Ehipto: Pagtutol sa Pambabastos, Idinaan sa Protesta

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]

Sa bansang Egypt, malaking suliranin ang pagdami ng mga insidente ng pambabastos o sexual harassment, samantalang lumalakas ang panawagan na bigyang lunas ang ganitong problema. Isang protesta ang isinagawa ng mga kabataan, na kinabibilangan ng mga kalalakihan at kababaihan, sa distrito ng Nasr City sa lungsod ng Cairo noong ika-4 ng Hulyo, upang ipahayag ang pagtutol sa pambabastos.

Magmula nang sumiklab ang rebolusyon sa bansa, naging panawagan ng maraming taga-Egypt sa loob at labas ng internet ang problema ng pambabastos at iba pang uri ng karahasan dahil sa kasarian. Noong Hunyo, isang pagmartsa ng mga kababaihan laban sa pambabastos ang hinarang ng ilang kalalakihan. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang mga aktibista sa pagdaos ng iba't ibang inisiyatibo laban sa pambabastos.

Layon ng protesta noong Hulyo 4 ang gawing ligtas ang mga lansangan para sa lahat. Dumalo sa pagtitipon si Maged Tawfiles at ibinahagi ang mga sumusunod na litrato (lahat ng mga larawan dito ay may pahintulot sa paglalathala):

“Ang aking kalayaan ay ang aking dangal”

“Karapatan ng mga kababaihan sa Egypt ang kalayaang makapaglakad”

“Ayokong kamuhian ang aking pagiging babae”

“Sana'y itigil mo na ang pagtingin sa aking katawan”

“Gusto kong sumakay ng bisikleta nang hindi nababastos”

“Hindi ako mambabastos nang hindi mabastos ang kapatid ko”

“Pigilan ang iyong sarili, huwag ang aking pananamit”

“Hindi iyo ang lansangan, hindi iyo ang aking kalayaan”

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.