Mali: Isang Sigalot, Ang Pagdeklara ng Kasarinlan, at Mga Salungat na Layunin

Mabilis ang mga pangyayari sa nagaganap na digmaang sibil na winawasak ang buong bayan ng Mali. Noong Biyernes, ika-6 ng Abril, iprinoklama [fr] ang “Kasarinlan ng Azawad” [fr] ng mga rebeldeng Tuareg mula sa pangkat ng MNLA [“Pambansang Kilusan para sa Kalayaan ng Azawad”]. Nababalot ang buong rehiyon ng Sahel sa banta ng krisis na ito, kung saan magkasalungat ang mga layunin ng mga pasimuno nito.

Sa isang pahayag na inilathala sa camer.be, iniharap ni Valère MBEG ang mga isyung [fr] bumabalot sa digmaan:

Le Mali est un vaste pays de 1.241.238 km² et une population galopante de 15.000.000 d’habitants selon le recensement de 2009, la région de l’AZAWAD couvre les 2/3 de la superficie pour une population ne représentant que  10 % des habitants avec d’énormes richesses naturelles qui sont actuellement peu exploitées en raison de l’absence de financement en infrastructures de transports qui renchérissent le coût des exploitations. Le Mali est également le troisième producteur africain d’or après l’Afrique du Sud et le Ghana, de quoi aiguiser les appétits des multinationales qui verraient bien dans l’AZAWAD un nouveau Sud Soudan avec peu de populations pour beaucoup de richesses naturelles ….

Malawak ang bansang Mali na may kabuuang sukat na 1,241,238 km² at populasyon na 15,000,000, ayon sa senso noong 2009. Sakop ng rehiyong AZAWAD ang dalawang-katlo ng lupain, 10% ng populasyon, at masaganang likas yaman na hindi pa nagagalaw sa kasalukuyan dahil sa kakulangan ng pondo sa pagpapatayo ng transportasyon na dadagdag lang sa gastusin ng kalakal. Ikatlo ang Mali sa pinakamalaking pinagkukunan ng ginto sa Aprika kasunod ng mga bansang Timog Aprika at Ghana — na maaring pang-akit sa mga multinational na mamuhunan sa AZAWAD bilang panibagong South Sudan na may kakaunting populasyon at hitik sa likas na yaman ….

ang teritoryong inaangkin ng MNLA mula kay @twitafrika sa twitpic

Ayon naman sa sinulat ni Sabine Cessou [fr] sa Slate afrique tungkol sa sitwasyong militar :

 “La donne est complexe dans le désert: les rebelles touaregs du MLNA disent ne pas poursuivre les mêmes objectifs qu’Aqmi. Ils ne se battent pas pour une République islamique de l’Azawad, mais pour la création d’un État laïc.

“Masalimuot ang isyu sa disyerto: ayon sa mga rebeldeng Tuareg, iba ang kanilang mga layunin sa hangarin ng AQIM. Hindi Republikang Islamiko ng Azawad ang kanilang ipinaglalaban, kundi ang paglikha ng isang bansang sekular.

Sa isang akda mula malijet.com, muling sinuri ni Nouhoum DICKO ang sitwasyon at pinakilala ang mga tauhan [fr] sa gitna ng digmaan:

Le mouvement islamiste Ansar dine, (l'Armée de la religion), est l'un des autres groupes armés de la région  dirigé par Iyad Ag Ghaly, principal artisan de la prise de Kidal, dont il est originaire. Celui qui fut le principal chef de la rébellion touareg des années 1990, aurait subi l'influence des islamistes pakistanais. Ansar dine serait composé de jeunes radicalisés au contact d'Al-Qaïda au Maghreb islamique (Aqmi).

Un nouveau groupe islamiste a fait irruption en décembre 2011, le Mouvement pour l'unicité et le jihad en Afrique de l'Ouest (Mujao). Se présentant comme une dissidence d'Aqmi, il serait dirigé par des activistes maliens et mauritaniens. Il avait revendiqué l'enlèvement des trois humanitaires européens dans un camp de réfugiés sahraouis. Ce groupe revendique sa participation à la prise de Gao, le samedi dernier.

Ang kilusang Islamiko na Ansar Dine [“Ang Hukbo ng Pananampalataya”], ay isa sa mga armadong pangkat ng rehiyon, na pinamumunuan ni Iyad Ag Ghaly, pangunahing nagplano sa paglusob sa Kidal, ang bayang kanyang pinanggalingan. Ang taong ito, ang pangunahing pinuno ng rebelyong Tuareg noong dekada 90, ay may ugnayan sa mga Islamist ng Pakistan. Kung gayon, binubuo ang Ansar Dine ng mga kabataang sinanay sa gawaing radikal at kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa AQIM [“Al-Qaeda sa Islamikong Maghreb”].

