Mga kwento tungkol sa Politics
Togo: Lansangan sa Lomé, Binaha ng mga Nakapula
Libu-libong kababaihan na nakasuot ng pula ang dumagsa at nagmartsa sa Lomé, kabisera ng Togo, noong ika-20 ng Setyembre upang igiit ang repormang pampulitika. Ibinahagi ng samahang Let's Save Togo ang koleksyon ng mga litrato [fr] mula sa nasabing kaganapan.
‘Gangnam Style’, Ginaya ng Hilagang Korea
Sa website ng pamahalaan ng Hilagang Korea na Uriminzokkiri, iniupload ang isang bidyo [en] na may pamagat na “I'm Yushin style!” bilang panggagaya sa ‘Gangnam Style‘ [en] na pinasikat ng Timog Korea. Naging sentro ng katuwaan sa bidyo si Park Geun-hye, ang kandidato sa pagkapangulo ng kasalukuyang namumunong partido sa...
Gresya: Partidong Neo-Nazi ‘Golden Dawn’, Nais Paimbestigahan
Sinuportahan ng mga Twitter users mula sa iba't ibang panig ng mundo ang petisyon online para imbestigahan ang mga reklamong kriminal laban sa partidong Golden Dawn sa bansang Greece.
Syria: Ang Rebolusyon Ayon sa Mga Guhit ni Wissam Al Jazairy
Si Wissam Al Jazairy ay isang binatang graphic designer mula Syria. Ang paghihirap ng kanyang mga kababayan ang siyang naging tema ng mga likhang-sining na kanyang iniambag sa rebolusyon. Narito ang ilan sa mga disenyong likha ni Wissan.
Bansang Hapon: Isang Hinagap sa Ugnayang Hapones-Koreano Gawa ng ‘Free Hugs’
Isang bidyo ang sumikat nitong mga nakalipas na buwan, na may pamagat na "free hugs", kung saan tampok ang isang binatang Hapones sa bansang Korea. Nais ng gumawa ng pelikula na "patunayang may pag-asa pa para sa mga bansang Hapon at Timog Korea". Sentro ng mga balita sa midya ngayon ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang bansa.
Kilos-Protesta ng mga Anarkistang Griyego sa mga Litrato
Noong Setyembre 1, isinagawa sa gitnang Athens ang isang kilos-protesta. Daan-daang demonstrador, na karamihan ay kasapi ng kilusang anarkiya, ang nagtipon-tipon bilang pagkundena sa marahas na pag-atake laban sa mga dayuhan at mga imigrante.
Graffiti sa Panahon ng Krisis
Sa kasalukuyang krisis pang-ekonomiya, naging lunsaran ng mga hinaing ng lipunan ang samu't saring graffiti na makikita sa mga lungsod at bayan. Narito ang ilang halimbawa.
Mga Yamang-Kultura ng Syria, Pinapangambahang Maglaho
Bukod sa lumulobong bilang ng mga nasasawi sa giyera sa bansang Syria, isang masaker ang patuloy na nagaganap sa yamang-kultura ng mga taga-Syria. Subalit mapapansing ang usaping ito ay bihira lamang mabanggit sa midyang tradisyonal at sa social media, ayon kay Thalia Rahme.
Mga Bansang Arabo: Pagpaslang sa Embahador ng US sa Benghazi, Kinundena
Ikinagalit ng mga Arabong netizens ang duwag na pag-atake sa Konsulado ng Estados Unidos sa Benghazi, Libya. Apat na dayuhang Amerikano, kabilang na ang Embahador na si Christopher Stevens, ang pinatay nang pinapaputukan sila ng mga militante ng isang missile, habang inililikas ang dayuhang grupo sa mas ligtas na lugar, matapos paligiran ang gusali ng kanilang konsulado.
Mga Bansang Arabo: Naiibang Eid sa Syria, Palestina at Bahrain
Sa iba't ibang panig ng mundo, ginunita ang nakalipas na Eid Al Fitr sa loob ng tatlong araw, na siyang takda ng pagtatapos ng Ramadan - ang isang buwan ng pag-aayuno. Ngunit naging tahimik ang selebrasyon sa mga bansang Syria habang nagluluksa ang buong bayan para sa mga mamamayang nasawi, at sa bansang Bahrain kung saan napaslang ng pulisya ang isang 16-na-taong gulang na binata.