Sa kanyang blog post na pinamagatang ‘Cirque de Grece’ (Sirkong Griyego), ibinahagi ni Kostas Kallergis [en] ang poster na kinukutya ang kasalukuyang Punong Ministro ng bansang Gresya na si Antonis Samaras [en], na hango sa poster ng palabas na Alegria [en], tampok ang sikat na grupong Cirque de Soleil.
Ang katagang ‘Alegria’ ay katunog ng salitang Griyego na ‘Anergia’ na nangangahulugang ‘walang trabaho’. Umabot na sa 23.6% [el] ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa ikalawang bahagi ng 2012, ayon sa istatistika ng ahensiyang ELSTAT.