Iniulat ng pambalitaang website na grioo.com [fr] na dumalo ang Ministro ng Kultura ng bansang Suwesya na si Lena Adelsohn Liljeroth sa paunang silip sa eksibit ng Museo ng Modernong Sining sa Stockholm kasabay ng pagdiriwang ng ‘Pandaigdigang Araw ng Sining’ noong ika-15 ng Abril, 2012.
Mistulang naging sentro ng palabas ang pagtikim sa ‘Masakit na Keyk’ na kumakatawan sa babaeng taga-Aprika, na nakunan sa bidyo, inupload ni Pontus Raud [en], at kasalukuyang mapapanood sa YouTube:
Gawa ni Makode Linde [en] ang naturang sining. Naglagay pa ito ng litrato ng nasabing palabas sa kanyang Facebook profile, at nagpaliwanag:
Documentation from my female genital mutilation cake performance earlier today at stockholm moma. This is After getting my vagaga [vagina] mutilated by the minister of culture, Lena Adelsohn Liljeroth. Before cutting me up she whispered “Your life will be better after this”

Likhang Sining – mula sa Facebook ni Makode Linde
Ayon naman sa online na pambalitaang sanggunian na ‘The Local‘ [en], umani ang naturang bidyo ng matinding galit mula sa mga mamamayang Suweko, kabilang na si Kitimbwa Sabuni, ang tagapagsalita ng Pambansang Samahan ng mga Afro-Swedish, na hiniling ang pagbaba sa pwesto ng Ministrong sangkot sa kontrobersiya.
Sa Facebook, nagtanong ang user na si Lyly Souris [fr]:
Pardon, quel est le nom de l'artiste car j'aimerais comprendre sa démarche?
Cette recherche de compréhension n'annule pas mon sentiment d'indignation. Je ne veux pas me réfugier derrière l'idée qu'au nom de l'art on aurait le droit de tout faire. Je ne pense pas que c'est une polémique inutile qui est en train de se créer mais juste faire prendre conscient à cet artiste, à cette ministre de la culture et à tous les autres, qu'il est fini le temps où on laissait faire pour ne pas se faire remarquer et pour être accepté dans la société. Aujourd'hui nous sommes plutôt dans un mouvement : respectons nous!
Komento naman ni theddyralf sa YouTube [fr]:
Des blancs bouffant du negre a Stockholm. Jusqu ou les leucodermes vont-ils pousser leur haine contre le negre et la chosification du negre. Le comble est qu il y a toujours les negres de services qui se prettent a se jeu, en mettant leurs …service a la disposition de ces sales besognes.
Nakatanggap din si Linde sa kanyang profile sa Facebook [en] ng mga komento galing sa publiko, gaya ng pang-uudyok ni Damone Moore [en]:
I love your last work. It makes people think and talk about what happened to slaves in a VERY LITERAL sense….
Binigyang linaw naman sa isang artikulo noong 2009 na inilathala sa UrbanLife.se [en], isang website patungkol sa kulturang Afro-Caribbean, ang pamamaraan ni Linde sa kanyang mga likha na sadyang pumupukaw ng damdamin:
With deceptive ease and humour, Makode Linde's work shows western conceptions of the good man and the good life in junction with the perception of the Other. A whole army of small mutations are formed that demonstrates a totally romanticized vision of the part of western history that is characterized by violence, slavery and racism.
Para naman kay Maxette Olson [fr], taga-Guadeloupe na nakabase sa bansang Suwesya, hindi sapat ang ganitong katwiran upang maabswelto ang lumikha ng sining:
Makode est un jeune homme noir. Il n´a peut-être rien contre les noirs mais est un noir suédois qui se croit immunisé contre le racisme comme beaucoup de noirs ici.