See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Russia: Mga Pamamaraan sa Internet upang Makatulong sa mga Sinalanta ng Baha

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ruso.]

Sa rehiyon ng Kuban sa bansang Russia, 640 kabahayan ang winasak ng matinding pagbaha, samantalang mahigit 5,000 naman ang nakalubog sa tubig-baha. Ayon sa datos ng Crisis Center ng Ministry of Internal Affairs ng Russia, umabot na sa 150 katao ang bilang ng mga nasawi batay sa tala noong Hulyo 8.

Dahil sa trahedya, nagsama-sama ang mga mamamayan mula sa iba't ibang panig ng Russia upang makalikom ng tulong para sa mga kababayang apektado ng baha at nasasadlak sa malubhang kalagayan.

Narito ang maikling talaan ng mga sanggunian sa internet na patuloy na nag-oorganisa ng mga tulong at donasyon upang maiabot ang mga ito sa mga biktima ng baha sa Kuban.

Ang pangunahing pahina ng Koordinasyon ng Pag-abot ng Tulong sa mga Biktima ng Pagbaha sa Crimea

Laman ng nasabing portal ang pinakasariwang impormasyon: mga balita at mga larawan, mga bagong ulat mula mismo sa lugar, mga listahan ng mga nasawi, at talaan ng mga dumarating na tulong doon. Naroon din sa kanilang website ang impormasyon sa kung anu-ano ang higit na kinakailangan ng mga boluntaryo doon at kung papaano makakapunta sa lugar ang mga indibwal na nais tumulong.

Virtual Bell – Ang mapa ng pagbibigay-tulong sa mga biglaang nangangailangan 

Isang bagong mapa ang nilikha sa website ng Virtual Bell na tumutukoy sa mga pangangailangan ng bayan ng Krasnodar Krai. Sa tulong ng mga boluntaryo sa “Bell”, malalaman ng mga nais tumulong ang mga posibleng ruta ng paghahatid ng donasyon, pati na ang mga hiling ng mga boluntaryo sa lugar.

Matapos ang proseso ng pagpaparehistro sa rynda.org, maaari ka nang gumawa ng sarili mong Crimean volunteer profile at makakatanggap ka sa iyong email inbox, dalawang beses sa isang araw, ng impormasyon tungkol sa mga bagong pangangailangan sa Crimea.

Интерфейс виртуальной карты Рында.орг

Ang hitsura ng mapa sa Rynda.org

May mga donasyon ding kinakalap galing sa iba't ibang rehiyon ng bansa. Matatagpuan sa website na  “REformation” in Novosibirisk, isang kilusang sosyo-pulitikal, ang mga detalye tungkol sa samu't saring pangangailangan ng mga nasalanta pati na ang mga posibleng daanan papunta sa lugar.

Section of an article about the call for aid for those suffering in the crimea on the "REformation" homepage

mula sa “REformation”

Mapa ng pag-abot ng tulong sa Kuban 

Mula naman sa mapang binuo ng mga mamamayan sa platform na Ushaidi, natutukoy kung saan sa rehiyon ang partikular na nangangailangan ng tulong at kawanggawa.

Интерфейс Карты помощи Кубани

mula sa mapa ng pag-abot ng tulong sa Kuban

Talaan ng impormasyon tungkol sa mga nagkakawanggawa

Mula sa blog ni Elena Popovoi:

sa tulong ng social media:

  • Nangangalap ng mga donasyon ang blogger na si Doctor Liza para sa “Fair Aid”, isang grupong nagkakawanggawa na matatagpuan sa lungsod ng Moscow.
  • Narito ang Krasnodar network sa LiveJournal.
  • Narito ang tipunan sa Vkontakte (kung saan nakalagay ang mga link sa mga organisasyong nakabase sa mga kalapit-bayan).
  • Ang paghahanap at paggamit ng hashtag na #поможем (tulungan) sa Twitter.
Basahin ang orihinal na akda.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.