Costa Rica: Pag-akyat sa Chirripó, ang Pinakamatayog na Bundok sa Bansa

Ang Bundok Chirripó [en] ay siyang pinakamatayog na bundok sa bansang Costa Rica na may taas na 3820 metro (12,533 talampakan). Noon pa man, maraming mga lokal at banyagang turista ang naaakit na akyatin ang tuktok nito: mapapanood natin sa mga susunod na bidyo ang dalawang magkaibang karanasan. Ang unang bidyo ay patungkol sa isa sa mga naunang paglalakbay noong 1960, at ang pangalawa naman ay karanasan sa kasalukuyang panahon.

Sa dokyumentaryong Hikes of Courage: Climbing Chirripó in 1960[es] (Mga Lakad ng Tapang: Pag-akyat sa Chirripó noong 1960), sinuong ng isang pangkat ng kabataang kalalakihan at kababaihan ang hamon na akyatin ang pinakamataas na bundok sa Costa Rica. Una muna silang sumakay sa kotse, sa mga kareta na hinihila ng kapong baka, at sa kabayo bago nila nasimulan ang pag-akyat sa bundok, kung saan inabot sila ng isang linggo.

Espesyal ang ekspedisyong ito dahil ito lamang ang pangalawang pagkakataon na may mga dokumentong nagpapatunay na nakarating sila sa mismong tuktok. Ang kanilang mga lagda na iniwan doon sa tuktok ay nagsilbing ebidensiya para sa mga sumunod na umakyat ng naturang bundok. Dagdag dito, ito din ang unang pagkakataon sa naitalang kasaysayan na nakarating sa pinakatuktok ang mga kababaihan. Sinalaysay ng meteorolohistang si Rodrigo de la Ossa ang kanilang mga paglalakbay sa rutang hindi na gaanong ginagamit sa kasalukuyan, dahil may panibago at mas maikling ruta na.

itrato ni Peter Andersen ng tuktok ng Cerro Chirripo, CCBySA

litrato ni Peter Andersen ng tuktok ng Cerro Chirripo, CCBySA

Sa kasalukuyan, ang pag-akyat sa Chirripó ay may distansyang 19.5 kilometro (12.1 milya), kung saan kailangang manuluyan pansamantala ng pangkat sa isang tirahan malapit sa tuktok, at magpapagabi muna dito. Mapapanood naman sa kasunod na dokyumentaryo, na inupload ni tetsuo1337 at may subtitle sa wikang Ingles, ang kanilang naging karanasan noong 2010.

Unang bahagi: [en]

Ikalawang bahagi: [en]

Mapapanood naman sa ikatlong bahagi [en] ang pagsikat ng araw sa tuktok ng bundok, at makikita rin ang Karagatang Pasipiko at Dagat ng Karibe kapag maganda ang panahon. Sa bidyong ito, nakita din nila ang usok na nagmumula sa tuktok ng Bulkang Turrialba.

Ikaapat bahagi [en] at ikalimang bahagi [en].

 

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.