See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Thailand: Mga Bidyong Nagsusulong ng Malusog na Pamumuhay

[Lahat ng mga link na nakapaloob sa artikulong ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]

Mga patalastas na bidyo ang pangunahing armas ng Thai Health Promotion Foundation, isang hiwalay na ahensiya ng gobyerno sa Thailand na binuo noong 2001 at pinopondohan ng mga nakukuhang buwis mula sa mga produktong sigarilyo at alak, upang ipagbigay-alam sa mga Thai ang tungkol sa pangangalaga ng kalusugan. Naging sikat sa internet ang pinakabago nitong patalastas tungkol sa paninigarilyo na kinatatampukan ng ilang kabataan, at tinuring naman itong pinaka-epektibong anti-smoking ad sa mundo, ayon na rin sa ilang mga indibdiwal na nagsusulong ng adhikaing pangkalusugan.

http://www.youtube.com/watch?v=-u-rhnV4l08

Pinuri ni Rebecca Cullers ang pagiging payak ng nasabing bidyo:

It’s being praised as one of the most effective anti-smoking ads ever, which is especially impressive considering it required little more than a few pieces of paper and two kids. Ogilvy Thailand's video stunt for the Thai Health Promotion Board racked up more than 960,000 views before being removed from YouTube for some reason. It has since been reposted, with some of the duplicates continuing to gather audiences by the hundred thousand

Tinuturing itong isa sa mga pinakamabisang kampanya laban sa paninigarilyo, na talaga namang kahanga-hanga dahil gumamit lang ito ng ilang pirasong papel at dalawang batang paslit. Aabot sa 960,000 views ang naitala ng bidyong gawa ng Ogilvy Thailand para sa Thai Health Promotion Board bago ito tinanggal sa YouTube sa hindi malamang dahilan. Kagyat naman itong nai-repost, at aabot sa daan-libo ang nakapanood na ng mga kopya nito

Ipinaliwanag naman ni Allegra Wiborg kung bakit epektibo ang naturang patalastas:

Why does this tactic work? Here are my thoughts: the thought of children smoking is deeply upsetting. But why? Because children’s lives are precious, vulnerable, and in need of protection.

Ah ha, then the poignant flip in the commercial: But do adults ever look in the mirror and say the same thing about their own lives?

Bakit naging mataguumpay ang taktikang ito? Ganito ang sa tingin ko: sadyang nakakabahala ang makitang naninigarilyo ang mga bata. Bakit? Dahil ang buhay nila ay mahalaga at nangangailangan ng proteksyon.

At ang kabaliktaran naman ng patalastas: Ganito rin ba ang masasabi ng mga matatanda kapag tiningnan nila ang mga sarili sa salamin at susuriin ang sariling pamumuhay?

Ang mga sumusunod ay ang iba pang mga patalastas na ginawa ng ahensiya. Halimbawa sa bidyong ito, pinaalalahanan ng isang anak ang kanyang ama hinggil sa paninigarilyo nito:

Ang naging tagpuan sa patalastas na ito ay sa isang pampublikong liwasan:

Pinapakita naman sa bidyong ito ang ‘pagmamahal’ ng isang waitress para sa kanyang kostumer na naninigarilyo:

Maswerte naman ang boss na naninigarilyo dahil sa katapatan ng kanyang empleyado:

Maliban sa paninigarilyo, layon din ng ahensiya na talakayin ang epekto ng alak sa kanilang mga bidyo. Sa bidyong ito, ilang bagay ang kanilang iminungkahi upang matigil na ang nasabing bisyo:

Isang leksyon para sa mga nagmamaneho nang lasing:

Isinusulong din ng tanggapan ang kaligtasan sa mga lansangan. Sa bidyong ito, ipinakita ang mga peligro ng mabilis na pagmamaneho sa kalsada:

Ganito rin ang mensahe sa susunod na bidyo tungkol sa pagkontrol ng tulin ng pagpapatakbo ng sasakyan:

Isang nakakatawang bidyo na ibinibida ang pag-eehersisyo:

Isa pang bidyo tungkol sa mabuting dulot ng regular na ehersisyo sa ating kalusugan:

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.