[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lamang kung nakasaad.]
Kung dati nag-umpisa ang gimik na ‘noynoying’ bilang pamalit sa ‘planking’ na opisyal na ipinagbawal kamakailan sa Pilipinas, ngayon ang pausong paraan ng mga demonstrador ay naging popular sa buong Pilipinas. Bilang bagong pose sa mga kilos-protesta, ang ‘noynoying’ ay ang simpleng paupo-upo, paghiga sa sahig, pagtingin sa malayo, at ang pagtambay nang walang ginagawa.
Naimbento ng ilang aktibista sa Pilipinas ang paraang ‘Noynoying’ dahil nagpapakita ito umano ng kawalang aksyon ng Pangulong Noynoy Aquino sa mga problema gaya ng taas-presyo sa langis, sa matrikula at ibang bayarin sa paaralan, sa mga pangunahing serbisyo at bilihin, pati na ang lumalalang kahirapan, lumalaking agwat ng yaman, at iba pa.
Gobyerno hindi napigilan ang pagkalat ng Noynoying
Hindi naman umubra ang pagsisikap ng pamahalaan na pigilan ang pagsikat ng ‘Noynoying’. Mas lalo pa itong sumikat matapos maglabas ng mga litrato ang Malakanyang na pinapakitang ‘nagtatrabaho’ ang pangulo upang pasinungalingan ang ‘Noynoying’. Agad naman itong phinotoshop ng mga tao, inupload sa internet, at kumalat bilang mga meme.
Sa mga pinakabagong litrato ng ‘Noynoying’ sa internet, nakatabi ng pangulo ang mga opisyales ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), na sumikat noong isang taon matapos inedit ng DPWH ang ilang litrato upang palabasin na ‘nagtatrabaho’ ang mga ito sa may seawall ng Manila Bay na winasak ng isang bagyo.
Narito ang ilang halimbawa ng noynoying na kumakalat sa internet:
Kahit sa Wikipedia, mababasa ang isang pahina patungkol sa ‘Noynoying’. Noon isang simpleng talata ang laman nito; ngayon isa na itong paglalagom tungkol sa pinanggalingan ng salita.
Pagsikat ng Noynoying
Mula sa palayaw ng presidente na Noynoy, tinangkilik ng mga Pilipino ang ‘Noynoying’ bilang pagpapakita ng kawalang aksyon sa gitna ng mga suliranin. Ilang Pilipinong netizen naman ang nagbigay ng kanilang kuru-kuro kung bakit naging sikat ang ‘Noynoying’.
Binuweltahan ng isang miyembro ng Gabinete ni Aquino ang Noynoying dahil ito raw ay isang gimik na “annoying” o nakaka-irita:
It is a sub-plot to a more prolonged campaign against the government by its political enemies. Because these people are having a hard time attacking government policies, they resort to ad hominem attacks on PNoy, stooping so low as to question his mental condition.
Sagot naman ng blogger na si Teo Marasigan [fil], hindi lang mga aktibista ang gumagamit ng Noynoying:
Pumatok ang Noynoying dahil sapul nito ang sentimyento sa pangulo ng mga mamamayan. Sa likod ng masasayang ngiti at masasarap na pangako ng pangulo, ramdam ang pagtindi ng hirap at gutom ng mga tao.
Paliwanag naman ni John Marcel Ragaza sa kanyang blog, hindi lang katauhan ng pangulo ang tinutumbok ng Noynoying:
Noynoying is a symbolic protest that goes beyond criticism of the president's character. The public and even Malacanang should not misconstrue Noynoying, and any act of creative protest for that matter, as a plain assault to person of Aquino. Rather, it is an insult directed at the kind of governance that is being espoused not only by Aquino but even by his predecessors, to the elite rule that has long dominated the country, to a leadership that sadly contributes to the suffering of marginalized Filipinos through the protection of elite interests. Noynoying is just a catchy verb, but it nevertheless pierces and offends because it is truthful.
Sa huli, ang punto ng Noynoying ayon kay Like a Rolling Stone ay ang kapabayaan ng pamahalaang Aquino sa mga hinaing ng mga mamamayan:
It is Aquino and his officials who appear to be living in a different world, a place where there are only happy mall-goers, rosy stock market indices and busy construction sites that point to economic growth. In this world, oil prices are not a problem no matter how high they get. Poverty is just a state of mind and unemployment is fiction.
Be thankful Mr. President that today’s protests are still tinged with humor. There might come a time when there will only be anger over your government’s inaction.
Dapat magpasalamat ang Pangulo dahil, kahit papaano, nagagawa pang magpatawa ng mga nagpoprotesta sa ngayon. Baka dumating ang panahon na poot at galit na lamang ang kanilang nararamdaman dahil sa pagsasawalang-kibo ng pamahalaan.
Inilista naman ng aktibistang lider ng mga kabataan na si Vencer Crisostomo ang kanyang mga mungkahi kay Pangulong Aquino upang tuluyang matigil ang pambabatikos ng Noynoying, sa halip na maglabas ng dagdag na mga litrato at tanggihan ang mga inaakusa sa kanya:
Stopping oil price hikes, implementing genuine land reform, significantly raising wages, imposing a moratorium on tuition and other school fee increases, ending impunity and human rights abuses, standing up against US intervention, and ending foreign plunder and mining of the country's natural resources, among many others.