Mga kwento tungkol sa Politics noong Mayo, 2012
Thailand: Mga Red Shirt, Muling Nilusob ang Lansangan
Idinaos ng libu-libong Red Shirt ang paggunita sa pangalawang anibersaryo ng salpukan sa Bangkok noong 2010 sa pagitan ng mga pulis at sundalo at mga nagpoprotesta.
Jordan: Mga Taga-Jordan, “Nagpasalamat” sa Monarkiya
Gamit ang hashtag na #شكرا, o "salamat”, ipinarating ng mga taga-Jordan sa Twitter ang kanilang gustong sabihin sa kanilang monarkiya ng bansa. Lumabas ang mga mapang-uyam na tweet bilang pagpuna sa usad-pagong na reporma sa Jordan.
Panukalang Unyon ng mga Bansa sa Golpo, Sinalubong ng mga Alinlangan
Maugong ang balita tungkol sa panukalang palitan ang kasalukuyang GCC o ang Konsehong Pangkooperasyon para sa mga Golpong Estadong Arabo, at gawin itong unyon na gaya ng EU. Ito ay sa gitna ng tensyon at kawalang-katiyakan matapos ang Himagsikang Arabyano at ang lumalawak na impluwensiya ng Iran. Bilang panimulang hakbang, pinag-uusapan ngayon ang pakikipag-anib ng Saudi Arabia sa Bahrain.
Pilipinas: Mga Sakuna ng Kalikasan, Iniugnay sa Pagmimina at Pagtotroso
Nakaranas ng matitinding pagbaha at pagguho ng lupa ang maraming bahagi ng Pilipinas sa loob lamang ng tatlong linggo, na kumitil sa buhay ng 1,500 katao at sinalanta ang ilang daan-libung mahihirap na mamamayan. Tinukoy ng mga netizen ang mga dahilan ng mga nangyayaring sakuna, pati na ang mga pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno dahil sa pagbibigay permiso sa mga kompanyang nagsasagawa ng walang habas na pagtotroso at pagmimina.
Pilipinas: Demolisyon sa Mahirap na Pamayanan sa Siyudad, Umani ng Batikos
Isang lalaki ang kumpirmadong nasawi at dose-dosena ang nasugatan matapos ang sagupaan ng pulisya at mga naninirahan sa Silverio Compound sa lungsod ng Paranaque, timog ng Maynila, sa gitna ng mga pagpoprotesta laban sa demolisyon ng mga kabahayan sa lugar. Sumiklab naman sa internet ang matinding galit ng taumbayan dahil sa nangyaring karahasan.
Tsina, Pilipinas: Tensyon sa Pag-angkin sa Scarborough Shoal, Tumitindi
Lalong umiinit ang tensyon sa pinag-aagawang Scarborough Shoal o Huangyan Island sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Isiniwalat ng media ng pamahalaang Tsina na hindi na nito papayagan ang panghihimasok ng mga barkong pandagat ng Pilipinas sa Dagat Timog Tsina.
Netherlands: Unang bansa sa Europa na nagpatupad ng net neutrality

Ang Netherlands ang kauna-unahang bansa sa Europa kung saan naisabatas ang pagpapatupad ng internet na walang kinikilingan, o ang tinatawag na net neutrality. Kasama dito, ipinasa din ang batas na mangangalaga sa privacy ng mga gumagamit ng internet mula sa pangwa-wiretap at sa pagputol ng mga Internet Service Provider (ISP) ng koneksyon ng walang dahilan.
Tsina: Papaunlad at Lumalaki Subalit Nakakulong
Nakapalibot sa bansang Tsina ang 85% ng lahat ng political hotspot sa buong mundo, ayon sa isang tanyag na propesor, at kailangan nitong maging malaya upang mabigyang tugon ang mga hamong pampulitika sanhi ng katangi-tanging heograpiya nito, simula sa mga dagat na katabi nito.
Malaysia: Mga Protestang Bersih Sa Iba't Ibang Bahagi ng Mundo
Kasabay ng mga protestang Bersih sa siyudad ng Kuala Lumpur noong isang linggo, ilang katulad na pagtitipon ang inorganisa ng mga Malaysian sa ibayong dagat. Layon ng mga protestang ginanap sa iba't ibang bansa na paigtingin ang panawagan sa mas demokratikong paraan ng halalan sa bansang Malaysia.
Pransiya: Mga Litrato ng Reaksyon Matapos ang Halalan sa Pagkapangulo
Agad nabigyang kasagutan ang ginanap na halalan sa pagkapangulo ng bansang Pransiya noong ika-6 ng Mayo 2012. Nakakuha si Francois Hollande ng 51.90% ng kabuuang boto, samantalang 48.10% naman ang napunta sa kasalukuyang Pangulo na si Nicolas Sarkozy. Bakas sa mga litrato online ang bawat kaligayahan at panghihinayang ng magkabilang kampo matapos ilabas ang resulta.