Isang panibagong Islamikong pangkat, ang Mujao [“Kilusan para sa Pagkakaisa at Jihad sa Kanlurang Aprika”], ang umusbong noong Disyembre 2011. Bilang samahang kumalas sa AQIM, ito ay pinapatakbo ng mga aktibista mula sa mga bansang Mali at Mauritania. Inaangkin nila ang pananagutan sa pagdukot sa tatlong Europyanong tagapagkawanggawa na nagsisilbi sa isang Sahrawi refugee camp. Inaangkin din nila ang paglahok sa pagsalakay sa bayan ng Gao noong Sabado, ika-31 ng Marso.

Ang mga taong nakaasul sa disyerto, litratong kuha ni Aysha Bibiana Balboa mula sa Flickr (Lisensyang CC-NC-BY)

Walang sinayang na oras ang mga pinuno ng Ansar Dine sa pagsulong ng kanilang layunin. Sa katunayan, iniulat sa maliactu.net [fr] ang kaganapang ito:

Le leader d’Ansar Dine, Iyad Ag Ghaly, ex-figure des rébellions touareg des années 1990, a rencontré lundi soir les imams de Tombouctou, une ville d’environ 30.000 habitants où il compte instaurer la loi islamique, selon un fonctionnaire de l’agglomération. A la faveur de l’avancée foudroyante des rebelles touareg dans le nord du Mali, le groupe Ansar Dine et des éléments d’Al-Qaïda au Maghreb (Aqmi) ont pris lundi le contrôle de Tombouctou, aux portes du Sahara, à environ 800 km au nord-est de la capitale Bamako. Tombouctou, grand centre intellectuel de l’islam et ancienne cité marchande prospère des caravanes, surnommée “la perle du désert”, est inscrite sur la liste du patrimoine mondial de l’Unesco.

Gabi ng Lunes, ika-2 ng Abril, nang nakipagtagpo ang pinuno ng Ansar Dine, si Iyad Ag Ghaly, kilalang lider ng rebelyong Tuareg noong dekada 90, sa mga imam ng Timbuktu, isang lungsod na may 30,000 kataong naninirahan, kung saan binabalak niyang ipundar ang batas Islam, ayon sa isang opisiyales ng lungsod. Noong Lunes, mabilis ang paglusob ng mga rebeldeng Tuareg sa hilagang Mali, at sinakop ng grupong Ansar Dine at mga kasapi ng Al-Qaeda sa Maghreb (AQIM) ang bayan ng Timbuktu, ang bungad patungong Sahara at 800 kilometro ang layo mula sa hilagang-silangan ng Bamako, ang kabisera. Isang UNESCO World Heritage site ang Timbuktu, isang mahalagang sentro ng kaalaman sa pananampalatayang Islam, isang sinaunang sentro ng kalakalan para sa mga naglalakbay na mangangalakal, at tinaguriang “perlas ng disyerto”.

Mula naman sa isinulat ni Ibrahima Lissa FAYE na inilathala sa pressafrik.com [fr] na may pamagat na “Mali: Hiwalay na Sinakop ng mga Rebeldeng Tuareg at Ansar Dine ang Timbuktu”:

Le chef du mouvement Ansar Dine, Iyad Ag Ghali, semble en effet contrôler la ville après avoir fait reculer les rebelles touaregs du MNLA qui étaient entrés les premiers dans Tombouctou dimanche. Alors contrairement au MNLA qui ne s'intéresse qu'au nord du Mali, dont il réclame l'indépendance, Iyad Ag Ghali, lui, veut imposer la charia, la loi islamique, à tout le pays et à Tombouctou on signale même la présence de dirigeants d'Aqmi.

Mukhang kontrolado na ni Iyad Ag Ghali, lider ng kilusang Ansar Dine, ang siyudad matapos nitong maitaboy noong Linggo, Abril-a-uno, ang mga rebeldeng Tuareg ng MNLA na siyang unang lumusob sa Timbuktu. Hindi tulad ng MNLA na ang tanging pakay ay ideklara ang kasarinlan ng hilagang Mali, nais ni Iyad Ag Ghali na ilapat ang batas Sharia ng Islam sa buong bansa at sa Timbuktu, kasama ang ilang pamunuan ng AQIM.

