Mga kwento tungkol sa Governance
Iran: ‘Dapat tugunan ni Zuckerberg ang pang-iinsulto sa Islam’
Ayon sa isinapublikong liham [fa] ng pangkat na “Lupon ng Rebolusyong Islamiko ng mga Aktibista sa IT at Digital Media”, na sinasabing pinopondohan ng pamahalaang Iran, dapat pagtuunan ng pansin...
Pilipinas: Mga Programang Elektronik ng Gobyerno
Siniyasat ni Clarice Africa ang ilang inisiyatibong elektronik ng gobyerno ng Pilipinas [en], o ang e-governance na tinatawag, na inaasahang tutulong sa pagpapabilis at pagpapaganda ng takbo ng mga serbisyo...
Matapos Ipagbawal, Pelikulang ‘The Dictator’ Patok sa Tajikistan
Matapos ipagbawal sa bansang Tajikistan ang bagong pelikulang 'The Dictator', naging patok ito sa mga tindahan ng piniratang DVD doon. Naniniwala ang mga netizeng Tajik na naging popular ang pelikula sa bansa dahil sa ginawang pagbabawal.
Pilipinas, Tsina: Alitan sa Scarborough Shoal, Pinag-uusapan sa Internet
Umigting ang tensyon sa mga nakalipas na buwan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina nang magpalitan ang dalawang pamahalaan ng mga paratang tungkol sa iligal na panghihimasok ng isa't isa sa mga yamang dagat sa paligid ng pinag-aagawang Scarborough Shoal. Umusbong ang damdaming makabayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at lalong tumindi sa internet ang sagutan ng magkabilang kampo.
Pilipinas: Gobyerno, Bigong Pigilan ang Pagsikat ng ‘Noynoying’
Kung dati nag-umpisa ito bilang gimik na pumalit sa ipinagbawal na 'planking', ang 'noynoying' ay napakasikat na ngayon sa buong Pilipinas. Naglabas ng kani-kanilang kuru-kuro ang mga Pilipinong netizen kung paano at bakit sumikat ang paraang Noynoying, hindi lamang sa mga kilos-protesta, sa kabila ng patuloy na pagtanggi ng pamahalaan.
Arhentina: Batas sa Pagkakakilanlan ng Kasarian, Inaprubahan ng Kongreso
Inaprubahan kamakailan sa kamara ng Arhentina ang batas sa pagkakakilanlan ng kasarian, kung saan pinapayagan ang pagpapalit ng pangalan at kasarian ng katawan nang hindi kinakailangan ng pahintulot ng korte. Magmula noong kumalat ang balita na ipinasa ng senado ang naturang batas, hindi napigilan ng mga tao sa iba't ibang social network ang maglabas ng saloobin.
Thailand: Mga Red Shirt, Muling Nilusob ang Lansangan
Idinaos ng libu-libong Red Shirt ang paggunita sa pangalawang anibersaryo ng salpukan sa Bangkok noong 2010 sa pagitan ng mga pulis at sundalo at mga nagpoprotesta.
Pilipinas: Mga Sakuna ng Kalikasan, Iniugnay sa Pagmimina at Pagtotroso
Nakaranas ng matitinding pagbaha at pagguho ng lupa ang maraming bahagi ng Pilipinas sa loob lamang ng tatlong linggo, na kumitil sa buhay ng 1,500 katao at sinalanta ang ilang daan-libung mahihirap na mamamayan. Tinukoy ng mga netizen ang mga dahilan ng mga nangyayaring sakuna, pati na ang mga pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno dahil sa pagbibigay permiso sa mga kompanyang nagsasagawa ng walang habas na pagtotroso at pagmimina.
Mga Bidyo ng Mayo Uno: Pagmartsa, Kilos-Protesta at Pag-aaklas sa Iba't Ibang Panig ng Mundo
Sa maraming lungsod sa iba't ibang panig ng mundo, nagtipon-tipon ang mga obrero at taumbayan sa mga lansangan upang gunitain ang Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa. Mapapanood sa mga bidyo ng The Real News ang naturang kaganapan sa buong mundo.
Pilipinas: Demolisyon sa Mahirap na Pamayanan sa Siyudad, Umani ng Batikos
Isang lalaki ang kumpirmadong nasawi at dose-dosena ang nasugatan matapos ang sagupaan ng pulisya at mga naninirahan sa Silverio Compound sa lungsod ng Paranaque, timog ng Maynila, sa gitna ng mga pagpoprotesta laban sa demolisyon ng mga kabahayan sa lugar. Sumiklab naman sa internet ang matinding galit ng taumbayan dahil sa nangyaring karahasan.
Netherlands: Unang bansa sa Europa na nagpatupad ng net neutrality
Ang Netherlands ang kauna-unahang bansa sa Europa kung saan naisabatas ang pagpapatupad ng internet na walang kinikilingan, o ang tinatawag na net neutrality. Kasama dito, ipinasa din ang batas na mangangalaga sa privacy ng mga gumagamit ng internet mula sa pangwa-wiretap at sa pagputol ng mga Internet Service Provider (ISP) ng koneksyon ng walang dahilan.
Rusya: Paglutas sa Mga Problema ng Lokalidad Gamit ang Crowdsourcing
Mas madali na sa panahon ngayon ang paglutas ng mga suliranin sa lokal na pamayanan, lungsod at lalawigan, dahil sa mga proyektong ginagamitan ng teknolohiyang crowdsourcing. Ang crowdsourcing ay paraang nag-uugnay sa taong-bayan tungo sa malawak na pagtalakay at pagresolba ng iba't ibang uri ng problema, gaya ng pagbabayanihan sa pag-apula ng sunog at pagbabantay ng boto sa halalan.
Dahil sa Paratang ng Pangmomolestiya sa mga Bata, Diplomatikong Iranian Umalis ng Brazil
Inakusahan ang isang Iranian diplomat na nakabase sa bayan ng Brasilia, kabisera ng bansang Brazil, sa salang pangmomolestiya ng mga babaeng menor-de-edad sa isang palanguyan noong ika-14 ng Abril, 2012. Bagamat pinasinungalingan ng embahada ng Iran ang naturang paratang, at sinabing nangyari ang lahat dahil sa "hindi-pagkakaunawaan ng magkaibang kultura", hindi napigilan ng mga netizen sa Iran at Brazil na paulanan ng batikos ang insidente.
Tsina: Pagpigil at pagbura sa mga kumakalat na “tsismis”
Patuloy ang pagsupil ng bansang Tsina ayon sa kanilang propaganda laban sa mga kumakalat na "tsismis" sa social media. Subalit marami ang naniniwalang magwawagi pa rin sa online na digmaang ito ang mga ordinaryong mamamayan sa bandang huli. Sa kabilang banda, nilathala ng peryodikong People's Daily ang artikulo tungkol sa "pinsala sa mga mamamayan at lipunan na dinudulot ng mga tsismis na nanggaling sa Internet. Hindi dapat pinapaniwalaan o kinakalat ng publiko ang mga ganitong tsismis."
Suwesya: Ministro ng Kultura Sangkot sa Kontrobersyal na Likhang-Sining na ‘Mapanghamak na Keyk’
Inulan ng batikos tungkol sa paghamak sa lahi at rasismo ang Ministro ng Kultura ng bansang Suwesya matapos nitong tikman ang kontrobersyal na 'Masakit na Keyk', na kumakatawan sa babaeng taga-Aprika, sa ginanap na paunang sulyap sa isang eksibit sa Stockholm. Balitang hatid ni Julie Owono.