[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa mga pahinang nasa wikang Espanyol, maliban na lamang kung nakasaad]
Noong ika-9 ng Mayo, 2012, matapos ang dalawang oras ng debate, inaprubahan ng Senado ng Arhentina ang Batas sa Pagkilala ng Kasarian (o Law on Gender Identity) kung saan 55 ang pabor, samantalang 1 naman ang pumiling mag-abstain. Kinikilala ng naturang batas ang karapatan ng mga transsexual sa sariling pagkakakilanlan, sang-ayon sa kasariang kanilang isinasabuhay.
Binalikan ng lathalaing AG Magazine ang mahabang kasaysayan hinggil sa pagsusulong ng nasabing batas:
El proyecto de ley de Identidad de Género ingresó por primera vez al Parlamento argentino de la mano de la Federación Argentina LGBT y la Asociación de Travestis, transexuales y transgéneros de Argentina (ATTTA) en el año 2007. El texto aprobado, que es el mismo que obtuviera media sanción en Diputados en noviembre de 2011, contempla el reconocimiento de la identidad de las personas trans en su documentación personal, así como el acceso a la atención sanitaria integral en el sistema de Salud.
Ipinaliwanag naman sa website ng Frente Nacional por la Ley de Identidad de Género (FNLIG) o ang Pambansang Kilusan para sa Batas sa Pagkilala ng Kasarian, isang pangkat na binuo noong 2010 upang isulong ang pagsasabatas ng panukala, na mahalaga ang nakamit na tagumpay:
Con este paso, Argentina inicia el proceso de reparación histórica y democrática con toda la población trans del país, cuyos derechos más elementales, como el derecho a la identidad y a la salud integral, han sido sistemáticamente vulnerados. El proyecto prevé tanto el acceso a los cambios registrales como el acceso integral a la salud. Este tratamiento no diferido de todos los derechos enunciados fue el logro más importante que sostenemos desde el Frente Nacional por la Ley de Identidad de Género (FNLIG), que elaboró el proyecto en el que fue basado el dictamen firmado tanto por las comisiones de diputadxs como de senadorxs.
Pagtugon sa pangangailangang pangkalusugan
Isa sa mga probisyon ng bagong batas ay ang karapatan sa komprehensibong serbisyong medikal, kabilang na ang pagsasailalim sa operasyon at ang paggamit ng hormonal therapy upang baguhin ang anyo ng katawan gaya ng ari, para sa mga may edad 18 taong gulang pataas, nang hindi na kailangang humingi ng paunang pahintulot mula sa pamahalaan.
Mababasa sa webpage ng panlalawigang tanggapan ng Kagawaran ng Kalusugan ng Buenos Aires, na siyang nanguna sa larangan ng sexual reassignment surgery, ang kabuuang panayam kay Alejandro Collia, ang Panlalawigang Kalihim sa Pampublikong Kalusugan:
“La Provincia es pionera en garantizar, a través del acceso a la salud pública, el derecho de las personas a su identidad de género. La adecuación genital a la identidad de género percibida por cada persona es un derecho que venimos garantizando desde el hospital Gutiérrez”, afirma el ministro de Salud provincial, Alejandro Collia.
El Hospital Gutiérrez de la Provincia es el único efector público, junto con el Hospital Duran en la ciudad de Buenos Aires, en realizar cirugías de reasignación genital.
Nangunguna ang Lalawigan sa paggagarantiya sa karapatan ng sariling pagkakakilanlan, sa pamamagitan ng pampublikong serbisyong medikal. Dito sa Ospital Gutiérrez, pinapangalagaan namin ang pagsasaayos sa sekswalidad ng katawan ayon sa pananaw sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal,” sagot ni Alejandro Collia, ang Panlalawigang Kalihim.
Ang Panlalawigang Ospital Gutiérrez ay ang katangi-tanging pampublikong pasilidad, maliban sa Duran Hospital na matatagpuan sa siyudad ng Buenos Aires, na gumagawa ng mga genital reassignment surgeries.
Agad naman itong binatikos ng ilang grupo bago pa man ito naipasa sa senado, katulad ng puna ni Daniel Fernández, obispo ng Diyosesis ng Jujuy, Arhentina:
“La iglesia desde un principio hizo conocer su opinión, creemos que el ser humano es creado por Dios, varón o mujer, que viene constituido con nuestra naturaleza humana y a partir de ahí queremos empezar a dialogar, con respeto, sin ningún tipo de intolerancia, manifestando nuestra opinión, que en este caso, es contraria a la de tantos”, ha manifestado el religioso.
“La identidad viene dada por el sexo que recibimos y por la identidad que traemos desde el seno de nuestra madre”, defendió el obispo argentino, condenando el avance de la Ley de Identidad de Género.
“Sa simula pa lang maliwanag na ang posisyon ng simbahan, na nilikha ang tao mula sa imahe ng Panginoon, lalaki o babae, na siyang bumubuo ng natural na pagkatao at doon namin nais mag-ugat ang diyalogo ng may respeto, walang panglalait o anupaman, na sa aming opinyon, ito ay taliwas sa paniniwala ng karamihan”, wika ng obispo.
“Ang pagkakakilalan ay nagmula sa kasarian na binigay sa atin at nanggaling sa pagkakakilalan na nagsimula sa sinapupunan”, ayon sa Arhentinong obispo, na hindi sumasang-ayon sa nasabing batas.
Sa kabilang banda, ipinagdiwang ng blog na Unificacionistas, sa artikulong pinamagatang “Pagkakapantay-pantay para sa iilan”, ang karapatan ng mga nabibilang sa mga minorya ng lipunan:
de seguro las minorías irían rápidamente por más y más derechos, ya que se ve hoy día un terreno más que fértil para conseguir esas leyes que durmieron en oscuros cajones por décadas. A pesar de criticar las formas, en mi caso y en el de muchos, avalamos en principio que todo ciudadano tenga derechos y sea contemplado como un igual por otros ciudadanos ante la ley. El problema es que, me temo, esa igualdad no pareciera ser aplicable en todos los casos.
Mga reaksyon sa mga social networking site
Simula noong kumalat ang balita tungkol sa pagpasa ng naturang batas sa senado, hindi napigilan ng mga gumagamit ng samu't saring social networking site ang ilabas ang saloobin ng publiko. May ilan, gaya ni Juancho (@Juanx1984), na humihingi ng dagdag na probisyon, samantalang sinabi naman ni Jose Castiglione (@JoseCastiglione) na:
Me parece una aberración la Ley de
#IdentidadDeGenero. Que me disculpen los q resulten ofendidos por el comentario, pero esto es INADMISIBLE
Tila may mali sa Batas sa #IdentidadDeGenero [Pagkakakilanlan ng Kasarian]. Pasensya na po sa mga magagalit sa komento ko, ngunit ito ay HINDI KATANGGAP-TANGGAP.
Gayunpaman, hindi napigilan ni Paulo Yudewitz (@Pauloyudewitz) ang kanyang tuwa sa naturang balita:
#IdentidadDeGenero Felicidades para todos! Otro día histórico!
Makikita naman sa Facebook page na pinamagatang “ako ay pabor sa batas sa pagkakakilanlan ng kasarian“:
Amig@s, es imposible transmitir toda la alegría que sentimos por esta conquista!
Mga kaibigan, hindi ko lubusang maipaliwanag ang nararamdaman kong galak dahil sa tagumpay na ito!