Mga kwento tungkol sa Latin America noong Abril, 2012
Costa Rica: Pag-akyat sa Chirripó, ang Pinakamatayog na Bundok sa Bansa
Ang Chirripó ang pinakamatayog na bundok sa bansang Costa Rica, na may taas na 3820 metro (12,533 talampakan). Noon pa man, maraming mga lokal at banyagang turista ang naaakit na akyatin ang tuktok nito: mapapanood sa mga susunod na bidyo ang dalawang magkaibang karanasan. Tampok sa unang bidyo ang naunang paglalakbay noong 1960, at tampok naman sa pangalawa ang karanasan sa kasalukuyang panahon.
Arhentina: Pinuna ng mga Blogger ang Anunsyong Pagbili ng Pamahalaan sa Kompanyang YPF
Umani ng iba't ibang reaksyon sa blogosphere ng bansang Arhentina ang panukalang pagbili ng pamahalaan nito sa kompanya ng langis na YPF, na kontrolado ng kompanyang Repsol ng bansang Espanya, kung saang mapapasakamay ng gobyerno ang 51% ng buong kompanya. Ibinahagi ni Jorge Gobbi ang ilan sa mga opinyong ito, na kasalukuyang nahahati sa pagitan ng mga sang-ayon at kumukontra sa pamamahala ni Cristina Fernandez de Kirchner.
Living Tongues: Mga Kasangkapang Teknolohiya Upang Sagipin Ang Mga Wikang Nanganganib Mawala
Batid ng Living Tongues Institute for Endangered Languages na sa pagkamatay ng bawat katutubong wikang nanganganib mawala, kasamang nabubura sa kamalayan natin ang kasaysayan ng isang bahagi ng lipunan. Bilang tugon sa isyung ito, nagsasagawa ang naturang surian ng masinop na pagdodokyumento ng mga lenggwaheng sinasabing nasa peligro, at nagbibigay gabay sa mga pamayanan upang mapanatili o buhaying muli ang kanilang kaalaman tungkol sa katutubong wika, sa tulong ng ICT at mga kagamitang likha ng kanilang komunidad. Kumakalap din ito ng sapat na pondo upang makabili ng kagamitang pangrekord at mga kompyuter para sa 8 napiling indibidwal na nagsusulong ng kanilang katutubong wika sa mga pamayanan ng Indiya, Papua New Guinea, Chile at Peru.
Arhentina: “Hindi Ako Naniniwala sa Paaralan Ngunit Naniniwala Ako sa Edukasyon”
Naglabas ang Educación Viva (Mabuhay ang Edukasyon) ng paunang bidyo na humahamon sa tradisyonal na sistema ng edukasyon, na pinamagatang Hindi Ako Naniniwala sa Paaralan Ngunit Naniniwala Ako sa Edukasyon. Sa bidyo na may kasamang subtitle sa wikang Ingles, binigkas ng higit sa 20 kalalakihan at kababaihan ang tula tungkol sa sistema ng edukasyon at kung paano ito naiiba sa kanilang paniniwala tungkol sa tunay na kahulugan ng pag-abot ng kaalaman.
Pagkanta ng Pambansang Awit sa Sariling Wika
Makikita sa YouTube ang sangkatutak na bidyong gawa ng mga mamamayan na itinatanghal ang mga pambansang awit na isinalin-wika sa mga katutubong lenggwahe. Batay sa mga komento at puna sa mga bidyo, ipinagmamalaki ng mga gumagamit ng katutubong wika ang mga bidyong ito sapagkat naipagbubunyi nila ang kanilang bayan gamit ang sariling wika.
Bidyo: Patimpalak na Firefox Flicks sa Paggawa ng Bidyo
Ang pandaigdigang patimpalak na Firefox Flicks ay magbibigay gantimpala sa mga maiikling pelikulang magtuturo sa mga gumagamit ng web browser tungkol sa isyu gaya ng privacy, choice, interoperability, at oportunidad, at kung papaano ito tinutugan ng tatak Firefox.
Chile: Debate sa Twitter Tungkol sa Therapeutic na Pagpapalaglag Habang Nag-aantay ang Senado
Habang patuloy na pinagpapaliban ng senado ang debate patungkol sa pagsasabatas ng therapeutic na uri ng pagpapalaglag, naging mainit ang palitan ng mga palagay at kuru-kuro sa cyberspace ng Chile, lalo na noong ipinalabas sa telebisyon ang dalawang debate tungkol sa paksa.
Mehiko: 7.8 Magnitude na Lindol Yumanig sa Bansa
Noong ika-20 ng Marso, bandang tanghali, isang malakas na lindol na may talang 7.8 magnitude ang yumanig sa timog at gitnang bahagi ng bansang Mehiko. Marami ang nagbukas ng Internet upang kamustahin ang kani-kanilang pamilya at ibalita ang kalagayan sa kanilang lugar. Heto ang ilang reaksyong nakalap mula sa web.