[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]
Sa kabila ng pangako na walang pang-aabuso sa karapatang pantao ang magaganap sa panig ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa taong 2012, napipilitan pa rin na lisanin ng mga katutubo at mahihirap nating mga kababayan ang kanilang mga tirahan at lupain sa Mindanao sa nakalipas na mga buwan, dahil sa patuloy na panghihimasok ng militar sa lugar. Ang mga residente dito ay tuluyang naging mga bakwit – o ang lokal na tawag sa mga refugee.
Noong isang taon, matapos manalasa ang bagyong Sendong at ilang pagbaha at pagguho ng lupa sa iba't ibang bahagi ng Mindanao, dumami ang bilang ng mga refugee sa lugar. Dagdag pa dito ang mga napipilitang lumayo dahil sa salpukan ng militar at mga rebeldeng Moro.
Bagamat walang naitatalang bilang ng namamatay, daan-daan naman ang napipilitang tumakas mula sa kanilang pamayanan dahil sa giyera at pambobomba ng militar sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat, Sarangani, Surigao, Agusan, Cotabato, Davao, Compostela Valley, Zamboanga, at Bukidnon.
Pinaniniwalaang nakatago sa mga lugar na ito ang mga likas-yaman na gusto ring mapasakamay ng mga malalaking kompanya. Ngunit, ayon sa militar, ang mga nasabing lugar ay kuta ng mga Komunista (ang Communist Party of the Philippines o CPP) at ang armadong sangay nito, ang New People's Army (NPA).
Paniwala naman ng grupong Karapatan, isang alyansang nagtatanggol sa karapatang pantao, itinataboy ang mga komunidad sa mga naturang lugar upang makapasok ang mga malalaking operasyon sa pagmimina, sa tulong ng mga militar na pinapaboran ang mga malalaking negosyante.
Dahil sa paglikas, nawalan ng hanapbuhay ang mga mamamayan. Natitigil sa pag-aaral ang mga bata. Mula sa kani-kanilang tahanan, napipilitan silang lumipat pansamantala sa mga evacuation center. Narito ang ilang mga kwentong nakalap ng Karapatan na kasalukuyang umiikot sa internet at mga email:
Antolin Gimo, member of KAMASS-KMP, a local organization of peasants from Mahaba, Marihatag, Surigao del Sur. Antolin’s peasant community is targeted for coal and nickel mining operations that is reportedly going to start soon. The people of Bgy. Mahaba went through a series of forciblee vacuation from their homes in 2006 and yearly, from 2009 to the present. On March 2011, elements from the 29th and 23rd IBPA launched air and land reconnaissance missions against the NPA, shelling the areas around the communities.
Bebeth Calinawan Enriquez, member of Butuan City-RTR-Cabadbaran City-Tubay Intermunicipal Mamanwa Organization (APOGAN), a local Mamanwa organization from Cabadbaran, Agusan del Norte. She is among the 215 families who fled their homes in March this year due a series of bombings and strafing. Canons were stationed in the middle of the fields, only about 20 meters away from the houses. The Mamanwa are still in evacuation centers in Butuan City, and neighboring barangays, away from their homes and livelihood. On September 2011, Bebeth Calinawan was shot at by the military, detained, and was presented by the military to the media as a victim of the NPAs landmines. Bebeth is also a witness to the hard life in the evacuation centers: of post-traumatic stress, the lack of food, of sleeping on cold cemented floors, of sickness affecting the evacuees, of the government’s lack of response and rejection of their pleas.
Maritess Bulawan, chairperson of Nagkahiusang Mag-uuma sa Kibawe (Namaki) in Kibawe, Bukidnon. Maritess is among the peasant leaders in Kibawe who actively oppose the building of the Pulangi mega-Dam-V that will drown peasant communities. She was involved in the negotiations with local traders from whom they get their farm inputs and to whom they sell their produce. On April 1, 183 families from the town of Maritess evacuated when the military, using two tora-tora planes, dropped 14 bombs that affected three barangays. One civilian, according to Maritess was wounded by bomb splinter. The military also occupied a public elementary school. Maritess believes that the military operation was a retaliation to the previous encounter with the NPA. But as in many other instances, the military train their guns against the civilians. As an active peasant leader, Maritess has caught the ire of the military.
Ayon sa mga ulat, ang pinakabagong insidente ay sa Trento, Agusan del Sur noong ika-7 ng Mayo, 2012 kung saan higit sa 80 pamilya ang lumikas mula sa pambobomba at operasyon ng militar. Sa tala ng grupong Karapatan, hindi bababa sa 6,556 katao ang naging biktima ng sapilitang paglikas sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng administrasyong Noynoy Aquino.
Noong Abril, nagtipon-tipon ang mga pangkat ng mga katutubo, mga makakalikasan, at mga aktibista para sa karapatang pantao sa harap ng tanggapan ng Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan o NCIP at ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan o DENR upang iprotesta ang panghihimasok ng militar sa lugar. Narito ang bidyo ng mga kilos-protesta: