Mga kwento tungkol sa Governance noong Setyembre, 2012
Bansang Hapon: Isang Hinagap sa Ugnayang Hapones-Koreano Gawa ng ‘Free Hugs’
Isang bidyo ang sumikat nitong mga nakalipas na buwan, na may pamagat na "free hugs", kung saan tampok ang isang binatang Hapones sa bansang Korea. Nais ng gumawa ng pelikula na "patunayang may pag-asa pa para sa mga bansang Hapon at Timog Korea". Sentro ng mga balita sa midya ngayon ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang bansa.
Ehipto: Karapatan ng mga Kababaihan, Isinusulong ng ID Mo, Karapatan Mo
Aabot sa 4 na milyong kababaihan ng bansang Egypt ang walang opisyal na ID, na siyang kailangan upang mabigyan sila ng samu't saring serbisyo publiko at mga karapatang pambatas, panlipunan at pangpinansiyal. Layon ng proyektong "ID Mo, Karapatan Mo" na mabigyan ng ID ang 2 milyong kababaihan at mapalaganap ang kaalaman tungkol sa ganitong usapin at pati na ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian.