Mga kwento tungkol sa Governance noong Oktubre, 2012

Basahin ang post na ito.

Senegal: 18 Nasawi Matapos ang Matinding Pagbaha

  28 Oktubre 2012

Dahil sa matinding pag-ulan noong Agosto 26, 2012, nakaranas ng malawakang pagbaha ang maraming rehiyon sa bansang Senegal. Hindi bababa sa 18 ang bilang ng mga nasawi at 42 ang sugatan. Nagpaabot naman ang pamahalaan ng Senegal ng paunang tulong sa mga sinalanta, sa pangunguna ng grupong Pranses na Orsec. Sa kabila nito, marami ang naniniwalang hindi naging agaran ang pag-aksyon ng pamahalaan, dahilan upang magsagawa ng isang kilos-protesta sa siyudad ng Dakar.

Basahin ang post na ito.

Togo: Lansangan sa Lomé, Binaha ng mga Nakapula

  18 Oktubre 2012

Libu-libong kababaihan na nakasuot ng pula ang dumagsa at nagmartsa sa Lomé, kabisera ng Togo, noong ika-20 ng Setyembre upang igiit ang repormang pampulitika. Ibinahagi ng samahang Let's Save Togo ang koleksyon ng mga litrato [fr] mula sa nasabing kaganapan.

Maldives: Araw ng Kasarinlan, Ipinagdiwang

  6 Oktubre 2012

Ibinahagi ni Buggee sa kanyang blog [en] ang ilang litrato ng makulay na kaganapan sa Liwasan ng Galolhu sa lungsod ng Male, kabisera ng bansa, bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ang ika-47 anibersaryo sa kasaysayan ng bansa.