Mga kwento tungkol sa Governance noong Abril, 2012
Tsina: Pagpigil at pagbura sa mga kumakalat na “tsismis”
Patuloy ang pagsupil ng bansang Tsina ayon sa kanilang propaganda laban sa mga kumakalat na "tsismis" sa social media. Subalit marami ang naniniwalang magwawagi pa rin sa online na digmaang ito ang mga ordinaryong mamamayan sa bandang huli. Sa kabilang banda, nilathala ng peryodikong People's Daily ang artikulo tungkol sa "pinsala sa mga mamamayan at lipunan na dinudulot ng mga tsismis na nanggaling sa Internet. Hindi dapat pinapaniwalaan o kinakalat ng publiko ang mga ganitong tsismis."
Suwesya: Ministro ng Kultura Sangkot sa Kontrobersyal na Likhang-Sining na ‘Mapanghamak na Keyk’
Inulan ng batikos tungkol sa paghamak sa lahi at rasismo ang Ministro ng Kultura ng bansang Suwesya matapos nitong tikman ang kontrobersyal na 'Masakit na Keyk', na kumakatawan sa babaeng taga-Aprika, sa ginanap na paunang sulyap sa isang eksibit sa Stockholm. Balitang hatid ni Julie Owono.
Arhentina: Pinuna ng mga Blogger ang Anunsyong Pagbili ng Pamahalaan sa Kompanyang YPF
Umani ng iba't ibang reaksyon sa blogosphere ng bansang Arhentina ang panukalang pagbili ng pamahalaan nito sa kompanya ng langis na YPF, na kontrolado ng kompanyang Repsol ng bansang Espanya, kung saang mapapasakamay ng gobyerno ang 51% ng buong kompanya. Ibinahagi ni Jorge Gobbi ang ilan sa mga opinyong ito, na kasalukuyang nahahati sa pagitan ng mga sang-ayon at kumukontra sa pamamahala ni Cristina Fernandez de Kirchner.
“Kurtinang Electronic” ng Iran Ginawan ng Animasyon ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos
Naglabas ng isang maikling animasyon sa YouTube ang Kawanihan ng Pandaigdigang Programa sa Impormasyon, na bahagi ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, tungkol sa pinapatupad na "kurtinang electronic" sa bansang Iran.
Mali: Isang Sigalot, Ang Pagdeklara ng Kasarinlan, at Mga Salungat na Layunin
Mabilis ang mga pangyayari sa nagaganap na sigalot na sumisira sa bansang Mali. Noong Biyernes, ika-6 ng Abril, iprinoklama ang "Kasarinlan ng Azawad" ng mga rebeldeng Tuareg mula sa pangkat ng MNLA ["Pambansang Kilusan para sa Kalayaan ng Azawad"]. Nababalot ang buong rehiyon ng Sahel sa malaking banta ng krisis na ito, kung saan magkasalungat ang mga layunin ng mga pasimuno nito.
Malawi: Mga Reaksyon Online sa Pagkamatay ni Mutharika
Sinubaybayan ni Victor Kaonga ang naging reaksyon online matapos ibalita ang pagkamatay ni Bingu wa Mutharika. Si Mutharika ang naging ikatlong pangulo ng Malawi. Namatay siya matapos atakihin sa puso noong umaga ng Huwebes, ika-5 ng Abril. Ito ang unang pagkakataong magluluksa ang Malawi sa pagkamatay ng kasalukuyang pangulo nito.
Chile: Debate sa Twitter Tungkol sa Therapeutic na Pagpapalaglag Habang Nag-aantay ang Senado
Habang patuloy na pinagpapaliban ng senado ang debate patungkol sa pagsasabatas ng therapeutic na uri ng pagpapalaglag, naging mainit ang palitan ng mga palagay at kuru-kuro sa cyberspace ng Chile, lalo na noong ipinalabas sa telebisyon ang dalawang debate tungkol sa paksa.