Mga kwento tungkol sa Human Rights
Tsina: Pagdadalantao, Sapilitang Pinapalaglag ng Mga Tiwaling Opisyales
Usap-usapan sa social media at mga microblog sa Tsina ang isang litrato ng isang babae na napilitang magpalaglag ng kanyang ipinagbubuntis. Inulan ng batikos at matinding galit ang nasabing larawan.
Afghanistan: Mga Batang Babae, Nilason Dahil sa Pagpasok sa Eskwelahan
Bagamat matagal nang napatalsik ang Taliban noong 2001 at malaya nang makakapag-aral ang mga kababaihan sa bansang Afghanistan, patuloy na pinaparusahan ng mga grupong fundamentalist ang mga batang babaeng pumapasok sa mga paaralan. Naibalita kamakailan ang serye ng pag-atake sa mga eskwelahan sa hilagang-silangang lalawigan ng Takhar, kung saan daan-daang kababaihan ang naging biktima ng panglalason.
Pakistan: Isyu ng Pagpatay sa 5 Kababaihan sa Kohistan, Naging Masalimuot
Hatid ni Omair Alavi [en] ang panibagong ulat tungkol sa tahasang pagpatay o ang tinatawag na honor killing sa 5 kababaihan sa distrito ng Kohistan. Kinuwestiyon niya ang ginampanang papel ng media sa buong kontrobersiya.
Timog Korea: Suportado ang “Chemical Castration” Bilang Kaparusahan
Napagdesisyunan na ng sistemang panghukuman ng Timog Korea na ipatupad ang chemical castration bilang kaparusahan sa mga kriminal na ilang ulit na nanggahasa ng bata. Nagpahayag ng suporta ang karamihan sa mga Timog Koryano samantalang may ilan ding nagpahayag ng pagkadismaya sa kasalukuyang pagpapatupad ng batas na may kaugnayan sa mga nasabing krimen na inilalarawan bilang 'maluwag sa mga kriminal na may mga palusot.'
Pilipinas: Mga Refugee, Dumadami Dahil sa Pambobomba ng Militar
Sa mga nakalipas na buwan, libu-libong residente ng Mindanao ang sapilitang itinataboy mula sa kani-kanilang pamayanan dahil sa pinag-igting na operasyon ng militar sa lugar. Naging mainit naman ang sagupaan sa pagitan ng militar at mga rebelde, na nagpapalala sa kasalukuyang sitwasyon. Ang mga residente dito ay tuluyang naging mga bakwit - o ang lokal na tawag sa mga refugee.
India: Sumali ang Kolkata sa “SlutWalk” Kilusan
Noong ika-24 ng Mayo, 2012, pinasinayaan ng Kolkata ang sariling bersyon ng kilusang SlutWalk, kung saan daan-daang binata at dalaga ang naglakad sa lansangan sa kabila ng matinding sikat ng araw. Sa internet, binigyang kulay ng mga netizen ang buong kaganapan sa pamamagitan ng mga talakayan, litrato at bidyo.
Bidyo: Kalakaran sa Iba't Ibang Lipunan – Pagsilip sa mga Kakaibang Kaugalian
Hatid ng VJ Movement, sa pakikipagtulungan ng London School of Economics, ang mga bidyo at kwento ng buhay tungkol sa mga lipunan mula sa bawat sulok ng mundo na nasasadlak sa iba't ibang uri ng krisis at kaguluhan. Tampok dito ang kani-kanilang pagpapahalaga sa mas magandang kinabukasan.
Thailand: Mga Red Shirt, Muling Nilusob ang Lansangan
Idinaos ng libu-libong Red Shirt ang paggunita sa pangalawang anibersaryo ng salpukan sa Bangkok noong 2010 sa pagitan ng mga pulis at sundalo at mga nagpoprotesta.
