· Agosto, 2012

Mga kwento tungkol sa Politics noong Agosto, 2012

Anibersaryo ng Pag-aalsa ng Myanmar noong 1988, Ginunita sa mga Lumang Litrato

  18 Agosto 2012

Ginunita noong Agosto 8, 2012, ang ika-24 anibersaryo ng pinakamalaking rebolusyon sa kasaysayang pampulitika ng Myanmar - ang protesta para sa demokrasya noong 1988. Mula sa Facebook page ng Myanmar Political Review, na binuo noong Hulyo at nakalikom ng humigit 1,000+ fans sa loob lamang ng ilang araw, masisilayan muli ang mga pambihirang litrato na kinunan noong 1988.

Bidyo: Kampanyang ‘Karapatang Pantao, Ngayon Na!’, Inilunsad sa Costa Rica

  11 Agosto 2012

Noong Biyernes, ika-3 ng Agosto, inilunsad ng grupong Citizens for Human Rights ang kampanyang "Human Rights Now!" (Karapatang Pantao, Ngayon Na!), kung saan nagsama-sama ang mga personalidad ng Costa Rica upang ipanawagan ang paggarantiya ng Pamahalaan sa mga karapatang pantao ng lahat. Sa nasabing bidyo tinalakay ang mga isyu gaya ng pagpapakasal ng mga magkaparehong kasarian at ang mga karapatang sekswal at ligtas na pagdadalangtao ng mga kababaihan.