Mga Yamang-Kultura ng Syria, Pinapangambahang Maglaho

Ang ulat na ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Protesta sa Syria 2011/12.

Bukod sa lumulobong bilang ng mga nasasawi sa giyera sa bansang Syria, isang masaker ang patuloy na nagaganap sa yamang-kultura ng mga taga-Syria. Subalit mapapansing ang usaping ito ay bihira lamang mabanggit sa midyang tradisyonal at sa social media.

Alam mo bang may anim na lugar sa bansa ang bahagi ng listahan ng UNESCO World Heritage List? Ito ay ang Lumang Siyudad ng Aleppo, Lumang Siyudad ng Bosra, Lumang Siyudad ng Damascus, Lumang Siyudad ng Hilagang Syria, Crac des Chevaliers at ang Pook Qal’at Salah El-Din sa Palmyra. Maliban doon, may 12 ibang lugar sa bansa na kabilang din sa tinatawag na tentative list.

Noong ika-30 ng Marso, 2012, nagpalabas ng anunsyo ang UNESCO na umaapela sa buong mundo na pahalagahan ang mga yamang kultura ng Syria. Sa kanyang panawagan, sinabi ni Irina Bokova, ang Director General ng UNESCO:

Damage to the heritage of the country is damage to the soul of its people and its identity.

Ang pagkawasak ng yamang-kasaysayan ng bansa ay siya ring pagkasira ng diwa ng kanyang mamamayan at pagkakakilanlan niya.

Ang bayan ng Aleppo, halimbawa, ay naging sentro ng bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at militar. Lubusang ikinabahala ito ng nasabing sangay ng UN at ng kaugnay nitong ahensiya, ang World Heritage Committee.

Pagkasira, pagnanakaw, at pagpupuslit ng mga ninakaw … ito ang naging hantungan ng mga ingat-yaman na humigit isang libong taon na ang tanda.

Upang masubaybayan ang mga yamang-kultura ng Syria mula sa tuluyang pagkawasak, itinalaga ang mga Facebook page at YouTube account na may pamagat na ‘Ang pamana ng arkeolohiyang Syrian, nanganganib’, na may kaukulang salin sa mga wikang Arabic, Pranses, Ingles at Kastila.

Sa ngayon walang pagkakakilanlan sa tunay na katauhan ng grupo sa likod ng pagkilos; marahil sila ay isang pangkat ng mga arkeolohistang taga-Syria o mula sa ibang bansa.

Ito ang nilalaman ng kanilang panawagan:

There is not much we can do to help them out of this situation, besides sending them our most sincere wishes of peace. However, there is something we can do. Syrians are witnessing how their cultural heritage is in danger, and how it is suffering important damages. A part of their collective cultural richness could be dramatically lost. Here is what we can do to contribute to the effort of protecting this heritage: We have all sent the archaeological material from our excavations to the local museums, or have left it in our missions’ houses. Much of this material can disappear due to the uncertain situation in many parts of the country. So, dear colleagues, let’s have our archives, inventories and catalogues ready, to help trace the material, should it disappear. When the time comes, this action will contribute to better outline the situation of the excavated archaeological material prior to the troubles.

Maliban sa paghahahangad ng lubos na kapayapaan para sa bansa, limitado ang ating magagawa upang mapalaya sila mula sa kasalukuyang kaguluhan. Ngunit may magagawa tayo. Saksi ang mga taga-Syria sa mga nakaambang pagkawasak ng kanilang mga yamang-kultura, at ilan sa mga ito ay tuluyan nang nasisira. Malaking bahagi ng kanilang kultura ang maaaring mawala. Ito ang maaari nating gawin upang mapangalagaan ang mga pamana ng kultura: Karamihan sa mga bagay na nahukay namin ay naipadala na sa mga lokal na museo at sa ilang mga kabahayan kung saan kami pansamantalang nakatira. Posibleng mawala ang mga bagay na ito dahil sa kawalang-katiyakan ng sitwasyon doon. Kaya't nananawagan kami sa mga kasamahan namin na ihanda ang mga imbentaryo at talaan ng mga bagay na ito kung sakali mang mawala sila. Pagdating ng panahon, ang mga hakbang na ito ay makakatulong sa pagsasaayos ng mga yamang arkeolohiyal na nahukay bago pa man nagsimula ang kaguluhan.

Bilang halimbawa, narito ang pagkasira na masasaksihan sa makasaysayang distrito ng Bab Al Dreib sa bayan ng Homs:

Pagkawasak ng mga gusali sa distrito ng Bab Al Dreib sa lungsod ng Homs

 

Ito naman ang Bab al Turkman sa Homs:

Isa pang bahagi ng Homs ang nasira

Ito naman ang larawan ng sikat na Aleppo Citadel, bago at matapos ang sagupaan doon:

Ang dinarayong Citadel sa bayan ng Aleppo

Isang tambak nalang ng mga bato, ganito ang nangyayari sa Aleppo Citadel ngayon

Hindi naman nakatakas sa mga pinsala ang matandang pamilihang bayan sa distrito ng Midan:

Ganito na ngayon ang hitsura ng matandang pamilihan sa Distrito ng Midan sa lungsod ng Damascus

Makikita sa YouTube ang ilang mga bidyo na naglalarawan sa lawak ng pinsala sa mga makasaysayang pook sa Syria. Narito ang ilang halimbawa:

Ito ang moskeng Abu Ubeida al Jarrah sa Tell Bysse:

Ang lumang bahagi ng Aleppo:

Ang monasteryo sa bayan ng Saidnaya:

Ang kastilyong Qalaat Al Madiq Bombing-Apamea:

Nakatala ngayon sa Avaaz ang isang panawagan at petisyon upang isalba ang mga yamang-kultura ng Syria.

Lahat ng mga litrato dito ay mula sa Facebook page at YouTube ng grupong ‘Syrian archaeological heritage under threat’.

Ang ulat na ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa Protesta sa Syria 2011/12.

1 Komento

Join the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.