· Hunyo, 2012

Mga kwento tungkol sa Politics noong Hunyo, 2012

Ehipto: Ipinakikilala ang MorsiMeter

Matapos ang 32 taon ng rehimeng Hosni Mubarak, may bagong pangulo na ang bansang Egpyt. May bagong app naman ang inimbento upang subaybayan ang panunungkulan ng bagong halal na presidente na si Mohamed Morsi. Susundan nito ang pagpapatupad sa 64 na mga pangakong kanyang inilahad noong panahon ng kampanya.

Myanmar: Pagpoprotesta sa Kakapusan ng Koryente, Lumaganap

  14 Hunyo 2012

Dahil sa paulit-ulit at matagalang brownout sa ilang mga bayan sa Myanmar, mapayapang idinaos ng taumbayan ang mga kilos-protesta sa iba't ibang bahagi ng bansa. Dinakip at idinitine ang ilan sa mga lumahok sa pagtitipon, ngunit hindi pa rin nagpapigil ang mga residente at mga konsumer sa kanilang nararamdamang galit tungkol sa matinding kakapusan ng koryente. Humihingi sila ng paliwanag mula sa gobyerno kung bakit patuloy itong nagluluwas ng supply ng koryente sa Tsina sa kabila ng kakulangan ng elektrisidad sa loob ng bansa.

Tsina: Pagpapatawad sa May Sala sa Masaker sa Tiananmen?

  10 Hunyo 2012

May 180,000 katao ang lumahok sa pagsisindi ng kandila at vigil sa Hong Kong na ginaganap sa ika-4 ng Hunyo taun-taon, bilang paggunita sa serye ng mga protesta sa Liwasan ng Tiananmen noong 1989. Ayon naman sa dating lider ng mga kabataan na si Chai Ling, napatawad na niya ang mga nagkasala sa masaker sa Tiananmen. Agad namang inulan ng samu't saring reaksyon ang kanyang pahayag at sinimulan ang matinding debate.

Pilipinas, Tsina: Alitan sa Scarborough Shoal, Pinag-uusapan sa Internet

  8 Hunyo 2012

Umigting ang tensyon sa mga nakalipas na buwan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina nang magpalitan ang dalawang pamahalaan ng mga paratang tungkol sa iligal na panghihimasok ng isa't isa sa mga yamang dagat sa paligid ng pinag-aagawang Scarborough Shoal. Umusbong ang damdaming makabayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at lalong tumindi sa internet ang sagutan ng magkabilang kampo.

Pilipinas: Mga Refugee, Dumadami Dahil sa Pambobomba ng Militar

  7 Hunyo 2012

Sa mga nakalipas na buwan, libu-libong residente ng Mindanao ang sapilitang itinataboy mula sa kani-kanilang pamayanan dahil sa pinag-igting na operasyon ng militar sa lugar. Naging mainit naman ang sagupaan sa pagitan ng militar at mga rebelde, na nagpapalala sa kasalukuyang sitwasyon. Ang mga residente dito ay tuluyang naging mga bakwit - o ang lokal na tawag sa mga refugee.

Indonesia: Bolyum ng Pagdadasal ng mga Moske, Dapat Bang Hinaan?

  5 Hunyo 2012

Ginagamit ng mga moske sa Indonesia limang beses kada araw ang mga loudspeaker upang manawagan sa publiko na magdasal kasabay ng "adzan". Kamakailan, hinimok ng Bise Presidente ng bansa na hinaan ang bolyum ng mga ito nang hindi makadistorbo sa ibang tao. Kasunod na umusbong ang makulay na palitan ng kuru-kuro tungkol sa isyu.

Pilipinas: Gobyerno, Bigong Pigilan ang Pagsikat ng ‘Noynoying’

  4 Hunyo 2012

Kung dati nag-umpisa ito bilang gimik na pumalit sa ipinagbawal na 'planking', ang 'noynoying' ay napakasikat na ngayon sa buong Pilipinas. Naglabas ng kani-kanilang kuru-kuro ang mga Pilipinong netizen kung paano at bakit sumikat ang paraang Noynoying, hindi lamang sa mga kilos-protesta, sa kabila ng patuloy na pagtanggi ng pamahalaan.

Ehipto: Mubarak, Habambuhay na Mabibilanggo

Sinubaybayan ng buong mundo ang paglilitis sa dating pangulo ng bansang Egypt na si Hosni Mubarak at kanyang Ministro ng Interyor na si Habib Al Adly, na parehong hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagkamatay ng mga demonstrador noong 2011. Sabay na napanood ng mga mamamayan sa kani-kanilang telebisyon ang sesyon sa hukuman. Samu't saring opinyon ang kanilang ipinahayag sa internet.