Noong Biyernes, ika-3 ng Agosto, inilunsad ng grupong Citizens for Human Rights ang kampanyang “Human Rights Now!” (Karapatang Pantao, Ngayon Na!), kung saan nagsama-sama ang mga personalidad ng Costa Rica upang ipanawagan ang paggarantiya ng Pamahalaan sa mga karapatang pantao ng lahat.
Ayon sa kanilang ipinalabas na pahayag sa press [es], kabilang ang kampanyang ito sa malawakang pagkilos sa Costa Rica [en] na patuloy na umiigting dahil sa kawalang aksyon ng mga otoridad na mabigyang lunas ang mga paglabag sa mga karapatang pantao.
Ilan sa mga isyung tinalakay ng grupo sa bidyong ito ay ang pagpapakasal ng mga magkaparehong kasarian, ang mga karapatang sekswal at pangkalusugan sa pagbubuntis ng mga kababaihan, ang pagiging sekular ng Pamahalaan, at ang pagtutol sa pagtatalaga kay Justo Orozco bilang pangulo ng Komisyon sa Karapatang Pantao.