See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Pilipinas: TV Ads para sa mga Kandidato sa Pagkapangulo

Magkakaroon ng halalan para sa pagkapangulo sa Pilipinas sa susunod na taon. Nagsimula na ang panahon ng halalan noong nagsipasa ang mga kandidato ng kanilang mga certificates of candidacies sa mga tanggapan pang-halalan ng pamahalaan sa buong bansa.

Upang makaakit ng pansin at upang maipaalam sa mga botante ang kanilang kagustuhang tumakbo, kinailangan ng mga kandidato sa pagkapangulo na lumikha at magbayad para sa pagsasaere ng kanilang mga TV Ads. Marami-rami na ring mga videos ng mga kandidato ang sumasahimpapawid ngayon sa mga telebisyon nitong mga nagdaang buwan. Lahat ng mga TV ads na ito ay naka-upload din sa YouTube.

Nagbigay si Pinoy Picks! ng isang inisyal na listahan ng mga kandidato sa pagkapangulo sa bansa. Hindi kuntento si Shalapog’s Blog sa mga kandidato ngayon:

Sa paggising mo sa umaga, maamoy mo na agad na parating na ang kapanahunan. Makikita mo ito sa lahat ng kanto, sa mga musika sa radyo, sa mga taong abala sa pagtingin sa kanilang mga listahan at maging sa mga commercial sa TV. At narito na nga sila, ang mga PRESIDENTIABLES!

Hindi ako nasasabik sa darating na halalan sa 2010, dahil hindi ako kuntento sa mga kandidato at sa kanilang mga nagawa. Wala akong masyadong alam tungkol sa pulitika, pero kumuha ako ng Political Science noong ako ay nasa kolehiyo. Gayunpaman, may malasakit pa rin ako sa kung ano ang mangyayari sa bansa sa ilalim ng susunod na pangulo.

Narito ang ilan sa mga TV ads ng mga kandidato sa pagkapangulo:

Nais ni Senador Manny Villar na ipakita ang kanyang mga mapagkumbabang simulain:

Gumanap si Senador Chiz Escudero bilang isang superhero:

Binigyang diin ng Kalihim ng Tanggulan at kandidato ng administrasyon na si Gilbert Teodoro na ang galing at talino ang kailangan sa pamahalaan:

Ang anak ng dating pangulo na si Senador Noynoy Aquino ang may pinakamaraming personalidad na napabilang sa kanyang political TV ad-music video

Si dating Pangulong Joseph Estrada ay literal na tumatakbong muli, sa pamamagitan ng kanyang commercial para sa isang gamot laban sa arthritis.

Nilingon ni Iskolar Danny Arao ang mga ads na ito:

Malalakas ang mga ito sa anyo, ngunit kulang sa diwa. Kahit pa bigyang diin nila ang pangangailangan para sa isang totoong pagbabago, walang tangka upang maipakita nila ang kanilang katayuan sa mga maiinit na usapin ngayon.

Maaaring sabihin na sinusubukan lamang nila na magpakilala sa madla, ngunit hindi ba mas makikilala sila ng tao kung tatalakayin nila kaagad ang mga suliranin gaya ng paglabag sa karapatang pantao at kabiguan sa repormang pansakahan?

Hindi gusto ni Barrio Siete ang mga political advertisements:

Hindi ko gusto ang mga political advertisements. Para sa akin isa lamang itong pagtatapon ng pera na maaari sanang mailaan sa iba pang bagay. Mas gugustuhin ko pang makita ang mga kandidato na gastusin ang kanilang mga pondong panghalalan sa mga proyekto na makakatulong sa mga nangangailangan.

Sa ngayon, wala pa akong kandidato. Abala pa ako sa pagtingin sa kanila gamit ang aking magnifying glass. Nariyan ang mga political ads, na may kuha nila na nagsasabi ng kanilang mga plataporma sa publiko, kung meron man, pero kadalasan ay puro mga mukha lang nila at kanilang mga tangka na ipakita sa mga tao na sila ay tatakbo, na tila mukha na silang kaawa-awa.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.