Chile: Debate sa Twitter Tungkol sa Therapeutic na Pagpapalaglag Habang Nag-aantay ang Senado

[Nakaturo ang lahat ng links sa mga website sa wikang Espanol, maliban nalang kung nakasaad]

Habang patuloy na pinagpapaliban ng Senado ang debate tungkol sa pagtanggal ng kaparusahan sa pagpapalaglag dahil sa masamang kalusugan ng sanggol sa sinapupunan (therapeutic na uri ng aborsyon kung tawagin), hindi nabawasan ang palitan ng sari-saring palagay at kuru-kuro sa cyberspace ng Chile, lalo na nang matapos ipinalabas ang mga debate sa telebisyon tungkol sa paksa sa dalawang magkaibang programa. Kinalaunan, ang mga hashtags na #aborterapeutico (“therapeutic na pagpapalaglag”), #tolerancia0, #t0, at #VP  (kung saan ang tatlo ay patungkol sa programa sa telebisyon) ay naging trending topic sa Chile.

Noong ika-2 ng Agosto 2011 pa sana ang petsa ng debate ng panukalang batas, subalit hanggang sa araw na ito ay nakabinbin ito, dahil inaasikaso pa ang mga panukalang marahil ay higit na mahalaga o kaya'y hindi mahalaga.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga katangi-tanging puna mula sa Twitter noong ipinapalabas ang mga debate sa telebisyon.

Senado ng Chile. Larawan mula kay Flickr user congresochile (cc by 2.0)

Senado ng Chile. Larawan mula kay Flickr user congresochile (cc by 2.0)

Debate sa programang ‘Tolerancia Cero’ sa telebisyon

Habang ipinapalabas ang programang ‘Tolerancia Cero’ noong ika-18 ng Marso, idiniin ni Pato Linsky (@Patolinsky) na:

En un debate televisado sobre el Aborto a la que menos le dieron la palabra fue, adivine usted, a la única Mujer presente. #EsteEsChile #T0

Sa debate sa telebisyon tungkol sa pagpapalaglag, ang siyang may pinakakaunting oras na binigay ay, tama, ang tanging panauhing babae. #EsteEsChile [“Ganito ang Chile”] #T0

Tinuligsa ni Giorgio Jackson (@GiorgioJackson), bilang kinatawan ng mga mag-aaral, ang isa sa mga ispiker, at sinabing:

Es muy violento lo que dice el doctor de la U Andes… Lo peor es q cree q tiene la autoridad moral para decidir por miles de chilenas. #T0

Napakarahas ng mga sinabi ng Doktor mula Andes University … at ang masama pa nito, iniisip niyang may kapangyarihang moral siya upang magpasiya para sa libu-libong babae sa Chile.#T0

Samantala, ipinagtanggol ni @JAVIERLABRIN, isang estudyante, ang karapatan ng konserbatibong si Dr. Illanes na magbigay ng sariling opinyon:

En 1 debate exento d argumentos moralistas y religiosos, Dr. Illanes, U andes, planteo su postura y, nos guste o no, se debería respetar #T0

Sa debateng umiiral ang mga isyung moral at relihiyoso, naipaliwanag na ni Dr. Illanes mula Andes University ang kanyang pananaw, at sa maniwala man tayo o hindi, dapat natin itong irespeto. #T0

Binati naman ng Twitter user na si Trini (@Sita_Tri) ang isa sa mga pumagitna sa talakayan:

Bien Paulsen, al final esta no es una discusión científica, si no que ideológica #T0#aborterapeutico

Magaling Paulsen, sa kahuli-hulihan, hindi ito debate tungkol sa siyensiya, kundi ng ideolohiya. #T0#aborterapeutico

Tanong naman ni Jessica Riquelme (@JessRiquelme):

si en #t0 dejaron claro q en caso de riesgo de vida de la mujer el médico está obligado a terminar el embarazo… que estamos discutiendo??

Kung sa programang #t0 [programang ‘Tolerancia Cero’ sa telebisyon] ay naipaliwanag naman na obligasyon ng doktor na tapusin ang pagbubuntis kung nalalagay ang buhay ng ina sa alanganin… e ano pa ba ang pinagdedebatihan natin??