Pamamahayag sa Social Media, Bibigyang Gantimpala ng Robert F. Kennedy Center
Tumatanggap ng mga nominasyon para sa Gatimpala sa Pamamahayag para sa Pandaigdigang Potograpiya at Pandaigdigang Social Media ang Robert F. Kennedy Center, isa sa mga kapita-pitagan at nangungunang pandaigdigang organisasyong nagtataguyod ng karapatang-pantao. Pinapangasiwaan ang nasabing patimpalak ng tanggapan ng RFK Center sa Florence, Italy.
Pilipinas: Demolisyon sa Mahirap na Pamayanan sa Siyudad, Umani ng Batikos
Isang lalaki ang kumpirmadong nasawi at dose-dosena ang nasugatan matapos ang sagupaan ng pulisya at mga naninirahan sa Silverio Compound sa lungsod ng Paranaque, timog ng Maynila, sa gitna ng mga pagpoprotesta laban sa demolisyon ng mga kabahayan sa lugar. Sumiklab naman sa internet ang matinding galit ng taumbayan dahil sa nangyaring karahasan.
Hong Kong: Lady Gaga Nililigaw ng Landas ang Kabataan, Ayon sa Ilang Evangelist
Nililibot ngayon ng sikat na mang-aawit na si Lady Gaga ang iba't ibang bahagi ng Asya para sa kanyang 'Born this Way Ball'. Ngunit sa bisperas ng kanyang unang pagtatanghal sa Hong Kong, sumiklab ang matinding pagtatalo dahil sa pangangampanya ng isang pangkat ng mga evangelist laban sa pagpunta ng naturang artista sa lugar. May ilang Kristiyanong tumututol habang ilan naman ang sumasang-ayon at nagsasabing nalalason ang isipan ng mga kabataan dahil sa kanyang pagbisita sa siyudad.
Bidyo: Pagpatay sa Mga Kababaihan at Sanggol sa Sinapupunan sa Indiya at Tsina
Sa mga bansang Indiya at Tsina, 200 milyong kababaihan ang iniuulat na "nawawala" dahil sa kaugaliang pagpapalaglag ng mga babaeng sanggol sa loob ng sinapupunan, samantalang pinapatay o iniiwan naman ang mga batang babae. Narito ang ilang dokyumentaryo at pag-uulat tungkol sa ganitong uri ng paghamak sa kasarian na kumikitil ng maraming buhay, at tungkol sa mga pagsisikap na bigyang lunas ang suliraning ito.
Iran: Linggo ng Masidhing Graffiti para sa Mga Bilanggong Pulitikal
Noong ika-1 hanggang ika-7 ng Abril 2012, hinikayat sa Facebook ng grupong Mad Graffiti Week Iran ang buong mundo na lumahok sa paglalapat ng mga guhit para sa daan-daang bilanggong pulitikal sa bansang Iran. Ang gawaing ito ay batay sa at sinuportahan ng kilusang “Mad Graffiti Week” ng bansang Ehipto kung saan libu-libo ang hinimok na magprotesta laban sa kasalukuyang rehimeng militar.
Bidyo: Binibida ng mga Nonprofit ang Kanilang Gawain sa Pamamagitan ng mga Pinarangalang Bidyo
Itinanghal kamakailan ang mga nagwagi sa Ika-6 na Annual doGooder Non Profit Video Awards noong ika-5 ng Abril, 2012. Tampok ang mga nanalong bidyo sa 4 na kategorya: maliit na organisasyon, organisasyong may katamtaman ang laki, malaking organisasyon, at pinakamahusay sa pagkukuwento, pati ang 4 na nagwaging bidyo sa kategoryang 'walang takot'.
Mali: Isang Sigalot, Ang Pagdeklara ng Kasarinlan, at Mga Salungat na Layunin
Mabilis ang mga pangyayari sa nagaganap na sigalot na sumisira sa bansang Mali. Noong Biyernes, ika-6 ng Abril, iprinoklama ang "Kasarinlan ng Azawad" ng mga rebeldeng Tuareg mula sa pangkat ng MNLA ["Pambansang Kilusan para sa Kalayaan ng Azawad"]. Nababalot ang buong rehiyon ng Sahel sa malaking banta ng krisis na ito, kung saan magkasalungat ang mga layunin ng mga pasimuno nito.