Mga kwento tungkol sa Governance

Arhentina: Pinuna ng mga Blogger ang Anunsyong Pagbili ng Pamahalaan sa Kompanyang YPF

Umani ng iba't ibang reaksyon sa blogosphere ng bansang Arhentina ang panukalang pagbili ng pamahalaan nito sa kompanya ng langis na YPF, na kontrolado ng kompanyang Repsol ng bansang Espanya, kung saang mapapasakamay ng gobyerno ang 51% ng buong kompanya. Ibinahagi ni Jorge Gobbi ang ilan sa mga opinyong ito, na kasalukuyang nahahati sa pagitan ng mga sang-ayon at kumukontra sa pamamahala ni Cristina Fernandez de Kirchner.

22 Abril 2012

Mali: Isang Sigalot, Ang Pagdeklara ng Kasarinlan, at Mga Salungat na Layunin

Mabilis ang mga pangyayari sa nagaganap na sigalot na sumisira sa bansang Mali. Noong Biyernes, ika-6 ng Abril, iprinoklama ang "Kasarinlan ng Azawad" ng mga rebeldeng Tuareg mula sa pangkat ng MNLA ["Pambansang Kilusan para sa Kalayaan ng Azawad"]. Nababalot ang buong rehiyon ng Sahel sa malaking banta ng krisis na ito, kung saan magkasalungat ang mga layunin ng mga pasimuno nito.

9 Abril 2012

Malawi: Mga Reaksyon Online sa Pagkamatay ni Mutharika

Sinubaybayan ni Victor Kaonga ang naging reaksyon online matapos ibalita ang pagkamatay ni Bingu wa Mutharika. Si Mutharika ang naging ikatlong pangulo ng Malawi. Namatay siya matapos atakihin sa puso noong umaga ng Huwebes, ika-5 ng Abril. Ito ang unang pagkakataong magluluksa ang Malawi sa pagkamatay ng kasalukuyang pangulo nito.

7 Abril 2012

Pilipinas: Blogger Kinasuhan ng Miyembro ng Gabinete

Isinulat ng blogger na si Ella Ganda mula sa Pilipinas noong Oktubre na ang mga relief goods na dapat sana ay para sa mga biktima ng bagyo ay itinatago lamang sa loob ng bodega ng pamahalaan. Tatlong buwan ang lumipas, sinampahan siya ng kasong libelo ng isang kawani ng pamahalaan. Nais malaman ng kapulisan ang kanyang pangalan. Tumugon naman ang mga lokal na bloggers sa usaping ito.

15 Pebrero 2010