Debate sa programang ‘Vía Pública’ sa telebisyon

Nang sumunod na araw, noong ika-19 ng Marso, sa programang ‘Vía Pública’ sa estasyong TVN sa telebisyon, isang kilalang Twitter user na si Elquenoaporta (@elquenoaporta) ang nagsabing:

Prohibir el aborto de un feto inviable por razones ideológicas es tan ilógico como obligarlo. Las creencias no se imponen. #VP

Ang gawing ilegal ang pagpapalaglag ng sanggol na hindi na mabubuhay, dahil lamang sa mga rasong ideolohikal, ay kasing-kitid kapag ginawa itong obligasyon. Hindi tama ang paggigiit ng sariling paniniwala sa ibang tao. #VP

Sinagot naman ito ng dentistang si Felipe González (@Felipedental):

@elquenoaporta y quien habla de obligar a abortar? La discusión es que existan todas las opciones

@elquenoaporta at sino naman ang nagsabi na obligasyon ang magpalaglag? Ang debate ay tungkol sa pagpapalawig ng maaring pagpipilian.

Habang sabi naman ni Igraine (@Igra_ine):

#VP si ud quiere llevar feto inviable 9 meses en su útero, bien por usted, pero si otra persona no quiere hacerlo, debe tener la opción.

#VP kung gugustuhin mong dalhin sa sinapupunan sa loob ng 9 na buwan ang isang sanggol na hindi na mabubuhay, mabuti kung ganon, pero kung ayaw naman ng iba, hindi nila kailangan gawin ‘yun.

Dagdag naman ng isang mag-aaral ng batas na si Caroola (@Carooola):

Interesante el debate en #VP .El problema radica en no separar las creencias de las políticas públicas,sin hacer eso no hay avance

Napaka-interesante ang naging debate sa #VP [programang ‘Vía Pública’ sa telebisyon]. Ang pangunahing suliranin ay ang mga pulitiko na hindi magawang isantabi ang kanilang paniniwala. Kung hindi nila ‘yon magagawa, walang mangyayari.

Samantala, ipinaalala naman ni Belén Araceli Lagos (@Belencillaboop) na:

#vp Podemos estar muy en contra del aborto, pero lo que no se puede hacer es no debatir el tema

#vp maaring tutol ka sa pagpapalaglag, ngunit hindi ka maaring tumutol sa pagkakaroon ng debate tungkol sa paksa.

Sa paglalagom ni Alvaro Jorquera, isang political scientist (@jorqueramora), sinabi niya:

#VP negarse a la idea de legislar, es no permitir que se den discusiones como la que están realizando ustedes en el programa.

#VP ang pagtanggi sa ideya ng pagsasabatas ay ang pagtanggi sa mga pagtatalakay gaya ng nangyayari sa programang ito.

Walang nagbago sa isyu, o sa debateng kaakibat nito, mula noong isang taon kung saan isinumite ng Komite ng Senado sa Kalusugan ang panukalang batas upang pagdebatihan ang tungkol sa therapeutic na pagpapalaglag [en], at sumunod ang mainit na talakayan, maging online [en] o harapan man.

Ayon sa Kodigong Pangkalusugan ng Chile (ang legal na panuntunan sa sistemang pangkalusugan ng bansa), simula noong 1931, ang pagpapalaglag ay maaring gawin kapag nalalagay sa alanganin ang buhay ng isang ina. Subalit noong 1989, ilang buwan bago nagwakas ang kanyang diktaturya, pinawalang-bisa ni Augusto Pinochet ang posisyong ito dala ng matinding pag-uudyok nila Cardinal Jorge Medina at Almirante Toribio Merino. Simula noon, tuwiran nang ipinagbabawal ang anumang uri ng pagpapalaglag.

Tanging limang bansa na lamang sa Latin America at Caribbean ang may katulad na batas na tuwirang nagbabawal nito: Dominican Republic, Nicaragua, El Salvador, Haiti at Honduras.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.