See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Bidyo: Walang Palanguyan? Walang Problema! Mga Malikhaing Sagot sa Tag-init

Dahil sa matinding tag-init na nararanasan ng mga taga-hilagang bahagi ng ating daigdig, kanya-kanyang pamamaraan ang karamihan doon upang matakasan ang umaakyat na temperatura at nang makaramdam ng kaunting pahinga. Pinapamalas ng mga susunod na litrato at mga bidyo ang pagiging malikhain at ang angking imahenasyon ng mga tao, mapabata man o matanda, upang maibsan ang epekto ng mainit na panahon.

Halimbawa nalang ay ang skateboarding pit na ito na pinuno ng mga bata ng tubig, kung saan sila nagtampisaw sa gitna ng sikat ng araw. Ang skateboarding pit ay bahagi ng parke na ipinatayo ng Metro sa mga lugar na sakop ng Metrocable aereal gondola lift. Ang litratong ito ay kinunan ni Diego Alzate habang nagbabakasyon sa Colombia noong Hulyo 2012; ang paggamit dito ay may permiso.

Pinuno ng tubig ng mga bata ang skateboarding pit na ito upang makagawa ng palanguyan

Pinuno ng tubig ng mga bata ang skateboarding pit na ito sa Medellin, Colombia upang makagawa ng palanguyan, litrato mula kay Diego Alzate, ginamit dito ng may pahintulot

Sa Hong Kong, napiling maglaro ng mga batang estudyante sa ilalim ng isang fountain [en] sa isang liwasan sa Hong Kong upang magpalamig.

Sa nayon ng Siloé sa Cali, Colombia, napagdesisyunan ng mga bata na gawing palanguyan ang isang pampublikong tanghalang pangteatro [es].

Talaga namang iba't ibang hugis at laki ang mga solusyon sa tag-init: sa kalye ng Dominican Republic sakto ang laki ng batyang ginagamit sa paglalaba [es] para sa isang tao.

Maaaring ang malaking pinaglumaang styrofoam na ito ay isang appliance noong unang panahon: ngunit ngayon, ang bagong gamit nito [es] ay bilang maliit na paliguan ng dalawang batang babae sa Brazil.

Paano naman kung nasa bahay o opisina ka lang at walang aircon? Maaaring mong subukan ang makalumang paraan [es] ng paglalagay ng malamig na yelo sa harap ng bentilador.

Ikaw, anong ginagawa mo ngayong tag-init?

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.