Mga kwento noong Hunyo, 2010
Timog Korea: Tensyon Namanhid dahil sa World Cup
Ang tensyon sa pagitan ng dalawang Korea, na mas tumitindi pa mula ng diumano'y palubugin ng isang torpedo ng Hilagang Korea ang bapor pandigma ng Timog Korea, ay panandaliang naibsan dahil sa matinding emosyon na tanging ang World Cup lamang ang makapagdadala. Laganap ngayon sa mga blogs ng mga taga-Timog Korea ang kanilang taos-pusong komento tungkol sa laban ng Hilagang Korea sa Brazil. Panandaliang isinantabi ng mga blogger ang pulitika at pinapurihan ang pangunahing manlalaro ng koponan ng Hilagang Korea na si Jong Tae Se.
Olanda: Dalawang Babae Arestado sa World Cup sa Pagtataguyod ng Maling Serbesa
Dalawang babaeng Olandes na nagtatrabaho para sa kumpanya ng serbesa na Bavaria ang nadakip dahil sa pagtataguyod ng serbesa na hindi opisyal na isponsor sa World Cup habang ginaganap ang tunggaliang Olandes at Dinamarka sa Timog Aprika noong Lunes. Ipinagtanggol sila ng Ministro sa Ugnayang Panlabas ng Olanda sa Twitter.
Mehiko: Handa nang Kalabanin ang Pransiya
Sinimulan ng Mehiko ang 2010 FIFA World Cup sa laro nito laban sa Timog Aprika; and resulta ay patas, 1-1. Ang susunod na kalaban ng Mehiko ay Pransiya, at ang mga gumagamit ng Twitter ay ginagamit ang nasabing site para ipahayag ang kanilang mga inaasahan para sa isang mahirap ngunit nakasasabik na laban.
Panoorin ang World Cup sa Pandaigdigang Tinig: May Live Chat Para sa Urugway vs. Pransiya
Ang World Cup ng putbol, ang hindi kataka-takang isa sa pinaka-pandaigdigang pampalakasan, ay ginanap sa kauna-unahang pagkakataon sa kontinente ng Aprika. Samahan ninyo kami sa panonood at pagtatalakay sa kaganapang ito sa pangalawang laro sa Araw ng Pagbubukas.
Pilipinas: Kongreso Bigo sa Pagpasa ang Panukalang Batas na Kalayaan sa Impormasyon
Ang huling sesyon ng Kongreso ng Pilipinas ay matatandaan dahil sa kabiguan nitong maipasa ang panukalang batas tungkol sa Kalayaan sa Impormasyon, isang mahalagang batas na magpapatupad ng isang alituntunin ng pagsiwalat sa mga pamamalakad ng pamahalaan. May opinyon ang mga bloggers tungkol dito. The Philippine Congress last session was marked by its failure to pass the Freedom of Information Bill, a landmark measure that will enforce a policy of disclosure to government transactions. Bloggers react