PhP 200,000) para sa isang tao sa loob ng isang taon ang magagastos, at kapag hindi  ito kayang bayaran ng taong papatawan nito, sasagutin ng gobyerno ang gastos para dito. Isasantabi ko po muna ang karapatang pantao, sa tingin ko, masasayang lang ang ipapambayad na buwis ng taumbayan para sa ganyang klase ng tao.

Iginiit naman naman ng twitter user na si @sedona326 [ko] na dapat ipatupad ang nasabing parusa sa lahat ng manggagahasa ng bata, hindi lamang sa ilang ulit na gumawa ng nasabing krimen:

어린이대상 성폭력범 화학적거세 초범부터 시행해야…..어린이에 대하여 재범, 2범, 3범의 성폭력을해야 화학적거세를 시행 한다는 것은 있을 수 없는일이다.

Dapat ipataw ang chemical castration sa mga manggagahasa ng bata sa unang pagkakataon… Hindi ko maintindihan kung bakit hihintayin pang ulitin ng mga kriminal, nang dalawa o tatlong beses, bago sila patawan ng parusang chemical castration.
Paglabag sa karapatang pantao?

Kahit malakas ang suporta ng publiko sa desisyon ng pamahalaan, napakakontrobersiyal na isyu ang chemical castration lalo na kung titingnan ito sa perspektibo ng karapatang pantao.

Gayunpaman, marami pa rin ang nagpakita ng matinding pagsuporta para sa nasabing batas at umabot pa sa puntong tinutuligsa ang mga grupong  sumusuporta sa mga karapatang pantao bilang ‘kumakampi sa mga kriminal.’

Ayon sa komento ng Twitter user na si @bk007kim [ko]:

피해자 인권보가 범죄자 인권을 더 생각하나? 추가범행으로 인한 잠재적 피해자를 위해서라도 화학적 거세에 찬성…생각 같아선 영구적 거세가 더 좋지만.

Mas iniisip pa nila (mga grupong sumusuporta sa mga karapatang pantao) ang karapatang pantao ng mga krimal kaysa sa karapatang pantao ng biktima? Sinasang-ayunan ko ang chemical castration para sa kapakanan ng mga maaari pang mabiktima ng ganitong klase ng krimen. Pero, mas sinasang-ayunan ko pa rin ang permanenteng pagputol ng ari.

Sa mga nakalipas na taon, ikinagalit ng mga Koryano ang magaang parusa para sa mga nanggagahasa o nanghahalay kaya naman pinaniniwalaang ipinasa ang batas ukol sa chemical castration upang masunod ang gusto ng publiko para sa mas mabigat na pagpapatupad ng batas.

Ipinakikita ng tweet ni @wooriming ang sentimyento ng publiko tungkol sa magaan na pagpapatupad ng batas laban sa mga kriminal na nanggagahasa o nanghahalay:

[…] 4세7세아이를 수년간 성폭행 했는데도 불구하고 6년형 선고 재범우려가 없는 초범이기때문에 차후 전자발찌도 채우지 않는다네요..우리나라 법은 가해자에게 관대한 나라예요!! 착한사람만 억울한 세상!!!

(kinukwento ang isang kaso) Hinatulan lamang po ng anim na taong pagkakabilanggo ang isang lalaki na nanggahasa ng apat na taong gulang na bata at pitong taong gulang na bata dahil ito pa lang ang unang krimeng nagawa niya. Hindi rin po siya pinagsuot ng elektronikong pulseras sa paa. Batas po ng ating bansa ang pagiging bukas-palad sa mga kriminal!! Ang mga mababait na tao lamang ang naghihirap sa mundong ito!!!

Ang madalas na palusot ng mga nanggagahasa o nangmomolestiya at mga kriminal ay nagawa nila ang krimen nang “lango sa alak” at hindi ito matandaan. Sa ibang mga kaso, nagreresulta ang mga palusot na ito  sa mas magaang na parusa.

Nag- tweet [ko] si Nam Hee-suk (@Brlove12), isang kilalang komedyante sa Timog Korea:

주변에 싸움 걸어 놓고, 또는 성폭행 하고나서…아주 G-ral을 하고나서 다음 날. 술에 취해 그런거다. 기억이 안난다? 아니되는말쌈..그럼 술병을 징역 보내리?

May mga tao na pagkatapos magsimula ng away, manggahasa at gumawa ng mga kabulastugan, kinabukasan sasabihin nila lasing ako kaya nagkaganon. Hindi maalala? Pambihira… Kung ganon pala, kailangang ilagay na lang sa kulungan ang mga bote ng alak?

Ginagamit na ang chemical castration sa Alemanya, Sweden, at ilang mga estado sa Estados Unidos. Ang Timog Korea ang kauna-unahang bansa sa Asya na magpapatupad ng nasabing batas.

 

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.