Mga kwento tungkol sa Disaster
Mga diary tungkol sa COVID-19 mula sa Wuhan: Nang naging mga bagay ang mga tao
"Tungkol ito sa pagkontrol. Kailangan nating alisin ang kapangyarihan nila... at gawing mga bagay ito."
Mga diary tungkol sa COVID-19 mula sa Wuhan: Paghahanap ng koneksyon sa ibang mga tao habang nag-iisa
Ilalathala ng Global Voices ang mga diary nina Ai at Guo mula Wuhan sa isang serye. Ang sumusunod na mga pahayag ay isinulat sa ikalawang linggo ng lockdown mula ika-29 ng Enero hanggang ika-4 ng Pebrero, 2020.
Mga diary tungkol sa COVID-19 mula sa Wuhan: ‘…hindi lamang naka-lockdown ang isang lungsod, kundi pati na rin ang aming mga boses’
Sa mga diary na ito mula Wuhan, ipinakikita ng buhay ng mga ordinaryong tao sa ilalim ng top-down na pagkontrol at pagsusubaybay kung paano inalis sa mga tao ang kanilang pansariling pagkakakilanlan.
Serye ng pagsabog sa mga simbahan at hotel nagdulot ng pangamba sa Sri Lanka
Daan-daang tao ang namatay at nasugatan sa mga serye ng planong pagsabog sa Sri Lanka. Idineklara ng gobyerno ang 12 oras na curfew buong kapuluan at nilimitahan ang paggamit ng mga social media sites.
Laksang Libo Humingi ng Hustisya para sa Biktima ng Bagyong Haiyan sa Pilipinas
"Umiiyak sila kapag inilalahad nilang muli ang kanilang kuwento. At hindi dahil sa nawalan sila ng mahal sa buhay at kung anumang ari-arian na mayroon sila noong panahon ng bagyo."
Senegal: 18 Nasawi Matapos ang Matinding Pagbaha
Dahil sa matinding pag-ulan noong Agosto 26, 2012, nakaranas ng malawakang pagbaha ang maraming rehiyon sa bansang Senegal. Hindi bababa sa 18 ang bilang ng mga nasawi at 42 ang sugatan. Nagpaabot naman ang pamahalaan ng Senegal ng paunang tulong sa mga sinalanta, sa pangunguna ng grupong Pranses na Orsec. Sa kabila nito, marami ang naniniwalang hindi naging agaran ang pag-aksyon ng pamahalaan, dahilan upang magsagawa ng isang kilos-protesta sa siyudad ng Dakar.
Belarus, Ukraine: Mga Biktima ng Chernobyl, Wala Na Nga Bang Libreng UK Visa?
Kinukwestiyon ngayon, sa pamamagitan ng isang petisyon sa internet [en], ang panukalang dagdag-bayarin sa pagkuha ng visa papasok ng Britanya para sa mga taga-Belarus at Ukraine na naging biktima ng trahedya sa Chernobyl noong 1986 at pumupunta sa UK upang magpagamot.
Bansang Hapon: Panganib sa Paglilinis sa Fukushima Nuclear Plant, Ibinunyag
Ibinunyag ng isang bidyo mula sa citizen media ang mapanganib na kondisyon na kinakaharap ng mga naglilinis sa Fukushima nuclear power plant sa bansang Japan. Matatandaang nagtamo ng pinsala ang planta matapos ang malakas na lindol at tsunami doon.
Bidyo: Pagsabog ng Bulkang San Cristobal sa Hilagang Nicaragua
Mapapanood sa YouTube ang mga eksenang kuha ng mga netizen sa kamangha-manghang pagsabog ng bulkan sa bansang Nicaragua noong ika-8 ng Setyembre, 2012. Nasaksihan ng mga netizen ang pagsabog ng Bulkang San Cristobal, na siyang pinakamatayog sa Nicaragua na matatagpuan sa Gitnang Amerika. Alas-9 ng umaga nang magbuga ito ng makakapal na usok at abo, dahilan upang lumikas ang higit 3000 katao sa bayan ng Chinandega.
Niger: Libu-libo ang Nawalan ng Tirahan sa Pagbaha sa Niamey
Humihingi ng tulong si Barmou Salifou mula sa bansang Niger, sa pamamagitan ng Twitter, nang salantahin ng mga pagbaha ang bayan ng Niamey noong Agosto 19.
Pilipinas: Kalakhang Maynila at Karatig-Lalawigan, Lubog sa Baha
Dahil sa malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan, nakaranas ng matinding pagbaha ang maraming bahagi ng Kalakhang Maynila at mga karatig-lalawigan sa Luzon. Nilikom ng taga-Maynilang si Mong Palatino, patnugot ng Global Voices, ang mga litratong mula sa social media na naglalarawan ng kabuuang lawak ng delubyo sa kabisera ng bansa.
Madagascar: Pinsala ng Bagyong Giovanna, Inilarawan sa mga Bidyo at Litrato
Dumating sa bansang Madagascar ang bagyong Giovanna noong ika-13 ng Pebrero, sa ganap na 20h00, lokal na oras. Nasa ika-4 na kategorya ang nasabing bagyo, na taglay ang malalakas na hanging umaabot sa 194kph (120mph) at pinatumba ang mga punong-kahoy at malalaking poste ng koryente. Ayon sa mga opisyal na ulat, hindi bababa sa 10 ang bilang ng mga nasawi.
Russia: Mga Pamamaraan sa Internet upang Makatulong sa mga Sinalanta ng Baha
Sa rehiyon ng Kuban sa bansang Russia, 640 kabahayan ang winasak ng matinding pagbaha, samantalang mahigit 5,000 naman ang nakalubog sa tubig-baha. Ayon sa datos ng Crisis Center ng Ministry of Internal Affairs ng Russia, umabot na sa 150 katao ang bilang ng mga nasawi batay sa tala noong Hulyo 8.
Qatar: Shopping Mall Nasunog, Kumitil ng Buhay
Noong ika-28 ng Mayo, tinupok ng apoy ang Villaggio Mall sa Doha. May 19 na katao ang nasawi, kabilang na ang 13 batang paslit. Hindi sila nakalikas mula sa isang nursery sa loob ng mall. Binawian sila ng buhay kasama ang kanilang apat na guro dahil sa paglanghap ng makakapal na usok. Dalawang bombero naman ang namatay matapos tangkaing iligtas ang mga nakakulong sa loob ng gusali.
Pilipinas: Mga Sakuna ng Kalikasan, Iniugnay sa Pagmimina at Pagtotroso
Nakaranas ng matitinding pagbaha at pagguho ng lupa ang maraming bahagi ng Pilipinas sa loob lamang ng tatlong linggo, na kumitil sa buhay ng 1,500 katao at sinalanta ang ilang daan-libung mahihirap na mamamayan. Tinukoy ng mga netizen ang mga dahilan ng mga nangyayaring sakuna, pati na ang mga pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno dahil sa pagbibigay permiso sa mga kompanyang nagsasagawa ng walang habas na pagtotroso at pagmimina.