[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Pranses, maliban na lamang kung may nakasaad.]
Ika-13 ng Pebrero, 2012 sa ganap na 20h00, lokal na oras, tinumbok ng bagyong Giovanna ang bansang Madagascar. Nasa ika-4 na kategorya ang nasabing bagyo, taglay ang hanging umaabot sa 194 kph (120 mph) na madaling pinatumba ang mga punong-kahoy at malalaking poste ng koryente.
Ayon sa mga opisyal na ulat, hindi bababa sa 10 ang bilang ng mga nasawi. Tuluyang nawalan ng koryente ang dalawang pinakamalaking siyudad sa Madagascar, ang Antananarivo at Toamasina, sa gitna ng pinakamadilim na Araw ng mga Puso sa bansa.
Ngunit sa kabila ng kalunos-lunos na kalagayan, nakuha pa rin ng mga aktibo sa citizen media na iulat ang mga pangyayari at pinsala ng bagyo sa kanilang pook. Higit sa 1,100 ulat patungkol sa bagyo ang nabanggit sa Twitter [en] sa loob ng 48 oras. Kinunan naman ng mga taga-roon ng litrato ang kanilang pamayanan at inilagay sa Facebook, at isang interactive na mapang binuo sa tulong ng crowdsourcing ang nangongolekta ng mga ulat mula sa mga social network, email, a SMS. Isang blog ang sadyang sinimulan para pagsama-samahin ang mga litrato ng bagyo sa Madagascar.
Isang mapang interactive na ginamitan ng crowdsourcing ang binuo ng grupo ng mga blogger sa Madagascar
Narito ang ilang litrato at bidyo na nagpapakita ng lawak ng delubyo: