Rusya: Paglutas sa Mga Problema ng Lokalidad Gamit ang Crowdsourcing

Mas madali na sa panahon ngayon ang paglutas ng mga suliranin sa lokal na pamayanan, lungsod at lalawigan, dahil sa mga proyektong ginagamitan ng teknolohiyang crowdsourcing. Ang crowdsourcing ay makabagong paraan ng pag-uugnay sa taong-bayan tungo sa malawak na pagtukoy at pagbibigay-solusyon ng iba't ibang uri ng problema, gaya ng pagbabayanihan sa pag-apula ng sunog at pagbabantay ng boto sa halalan.

Mapa ng bayan ng Moscow at ng rehiyon sa palibot nito

Kung tutuusin, may iba't ibang ahensiya at surian ng gobyerno ang nakatalagang isaayos ang bawat aspeto ng pamayanan upang maging maginhawa at panatag ang lahat ng mamamayan dito. Ngunit, sa totoong buhay, mahirap umasa sa perpekto: iligal na pagputol ng mga puno, mga sirang elevator, mga punding ilaw sa kalye, iilan lamang iyan sa mga pang-araw-araw na suliranin natin. Upang maaksyunan ang mga problemang gaya nito, nilikha ang mga tinatawag na “cloud” – mga proyektong birtuwal kung saan kahit sinong may Internet at may kagustuhang tumulong ay maaring sumali.

Ang StreetJournal.org [ru] ay isang proyektong sinimulan sa bayan ng Perm, at ngayo'y pinapatakbo na rin sa iba't ibang malalaking lungsod sa bansang Ruso. Nakatala sa naturang site ang humigit kumulang 8,000 kaso ng mga suliranin, at ang katlo nito'y nabigyang solusyon na. Maliban sa mga ordinaryong mamamayan, ginagamit din ito ng mga lokal na pamahalaan upang sundan ang mga kilos ng mga nabigyan ng kontrata para isagawa ang iba't ibang proyekto publiko at upang direktang tugunan ang mga ulat ng mga mamamayan.

Ginagamit din ang nasabing platform ng mga organisasyong non-profit bilang sanggunian ng bagong impormasyon at upang subaybayan ang anumang kalagayan na maari nilang aksyunan.

Isa pang halimbawa ng ganitong teknolohiya ang proyektong ДайСигнал [DaiSignal] [ru], kung saan iniuulat ng mga mamamayan ang mga problemang patungkol sa mga kalsada at pampublikong imprastraktura. Sa kasalukuyan, nakakatanggap ang nasabing site ng impormasyon mula sa higit 220 siyudad at bayan.

The problem-solving process becomes itself the biggest problem.

Ang paraan ng paglutas sa problema ay siyang pinakamabigat na problema.

Madalas nagiging “pinakamalaking problema ang aktwal na proseso ng paglutas dito” (lalo na kung ang problema ay mahirap lutasin mag-isa). Bagamat sa totoong buhay, hindi magkakakilala ang mga indibidwal na nagsusumbong sa Daisignal, nabibigyan naman ang taong-bayan ng mas malawak at mas malalim na perspektibo sa nirereklamong problema dahil sa naturang platform.

Sa ilang pagkakataon kung saan “hindi sakop ng sebisyo ng pamahalaan” ang mga isinumiteng reklamo, hindi na ito pinapaubaya sa kinauukulan, bagkus ipinapaalam ang mga ito sa ilang mamamayan na may kakayanang ayusin ang problema.

Maaari nating ihambing ang bisa ng ganitong sistema sa karanasan ng FixMyStreet [en] ng mga Briton, kung saan nakakalikom ang site ng 1,600 sumbong kada linggo, gaya ng mga litrato at bidyo ng mga umaapaw na basurahan, lubak-lubak na bangketa, at iligal na graffiti.

Orihinal na artikulo sa wikang Ruso

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.