Nababahala ang mga taga-Mali lalo na sa aspeto ng karapatang pantao. Napapaulat ang mga insidente ng pagnanakaw at pananamantala sa mga bayang sakop ng rebelde. Ayon sa isang pahayag mula afriquinfos.com, sinabi ni Malick Alhousseini [fr], pangulo ng COREN [“Tipunan ng mga Naninirahan sa Hilagang Mali”] sa isang espesyal na pagpupulong sa Bamako:

cette rencontre se tient à un “moment douloureux de notre histoire, avec notre pays occupé, notre terroir natal aux mains des envahisseurs et des terroristes”.

Il a rappelé que depuis dimanche dernier, le Mali est un pays coupé en deux, de fait que les assaillants et les terroristes ont tout dévasté dans les localités qu'ils occupent : banques cassées, administration pillée, centres de santé vandalisés, entre autres.

ginaganap ang pagpupulong na ito “habang nasasadlak ang ating bansa sa pananakop, isang malungkot na bahagi ng ating kasaysayan, hawak ng mga mananakop at terorista ang lupain ng ating mga katutubo”.

Sa tingin niya, nahati sa dalawa ang bansang Mali magmula noong Linggo, ika-1 ng Abril, dahil winasak ng mga mananakop at terorista ang mga pamayanan na kanilang linusob: ninakawan ang mga bangko at gusali ng pamahalaan, binaboy ang mga paggamutan, at iba pa.

Dahil nakamit na nito ang kanilang layunin, itinigil muna ng MNLA ang paggawa ng karahasan ilang araw bago nito iprinoklama ang kasarinlan.

Subalit may ilang patunay na magkaiba ang mga layunin ng mga grupong lumahok sa pakikipaglaban: ayon sa atlasinfo.fr (ang konsulado ng Algeria sa Gao, isa sa mga bayang nasasakupan), habang ginagawa ng MNLA ang proklamasyon, dinukot [fr] ng isang tiwaling pangkat ang anim na opisyales ng konsulado at dinala sa isang tagong lokasyon:

L’attaque s’est produite en fin de matinée. Un groupe armé a attaqué le consulat. Il a remplacé le drapeau algérien par un drapeau noir avec des écritures arabes, emblématique des mouvements salafistes.

Umaga nang mangyari ang pag-atake sa tanggapan ng konsulado. Tinanggal nila ang bandila ng Algeria at pinalitan ng itim na bandilang may nakasulat sa wikang Arabo, na simbolo ng kilusang Salafi.

Bilang pagkondena sa naganap na pagdukot, paninira, at pagpapahirap sa mga sibilyan sa mga bayang nasasakupan, sinabi ng MNLA sa isang opisyal na pahayag [fr] na nilagdaan ni Bakaye Ag Hamed Ahmed, ang Tagapangasiwa ng Komunikasyon, Impormasyon at Pagbabalita, ang sumusunod:

Le Mouvement National de Libération de l’Azawad se désolidarise de toutes les organisations mafieuses s’étant introduite ces jours-ci dans l’Azawad, contribuant à instaurer un climat de chaos et de désordre, après la libération du territoire.

Hindi kinikilala ng Pambansang Kilusan para sa Kalayaan ng Azawad ang lahat ng organisasyong mafia na kasalukuyang nagsusulputan sa Azawad, na dahilan ng magulo at masalimuot na sitwasyon matapos ang idineklarang kalayaan sa teritoryo.

Higit pa sa gusot na ito, magulo ang sitwasyon ng Mali matapos patawan ng matinding parusa ang bansa ng Community of West African States (ECOWAS), African Union, at United Nations, dahil sa kudeta ng militar [en] na nagpatalsik sa Pangulo nitong si Amadou Toumani Touré, at nagsilbing mitsa sa mga kaguluhan sa kasalukuyan.

Maliban sa Mali, ilang katabing bansa ang nadadamay sa banta ng sigalot mula sa rebeldeng Tuareg. Magkakatulad ang istrukturang demograpiko ng mga bansang ito: nasa hilagang bahagi ang rehiyon ng Sahel kung saan matatagpuan ang mga Tuareg at iba pang lahing bumubuo ng minorya, at karamihan sa kanila ay walang permanenteng tinitirhan, samantalang ang natitirang bahagi ay binubuo ng mga mapayapang komunidad ng mga lahing maitim ang balat. Ang bahaging iyon ang nakakatanggap ng higit na pamumuhunan, kung kaya't nagsimula ang paniniwalang hindi pantay ang distribusyon ng kapital sa dalawang rehiyon.

Ang kaguluhang ito ay isang malaking banta sa populasyong sibilyan, na pinapalubha ng mga posibleng idudulot ng kilusang Boko Haram [fr], ang pagpasok ng armas mula sa bansang Libya [fr], ang matagal nang suliranin sa kakulangan ng tubig, at ang nagbabadyang panganib ng taggutom.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.